Chapter 26

76.4K 2.4K 392
                                    

Chapter 26

 
Seryoso kong hinihiwa ang karne ng baboy sa harap ng dalawang bodyguards ko habang iniisip ang pagmumukha ni Ashton at Sabrina. Hindi ko maiwasan ang isipin silang dalawa. Lalo na ngayon na wala si Ashton! Sure akong nagtungo iyon kay Sabrina para mag-explain!

Sus! Bakit ko ba sila iniisip?

Napailing na lang ako at nang matapos kong hiwain ang karne, tumingin ako sa dalawa na nakatingin na sa akin.

Ngumiti ako sa kanila. “Magaling ba akong maghiwa?” tanong ko sa kanila at marahang inilapag ang kutsilyo sa lamesa.

Bumagsak ang balikat ko nang umiling ang isa.

“Why naman?” Napanguso ako at saka medyo nainis dahil naka-shades pa rin sila kahit nasa loob sila ng bahay. “Tanggalin niyo nga iyang shades niyo! Walang araw dito!”

Aabutin ko sana ang mga shades nila pero umilag sila. Inis ko silang tiningnan at saka marahas na kinuha ang repolyo sa basket.

“Hihiwain ko talaga iyang mga talong ninyo. Makikita  niyo!” inis kong sambit at saka kinuha muli ang kustilyo at nagsimulang hiwain ang repolyo.

Nang hindi sila nagsalita ay nagpatuloy ako.

“Naku! Baka makalimutan ninyo mga jowa niyo kapag natikman niyo ang pancit bihon ko,” sabi ko at tiningnan sila muli. Mukhang hindi yata sila naniniwala. “Nagsasabi ako ng totoo!”

Napailing na lamang ako at nang matapos ko ang lahat ng hihiwain, inutusan ko ang isang kasambahay na hugasan ang kawali dahil magsisimula na ako sa pagluluto. Inayos ko ang apron ko at nang tiningnan ko silang dalawa ay nakatunganga na.

Napangiwi ako at naghanap ng gloves. Pero hindi ko pa man naisuot ay biglang pumasok si Manang Lolita at nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw na ikinagulat ko.

“Hala, Ma’am!” sigaw niya at agad lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inagaw ang gloves na hindi ko pa nasuot. “Ano ang ginagawa niyo rito? Jusko! Baka magalit ang asawa niyo!”

Kumunot ang noo ko at binawi ang kamay ko mula sa kanya.

“Bakit ka ba sumisigaw?” tanong ko. “Kalma ka lang.”

Napangiti na lamang ako nang makita ko na inilapag na ng isang kasambahay ang kawali sa may stove.

Confident na tiningnan ko si Manang. “Magluluto ako ng pancit bihon, Manang.” At lumapit ako sa stove at binuksan. “Kaya huwag kang umepal diyan.”

Sumunod naman siya sa akin. “Para kay Sir ba ang pancit na iyan. Ma’am?”

Napairap ako at kinuha ko ang mantika. Tiningnan ko si Manang na may malaki na ang ngiti.

“Hindi. Asa naman siya na lulutuan ko siya! Hindi iyon kumakain ng pancit. Maarte iyon! Para sa bodyguards ko ito.”

Nilagyan ko na ng mantika ang kawali.

“Guards?” gulat na gulat na tanong ni Manang at napatingin sa dalawa. “Ma’am, hindi iyan mga guards!”

Natigilan ako at napatingin kay Manang na umiling-iling na sa akin. Nilingon ko rin ang dalawang bodyguard na ngayon ay nahuli ko na nag-uusap na.

What the hell?

Gulat na tiningnan si Manang. “Ano? Hindi sila bodyguards? Sino ang mga iyan?”

“Mga kaibigan iyan ni Sir, Ma’am! Nasa ibang tao na po naka-assign ang bodyguards mo, Ma’am. Si Ma’am Ashley na po ang binabantayan.”

Bigla akong nabuhayan. Hindi naman pala bodyguards ang mga ito. Bakit ko pa pinapahirapan ang sarili ko?

Umangat ang gilid ng labi ko. “Talaga? So, hindi sila magtatagal?”     

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon