Chapter 21
Hindi maipagkaila na masarap ang luto ni Ashton. Hindi naman ako kakain kung hindi. Sa sobrang laitera ko at bitter, na-underestimate ko ang kanyang cooking skills.
Sweet and Sour Pork ang niluto niya at sarap na sarap ako.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagpasok ni Ashton kaya napatingin ako sa kanya. May dala siyang wine at wine glass. Nang tumingin siya sa akin, bumaba ang tingin niya sa pagkain ko at umawang ang labi niya.
"What the?"
Agad siyang lumapit sa akin at hindi makapaniwala akong tiningnan.
Nilunok ko ang huling nasa bibig ko at nag-peace sign.
"M-Masarap kasi at saka akala ko ay galit ka kaya nauna na akong kumain."
Napailing na lamang siya at saka nilubayan ako. Mukhang pupunta yata siya sa dining area kaya naman ay pasimple akong sumubo muli at bumaba na sa high chair. Dinala ko ang pinggan ko at sumunod na sa kanya sa dining area.
Wala na ang apron sa katawan ni Ashton at ang tanging suot niya na pang-ibabaw ay isang white T-Shirt na bagay na bagay sa kanya. Napalunok na lang ako at saka inilapag sa lamesa ang pinggan sabay hila ng upuan.
"Kakain ka talaga without even inviting me to eat," narinig kong sambit niya sa sarkastiko niya na tono na siyang ikinatigil ko sa pag-upo.
Bumuntonghininga ako at nakita ko siya na nasa tapat ko na, hawak-hawak ang isang wine glass na may laman.
"Ano ang gusto mong gawin ko? Susubuan ka?" Napairap ako at saka hindi na lamang umupo.
Instead, naglakad ako palabas ng dining area. Pero bago ko pa man iyon magawa, nagsalita si Ashton.
"And where do you think you're going?"
Natigilan ako at binalingan siya. "Hahainin ko lang ang niluto mo na sweet and sour pork at saka magsasandok ng kanin para sabay tayong kumain mahal na hari."
Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin dahil lumabas na ako sa dining area at nagtungo sa kitchen para ihain ang kanyang niluto.
Pagbalik ko ay nadatnan ko si Ashton na nakaupo na sa upuan habang tulala. Kumunot ang noo ko at dinahan-dahan na lamang ang paglapag sa kanin at ulam sa lamesa dahil mukhang occupied yata ang lalaking ito at parang may kababalaghan na iniisip dahil pulang-pula pa rin ang kanyang tainga.
Napailing na lamang ako at padabog na naghila ng upuan kaya napaigtad siya sa ginawa ko at gulat na nag-angat ng tingin sa akin.
Napakurapkurap siya. "You're here." Umayos siya ng upo. "Let's eat."
Kukuha na sana siya ng kanin kaso tinigilan ko siya. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha lalo na nang nahawakan ko ang kamay niya. Binawi ko ang kamay ko sabay agaw sa sandok sa kamay niya.
"Ako na," boluntaryo ko at nilagyan ng kanin ang kanyang pinggan. "Mukhang wala ka sa sarili."
Nagsalubong ang kilay niya. "Why?"
Napairap ako. "Wala lang. Kumain na nga tayo. Marami pa akong gagawin bukas." At sumubo ako ng kanin sa bibig ko.
Kumunot ang noo niya. "Saan ka pupunta bukas?" tanong niya, hindi pa rin ginagalaw ang pagkain dahil nasa akin pa rin ang kanyang tingin.
Nginuya ko ang ulam bago ko siya sinagot.
"Wrawraway..." Hindi ko nabigkas nang maayos ang aking sasabihin dahil puno pa ang bibig ko.
"What the hell? Finish your food first before you talk! Jeez!" Napailing siya sa akin.
"Sa bahay!" sagot ko nang malunok ko na ang nginuya ko at sinamaan ko siya ng tingin.
Kumunot ang noo niya. "Ano ang gagawin mo doon? You are now my wife. Dito ka titira!"
"Oo nga! Hindi baa ko puwedeng umuwi para kunin ang mga damit ko?"
Bumuntonghininga siya at saka kumuha ng tissue. Binigay niya sa akin sa akin na siyang ipinagtataka ko.
"Ano ang gagawin ko sa tissue?"
Nagsalin na lamang ako ng malamig na tubig sa baso at uminom. Habang umiinom, nakita ko na inis na tumayo si Ashton at nagtungo sa puwesto ko.
Nang makalapit na siya sa akin ay marahan niyang hinawakan ang baba ko at inangat paharap sa kanya kaya naibaba ko ang baso ko.
Nang magkatinginan kami ay seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"A-Ano na ang gagawin mo—"
"Shh!" Nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko para patigilin ako sa pagsalita. "Let me."
At bago ko pa naman mahulaan kung ano ang susunod niyang gawin, napasinghap na lamang ako nang bigla niyang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang tissue.
"You should take good care of your lips," aniya at tumigil saglit sa pagpupunas para tingnan ako. "Ayokong humalik kapag dugyot ang labi."
Umawang ang labi ko sa sinabi niya kaya sa pag-awang ng labi ko ay siyang paglabas ng tubig na ininom ko kanina. Namilog ang mata niya at napalayo sa akin dahil sa nangyari.
"Jeez!" maarte niyang reklamo.
Napairap ako at inis na inagaw sa kanya ang tissue para ako na ang magpupunas sa sarili.
"Ano ba kasi iyang pinagsasabi mo?" Umiwas ako ng tingin. "Malapit na akong matapos sa kinakain ko pero ikaw, hindi pa! Bahala ka na nga riyan!"
Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang tissue. Para kasi siyang timang. Ang daming arte sa katawan! At ang lala niya, ah! Pati labi ko nilalait niya! Dugyot? Sus, ang alam ko, gusto niya lang maka-score sa akin pero hindi ako magpapadala.
Hay, ang dami talagang problema ng lalaking iyon! Pati ako ay na-stress sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?