Chapter 6
"Oh, saan ka pupunta?"
Tumigil ako sa paglalakad pababa ng hagdan nang biglang nagtanong sa akin ang aking kapatid. Nang nakababa ako, tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa at saka niya ako inangatan ng kilay. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang reaksyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating sa full size mirror dito sa sala. Binuksan ko ang pouch na naglalaman ng mga lipstick at iba pang gamit sa make up.
Nang kinuha ko ang red lipstick, sinulyapan ko si Ate at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Bar," sagot ko at humarap sa salamin para lagyan ng lipstick ang labi ko.
"Bar?" Natawa siya. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa bar, Katarina. Akala ko tambay ka kasi si Boboy palagi mong kasama noon."
Sinamaan ko siya ng tingin sa salamin at saka ngumuso.
"Si Cheska ang kasama ko," ani ko. "At huwag mong babanggitin ang pangalan ni Boboy. Naiirita ako."
Natawa siya sa sinabi ko at nakita ko na sinandal niya ang sarili sa sofa sabay nguso.
"Ingat ka, ah, baka mabuntis ka sa daan," paalala niya.
Namilog ang mata ko at binalingan siya.
"Seryoso ka ba?" Natawa ako. "Paano ako mabubuntis sa daan? Wala naman sigurong tite na sasagasa sa akin."
"Bastos talaga ng bibig mo!" saway niya.
Natawa lalo ako at ibinalik ang tingin sa salamin. Nang natapos kong lagyan ang labi ko ng lipstick ay ibinalik ko na ito sa pouch.
"At saka, Ate, walang mabubuntis kasi hindi lalangoy sa daan ang sperm," ani ko at nilingon siya.
Kumunot ang noo niya. Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko kaya tinaas ko ang kamay ko nang akmang babatuin niya ako ng unan.
"Sige, ibato mo!" banta ko at nginisian siya. "Tatawagan ko talaga si Kuya Jude!"
Sumimangot siya sa sinabi ko. Ayaw niya kasing papuntahin si Kuya Jude dahil nga cool-off daw sila ngayon. Ano kaya ang nakain nitong si Ate at kinawawa si Kuya? Minsan, sa akin tumatawag si Kuya Jude para lang kumustahin ang Ate ko.
"Subukan mo! Talaga namang—"
Hindi ko siya pinatapos. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi kaya hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. Napangisi ako lalo at umatras.
"Eww!" nandidiring react niya sa halik ko at mas lalong nanliliksik ang mata sa inis.
Tumakbo ako patungo sa pinto at hinawakan ang door knob.
"Huwag kang mag-alala, Ate. Kapag nabuntis ako, ikaw ang unang makaaalam!" biro ko at tumawa ulit.
Bago pa man niya ako mabato ng unan, lumabas na ako ng bahay at sinara ang pinto. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko at tawa lang ang naging sagot ko.
Hanggang sa paglabas ko sa village, tawa pa rin ako nang tawa. Nagmumukha na akong tanga rito at kung may nakakita man sa akin, baka mapagkamalan akong baliw. Si Ate kasi kung anu-ano na lang sinasabi. Saan naman niya yata nakuha ang ideyang iyon? Wala nga akong boyfriend, eh!
Bumuntonghininga ako at niyakap ang sarili dahil sa lamig.
By the way, suot ko ngayon ay isang plain dirty white skorts at dirty white bandeau top. Hindi ito akin kasi hindi ako mahilig sa ganitong suot. Kay Ate ito at kinuha ko lang sa storage. Pinaresan ko ito ng black wedge pump. Ang straight ko na buhok na hanggang bewang ay nakalugay. Bukod sa lipstick, naglagay din ako ng eyeliner sa cat eyes ko. Mas lalo tuloy akong nagmumukhang mataray.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?