Chapter 59

70.8K 2.3K 326
                                    

Chapter 59

"Mama, grabe ang laki ng eroplano!" malakas at nakakabinging kwento sa akin ni Jacky habang tinuturo ang private plane na nasa harapan namin ngayon.

Hindi ako makapaniwala na may ganito pala si Ashton. May nakaukit pa na Monteverde sa eroplano na nagpapahiwatig na sa kaniya talaga ito. Ang kaniyang mga tauhan na puros naka suit at nakashades ay nakahilera sa gilid ng daan patungo sa eroplano. Kulang na lang ay red carpet.

Ngayon pa lang ako makakasakay ng private plane at tingin ko ay mas magandang sakyan ito kaysa sa maraming tao. Hindi ko pa rin maiwasan ang malula at mamangha lalo na sa magandang disenyo na hindi pangkaraniwan sa Pilipinas. Kulay Ash Gray ang eroplano at tingin ko inspired ito sa pamilya nilang puro Ash.

Napatingin ako kay Ashton nang naramdaman ko ang mainit na kamay niya sa kamay ko at pinagsalikop. Nakangiti siya sa akin sabay nguso sa private plane. Nauna na si Jacky dahil sa sobrang excited. Tumango  ako at huminga nang malalim.

"Don't worry, they are all waiting for you," aniya at hinalikan ako sa pisngi.

 Sinabi ko kasi sa kaniya na kinabahan ako lalo na sa pamilya niya. Baka galit pa sila sa akin lalong lalo na si Tita Amore.

Tumango ako at bumuga ng hangin.

Nang nakapasok kami sa loob ng private plane ay natigilan ako dahil sa mangha. Hindi ko akalain na parang nasa loob ka lang ng bahay mo sa pagpasok mo. May konting sala tapos may higaan din. Habang nasa byahe ay puwede kang matulog. Meron ding flatscreen TV.

"Mama, ang ganda! Pero takot akong lumipad baka bumagsak!"

"Wala ka namang pakpak anak kaya hindi ka makakalipad," biro ko sabay lapit sa kaniya na manghang-mangha din.

"Oo nga ma, pero hindi ba ito babagsak?"

Hinaplos ko ang buhok niya. "Magdasal na lang tayo na safe tayong makarating, okay?"

Tumango ang anak ko at saka umupo na sa kanyang upuan. Napatingin ako kay Ashton na ngayon ay kasalukuyang kausap ang piloto. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinawakan ang sariling kamay na nanlalamig. Hindi ako sanay na sumakay sa eroplano.

"Babalik na talaga kami sa Cebu..." naibulong ko na lang. "Kung saan nagsimula ang lahat."

***

"Ma, anlaki ng mall! Pasok tayo, Mama!" ani ni Jacky nang makarating na kami sa Cebu. Nakatayo lang kami sa may tapat ng Elizabeth Mall habang hinihintay si Ashton. May bodyguards din na nasa likod lang namin at kuryosong nakatingin sa anak ko.

"Uncle, pahiram po ng shades!"

Umawang ang labi ko at agad binalingan si Jacky na ngayon ay nakaturo na sa pormal na guards na nakatayo lamang sa likuran namin. Hindi sila gumalaw at parang wala lang sa kaniya ang sinasabi ni Jacky. Ako na lamang ang nahiya sa anak ko kaya hinila ko si Jacky sa akin.

"Anak..." Umiling agad ako nang nilingon niya ako.

"Mama, hindi po bagay sa kaniya ang shades, Mama. Mas bagay iyon sa akin!"

Napapikit na lamang ako at ako na lamang ang nahiya sa anak ko. Mabuti na lamang at dumating na ang napakagarang sasakyan at unang lumabas ay si Ashton na may dalang payong. Lumapit siya at pinayongan kami.

"Let's go."

Tumango  ako at hinila na si Jacky patungo sa sasakyan. Sa pagpasok ko pa lang sa loob ay ramdam na ramdam ko ang panlalamig ko. Hindi dahil sa lamig ng loob ng kotse pero dahil sa hinihintay kami ng pamilya niya.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon