Chapter 18

79.8K 2.6K 460
                                    

Chapter 18

I smiled as I walked down the aisle. Sobrang kaba ko ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Nasa tabi ko ang aking kapatid na ngayon ay nakasimangot. Para siyang namatayan dahil sa kanyang hindi maipinta na itsura. Hindi ko na lang siya pinansin at taas-noong naglakad sa red carpet.

Supposedly, ngayong araw sana ang pinaka-memorable day para sa mga babaeng kagaya ko. Na gustong makasal sa taong mahal, sa tamang oras at panahon. Pero wala akong oras para magsaya at maging emosyonal lalo na't hindi naman ito totoo. Para lang din itong role play at ako'y isang artista. Mahal pa naman ang fee ko. Lupa nga ang kapalit ng acting ko, eh.

Tumikhim ako at ngumiti sa lahat ng guest. I even waved my hands kaya kita ko mula sa malayo ang pagkunot ng noo ni Ashton. Napairap na lamang ako at madramang naglakad nang ako ay papalapit na sa kanya. Dapat lang ay galingan ko sa pag-acting para matapos na ito. Ngayon lang naman ito at—ARAY!"

Namilog ang mata ko at napasigaw sa sakit nang bigla na lamang akong natapilok kaya nadapa ako sa red carpet. Sumubsob ang mukha ko sa sahig at tumilapon ang bulaklak malayo sa akin.

"Ouch!"

Napangiwi ako sa sariling katangahan ko at agad tumayo nang ma-realize ko na pinagtawanan na ako ng mga bisita. Napaatras ako dahil sa kahihiyan.

Hagikhik at tawanan ang narinig ko sa buong simbahan kaya sumikip ang dibdib ko at napailing. Nangilid ang luha sa aking mata at binalingan ko si Ashton na ngayon ay tumatawa rin. Binalingan ko ang kapatid ko na ngayon ay nakataas ang kilay. At narinig ko na naman ang kanyang huling sinambit nang mag-away kami.

"Huwag kang magsisi sa huli, Katarina!"

"Huwag kang magsisi sa huli, Katarina!"

"Huwag kang magsisi sa huli, Katarina!"

Umawang ang labi ko at mas lalo lamang napaatras. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sakit na nararamdaman. Halos ang tanging naririnig ko lang at pumapasok sa isip ko ay ang kanilang tawanan. Ipinilig ko ang ulo ko.

Hindi. Hindi. HINDI!

"Hindi!" sigaw ko at agad bumangon.

Hinihingal ako habang inilagay ko ang aking palad sa aking dibdib. Tumingin ako sa paligid at napagtanto ko na wala pala ako sa bahay. Narito ako sa bahay ng mga Monteverde. Napalunok ako at napapikit. Anong klaseng panaginip ba iyon? Pati ba naman sa panaginip ay tanga pa rin ako?

Nagmulat lang ako kasabay ng pagkunot ng noo ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa roon ang isang magandang babae na may magandang ngiti at mukha. Marahan niyang isinara ang pinto pabalik habang may tray sa kanyang kamay.

"Good morning, Ma'am!" bati niya sabay tungo sa akin. Inilapag niya ang dala niyang tray sa side table.

Tumango ako at pinagmasdan siya. Hindi ko maiwasan ang ma-insecure. Ang ganda niya para maging kasambahay. Mahaba at straight ang kanyang maitim na buhok. Black din ang kanyang mata at may maputi siyang balat. Wala siyang kahit anong pimples sa mukha. Makapal at mahaba ang kanyang pilikmata at ang kanyang kilay ay porma at makapal. In short, parang barbie ang bata na ito.

And oh—dimple! Sana all.

Napakurap ako nang nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Hi, Ma'am. You drink your coffee. Order you from Senyora."

Unti-unting nalaglag ang panga ko sa narinig. Alam ko na hindi rin ako kagalingan sa English pero hindi ko maiwasan ang mapangiwi. Ganito na ba talaga ako ka-judgmental? Sunog na sunog na ang kaluluwa ko sa impyerno.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon