Epilogue
Ashton Jacques Monteverde
Nakatitig ako sa asawa ko na payapang natutulog sa tabi ko. After our hot night in this island ay nakatulog siya agad.
Tahimik kong hinaplos ang kanyang mahaba at malambot na buhok. Ang ganda ng mahal ko. Napangiti na lamang ako at napatingin sa kisame. I sighed.
Naalala ko pa ang lahat. Naalala ko pa rin ang lahat ng dahilan ng paglayo niya sa akin no’ng nasa kolehiyo pa kami. Palaging sinasabi ng iba na perfect couple kami. Sobrang swerte ko raw dahil ako iyong pinili ni Katarina na maging kasintahan niya. And they were right, sobrang swerte ko nga sa kaniya.
Pero bago ko pa siya nakilala, may pangarap na ako sa buhay. I want to become a successful businessman just like my father. Sa sobrang tayog ng pangarap ko, nakawala sa akin ang babaeng mahal ko.
"Kung gusto mong mamahala ng negosyo, kailangan mong mag-aral sa ibang bansa, Ashton Jacques," mariing sambit ni Dad sa akin habang ako ay nakatingin sa mga papeles na nakalatag sa lamesa.
Sa paglipas ng panahon, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ayoko na maging successful businessman lang. I want to become the best boyfriend for Katarina. Simula nang naging akin siya, bigla na akong naguluhan ko sa buhay.
Naramdaman siguro ni Dad na nagdadalawang isip ako kaya lumapit siya sa akin at tiningnan ako nang malalim.
"Are you thinking about your girlfriend?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Dad, puwede naman siguro na dito na lang ako mag-aaral. Marami namang mga magagandang schools. Puwede sa Manila...basta huwag lang sa ibang bansa, Dad!"
"Hijo, kung mahal ka ng girlfriend mo, mauunawaan niya iyon. Mauunawaan niya ang lahat ng ito lalo na't matagal na kayo."
Napailing ako. Hindi ako maintindihan ni Dad. I convinced him to give me some time to think at binigyan nga niya ako ng panahon. Pero ang panahon na iyon ay iginugol ko sa pag-a-apply sa mga paaralan. Para hindi ako makapunta sa ibang bansa, para makita at makasama ko pa rin si Katarina. Pero dahil sa sobrang pokus ko sa bagay na iyon, nawalan na ako ng oras para e contact o para e text si Katarina.
"Ashton, samahan mo ako sa research natin. Wala ka nang ambag!" ani Sabrina, kababata ko.
Alam ko na may gusto ang babaeng ito sa akin pero kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya.
"Pupuntahan ko muna si Katarina," ani ko at kinuha na ang bag pero nagulat ako nang biglang hinawakan ni Sabrina ang kamay ko. Kunot-noo ko naman siyang nilingon.
"Huwag..." aniya at balisa pa.
"Bakit? I need to contact her bago pa man siya mawala sa akin."
Ngumisi siya sa akin. "Alam niyang busy ka. Maintindihan naman iyan ng girlfriend mo. At sama busy din iyon sa graduation niya kaya hindi ka rin no'n papansinin."
But I am ignoring her for months! At iyon ang ikinabahala ko. This is all my fault at kapag makipaghiwalay iyon sa akin ay hindi ko kakayanin. Hindi naman ako papayag na makaalis ako ng bansa. Hindi ko rin hahayaan na kokontrolin ako ni Dad kahit sa isip niya ay wala akong magawa.
Kaya after her graduation ay pinuntahan ko siya. Pero nang sinabi niyang makipaghiwalay na siya sa akin ay bigla akong sinampal ng katotohanan. Na-realize ko kung gaano karami ang pagkukulang sa kaniya. Na sobra ko na siyang nasaktan dahil sa 'kin. Plus the fact na nalaman ko na may kinalaman si Sabrina dito ay gusto ko siyang sunggaban ng masasamang salita pero hindi ko iyon ginawa dahil suicidal person si Sabrina at ako lang ang nagpapatigil sa kaniyang balak na gawain.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?