Chapter 11

96.1K 3.1K 256
                                    

Chapter 11

"Katarina, tulala ka na naman," nag-aalala na wika ni Cheska habang sinasapo niya ang noo ko.

Huminga ako nang malalim at saka siya malungkot na binalingan. Ngumuso ako. "Bakit ba ang malas-malas ko?"

Ngumuso rin siya at tinapik ang balikat ko. "Hindi ka naman malas. Worried ka ba kasi baka hindi na naman tayo makapasa sa exam?"

Naibagsak ko na lamang ang balikat ko at saka umiwas ng tingin. I can't tell her. Ayaw ko na magtanong siya ng maraming tanong sa akin. Kilala ko si Cheska. Hangga't hindi nasasagot ang kanyang tanong, hindi ka niya titigilan hanggang sa bumigay ka.

Pinagsasaksak ko na si Ashton sa utak ko. How could he use my weakness? Alam ba niya na importante sa akin ang lupa? Siguro ay alam niya. Alam niya na rin siguro ang dahilan kung bakit kinailangan naming ibenta ang lupa.

At dahil mahalaga sa akin ang lupa, kailangan ko siyang pakasalan. But I will make things clear for the both of us. Walang touching na mangyayari kapag gabi dahil babaugin ko talaga siya kapag nilandi niya ako!

I gritted my teeth and took a deep breath. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi pa nga ako nakatulog kagabi dahil hindi na mawala sa isip ko ang mga pangyayari lalo na ang halik na iyon. Wala sa sariling hinaplos ko ang labi ko gamit ang hintuturo ko.

How could he kiss me?

Suminghap ako at ipinilig ang ulo. Agad kong binaba ang daliri ko. Nang akma na akong babalik sa trabaho, natigilan muli ako nang nakita ko si Miranda. Hay, kailan kaya niya ako tatantanan.

Sa ngisi pa lamang niya, alam ko na inaasar na naman niya ako. Nang huminto siya sa harapan ko, humalukipkip siya at ngumiti sa akin.

"Wow, absent ka yata the other day, Katarina," aniya sa mapang-asar na tono. "Kaya ka siguro hindi napo-promote kasi wala ka talagang pakialam sa trabaho mo."

I rolled my eyes. "Why? Did you miss me? Paki mo ba kung liliban ako? At hindi ako nag-a-aim for promotion. Baka ikaw. At paki mo ba?"

Nagtaas siya ng kilay sa akin at saka siya umirap. Bakit ba niya ako pinapakialaman? Hindi ko naman pinapakialaman ang kilay niyang hindi pantay, ah?

"Wala akong paki sa iyo, as if!"

Mapang-insulto ko siyang tiningnan. Kitang-kita ko kung paano siya natakot sa titig ko. I saw her gulped and she even stepped back pero isang beses lang.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Oh, ano ang ginagawa mo rito? Hindi ka naman siguro naririto para mang-insulto, right? Perfect ka masyado, eh."

Nakita ko na naapektuhan siya sa sinabi ko kaya mas naging defensive siya sa kanyang sarili.

"Of course not!" she exclaimed in a defensive tone. "I was just going to tell you na sure ball na ako na hindi ka na naman makapasa sa exam!" She smirked.

Natawa ako sa kanya. "Edi, hindi! Paki mo ba kung hindi ako makapasa? Bumalik ka nga sa pinanggagalingan mo! Puro ka na lang kaka, eh, wala ka namang naging ambag sa buhay ko. Ayusin mo muna ang kilay mo bago mo ako ungasan. Hindi ako pumapatol sa mga babaeng kinulang sa bitamina."

Napasinghap siya at nailagay ang palad sa kanyang dibdib sa sobrang gulat. Agad-agad siyang umalis para maghanap ng salamin. Napailing na lamang ako at nag-iwas na ng tingin.

"Nangangalay na ang binti ko," nasabi ko na lang sa sarili ko at hinagod ang binti ko.

Habang minamasahe ko ang tuhod ko, napatingin ako sa paligid. People were busy with their lives. Ang iba ay nasisiyahan na mag-shopping sa mall na ito, ang iba naman na mga kasamahan ko sa trabaho ay ginagawa ang lahat maging maayos lang ang trabaho nila, at may iba ring sinasakripisyo ang paglayo sa kanyang pamilya para lang may pagkain na mailapag sa lamesa.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon