Chapter 42

66.4K 2.1K 154
                                    

Chapter 42

“Ma’am, me so happy you here!” maligayang sambit ni Lucy nang makasama ko siya sa kusina.

Balak ko kasing lutuan si Ashton ng agahan ngunit nakaluto na pala ang taga-luto nila sa mansiyon. At nadatnan ko si Lucy na naghuhugas ng pinggan.

Pinagmasdan ko siya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang dalagita na ito. Kung hindi lang siya kasambahay rito ay puwede siya maging kasing level ni Ashley dahil maganda siya.

“Wala ka bang balak mag-aral muli?” hindi ko mapigilan ang magtanong sa sobrang kuryoso ko sa kanya.

Natigil sa pagbanlaw si Lucy sa pinggan at saka binalingan ako. Ngumiti siya. “Tinutulungan ako ni Ma’am Amore.” At ibinalik niya ang tingin niya sa mga pinggan at nagpatuloy sa pagbabanlaw. “Nag-ALS ako Ma’am para diretso na ako sa college. Gusto ko rin matutong mag-english!”

Napatango ako. Siguro kaya gano’n siya magsalita dahil gusto niya pala talaga matuto.

“Lucy,” mahinahon kong tawag sa kanyang pangalan.

Nilingon niya ako. “Po?”

Hinawakan ko ang kanyang balikat. “Matututo ka rin. Huwag mong intindihin ang mga taong pinagtatawanan ka. Balanga raw, ikaw ang pinakamagaling magsalita ng ingles!”

Lumaki ang ngiti niya. “Thank you, Ma’am! At saka binigyan din ako ni Sir Ashvon ng dictionary!”

Kumunot ang noo ko. Ashvon?

Tinanggal ko ang kamay ko sa balikat niya at kinunutan siya ng noo.

“Bakit ka niya binibigyan?” tanong ko.

Ang batang ito ay inosenteng-inosente. At kilala ko ang nakakatandang kapatid ni Ashton. Kahit 11 months lang agwat nila ay kilala ko iyon. Babaero! Hindi ko maatim kung pati ang menor de edad na batang ito ay lalandiin niya.

Nagkibit-balikat si Lucy at ngumuso. “Hindi ko po alam, Ma’am! Ang sabi niya ay isasama niya raw ako sa ibang bansa. Imposible naman yata iyon Ma’am dahil sobrang yaman ni Sir Ashvon tapos kasambahay po ako rito. Paano niya naman ako isasama? Ang weird po ni Sir, Ma’am!” Napakamot siya sa kanyang ulo.

Namilog ang mata ko sa narinig. Jusko, Ashvon! Inuuto mo ba ang babaeng ito? Ashvon, wala ka talagang pinipili no?

Huminga ako nang malalim at pinapakalma ang sarili.

“Mag-aral ka nang mabuti, Lucy,” nasabi ko na lang. “Hindi mo kilala si Ashvon. Pumapatol iyon sa bata!”

Naalala ko ang huling alam ko na girlfriend ni Ashvon noon ay nasa first year college habang siya ay graduating na.

“Hindi na po ako bata, Ma’am. 18 na po ako.”

“Kahit na! Huwag kang papatol doon, ah?” paalala ko. “Hahanapan kita ng boyfriend!”

“Po?” Namilog ang mata niya. “Hindi pa po ako puwede mag-boyfriend. Boyfriend is ugly and fake liar.”

“Ha?”

Magsasalita na sana siya ngunit agad ding bumalik sa ginagawa nang makita niya si Ashvon na mukhang kanina pa yata nandito. Umawang ang labi ko at hinarap ang lalaking parang hari na nakaupo sa may sulok, kumakain ng lollipop.

“Hello, sister-in-law!” nakangisi niyang sambit at tinapunan pa niya ako ng lollipop. “Ano ang ginagawa mo rito? Lulutuan mo ba ang asawa mo? Bakit mo sinira ang image ko sa kasambahay namin?”

Sinamaan ko siya ng tingin kaya humalakhak siya. Sinulyapan ko ang gawi ni Lucy at kalmado lang siyang nagbabanlaw. Sobrang inosente ng babaeng ito. Hindi niya man lang ba niya alam na siya ang punterya ng lalaking ito?

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon