Chapter 45
“Pasensya ka na hija at napag-usapan pa natin iyon, ah?” malungkot na ani ni Tita Amore sa akin nang nakauwi kami.
Ang tinutukoy niya ay ang pagkuwento ko tungkol kay Papa.
Tipid akong ngumiti sa kanya. “Ayos lang po iyon.”
Nang nakapasok na kami sa loob ay nakita namin si Ashvon nakahiga sa sofa. Mukhang lasing si Ashvo na n kaya pinauna ako ni Tita at pinuntahan ang suwail na anak.
Narinig ko na sinermonan ni Tita si Ashvon nang umakyat ako sa hagdan. Napabuntonghininga na lamang ako at matamlay na nagtungo sa kuwarto nang nakarating ako sa ikalawang palapag.
Wala si Ashton ngayon sa bahay ng mga Monteverde dahil inasikaso niya ang Negosyo. Kailangan niya raw asikasuhin para na rin may oras na kami sa isa’t isa.
Isa rin sa mga inaalala ko ay ang sinabi ni Sabrina sa akin. Knowing her, alam ko na hindi niya iyon ike-keep as secret. She will do anything to ruin me, to ruin us. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kapag malaman ni Tita na gano’n ang simula namin ni Ashton ay baka mag-iba ang tingin niya sa akin. Baka akalain niya na hindi ko mahal ang anak niya.
Nanginig ang kamay ko at napaupo na lamang sa dulo ng kama. Kinagat ko ang kuko ko sa sobrang overthink.
Mahal na mahal ko si Ashton at ayoko na mawala muli siya sa akin. Kaya kung malaman man ni Tita ay dapat mula sa bibig ko at hindi mula kay Sabrina. Pero paano ko gagawin iyon?
Balisa ako habang mag-isa sa kuwarto kaya kinuha ko ang phone ko para tawagan si Ashton. Alam ko na busy siya pero gusto ko siya makausap tungkol sa bagay na iyon. Hindi ako mapakali. At bukod doon, gusto kong magpasama sa kanya. Kailangan ko yata ng kasama ngayon.
Mabuti at sinagot niya ang tawag kaya napahiga ako sa malambot na kama habang ang aking phone ay nasa tapat ng tainga ko.
“Hello…” sagot ni Ashton.
Napangiti ako. “Ash…”
“Yes.”
Napawi ang ngiti ko nang nakaramdam ako ng lamig sa boses niya. Kinabahan ako bigla. Hindi naman kasi kami nag-away at masaya naman kami.
“B-Busy ka ba?” kinakabahan ko na tanong at napalunok.
Gusto ko magpasama sa kanya sa sementeryo. Tingin ko ay kailangan iyon matapos ko siyang maikuwento sa hindi kilalang tao.
Pero sa lamig ng boses ni Ashton ngayon ay mukhang hindi ko na siya mayaya. Nawalan na ako ng lakas na sabihin iyon.
Bumuntonghininga si Ashton sa kabilang linya. Mukha siyang pagod. “I’m sorry, Kat. Pagod ako ngayon at nandito pa ako sa office. I’ll call you later, okay?”
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi naman siguro masama na intindihin ko siya, hindi ba? Hindi lang naman ako ang priority niya. May business din siyang inaasikaso.
“Okay, Ashton.” At in-off ko na ang tawag bago pa man siya makapagsalita.
Nangilid ang luha ko sa sobrang sama ng loob. Ang daming bumagabag sa isip ko. Dumagdag pa si Ashton.
Tumayo na lamang ako at naisipan na dalawin si Papa na mag-isa. Nagpaalam ako kay Tita Amore na pupuntahan ko si Ate at hindi na kailangan ng bodyguards dahil wala namang masamang mangyayari sa akin. Mabuti at pumayag si Tita kaya naman nang nakalabas ay bumili ako ng bulaklak bago sumakay ng jeep patungong sementeryo.
Hindi ko na nadalaw si Papa kaya ito na yata ang pagkakataong madalaw siya ulit. Napangiti na lamang ako habang tinitigan ang bulaklak. May dala rin akong kandila at posporo dahil baka hindi bukas ang tindahan sa sementeryo.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?