Chapter 9
Agad akong dumiretso sa elevator nang nakitang bukas ito. Pumasok ako sa loob at nang humarap ako, namilog ang mata ko nang nakita ko si Ashton na paparating. Dahil sa sobrang panic, nagmamadali akong pinindot ang 1 button para lang magsara ang pinto ng elevator ngunit napasigaw ako at napaatras nang nagawa niyang iharang ang kanyang kamay kaya hindi tuluyang nagsara ang pinto.
Ang kanyang matang galit na galit ay nasa akin pa rin ang tingin nang siya ay pumasok. Napaatras at napasigaw pa lalo nang nakitang nakatuwalya pa rin siya. Tiningnan ko siya.
"Ano ang ginagawa mo rito?" pasigaw kong tanong sabay atras. Nilakihan ko siya ng mata senyales na binabalaan ko siya.
Pero parang wala lang sa kanya ang panlalaki ng mata ko. Kahit gawin ko pang mata ng owl itong mata ko, wala siyang paki. Talagang umabante siya at dahil wala na akong maatrasan, naramdaman ko ang malamig na dingding ng elevator. Napalunok ako at hindi alam kung saan tumingin.
Umigting ang kanyang panga habang unti-unti akong ikinulong sa kanyang katawan. He cornered me. Ang kanyang magkabilang kamay ay nasa magkabilang gilid na ng ulo ko. Inilapit niya pa lalo ang kanyang sarili sa akin at halos mahimatay ako dahil naamoy ko ang kanyang gamit na sabon sa kanyang katawan.
He was still wearing his towel below. Ano ba ang iniisip ng lalaking ito?
Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya, halos magsalubong na ang aming hininga. Sobrang lapit niya at parang bumalik sa akin ang mga alaala na mayroon kami noon. His kissable lips and his moves...
Nagsimulang bumilis sa pagtibok ang puso ko nang bahagyan niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko na ngayon ang kanyang hininga.
"U-Umalis ka nga..." nauutal ko na sinabi sabay tulak sa kanya gamit ang nanginginig na kamay ko. Ngunit medyo nahiya ako na hindi ko man lang siya naitulak. Parang bata lang ang tumulak sa kanya dahil walang lakas.
Nanginginig ang tuhod ko at napasinghap dahil sa tensyon. Bakit ba ayaw niya akong tantanan?
"Don't push me away," kalmado niyang sinabi sabay salikop sa kamay kong nasa dibdib niya. "You have a period, baby," bulong niya sa tainga ko.
Napasinghap at nanindig ang balahibo ko dahil sa kanyang ibinulong. Nang medyo lumayo na siya, tinanaw niya ang reaksyon ko. Hindi siya natawa o kung anu-ano pa man, pag-aalala ang nakita ko sa kanya.
"H-Ha?"
Namutla ako at bahagyang sinilip ang likod ko. Doon, nakumpirma ko na may regla ako dahil may dugo ang palda ko. Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya, ganoon pa rin ang tingin niya sa akin.
Bigla akong nahiya at nangilid pa ang luha sa aking mata. Hindi lang iyon, mas lalo lang akong nahiya dahil may biglang pumasok sa elevator na dalawang matatanda.
"Jusmiyo, mga kabataan talaga," reaksyon ng lola na ngayon ay nakatingin na sa tuwalya ni Ashton. "Kahit saan-saan na lang gumagawa ng milagro."
Nag-init ang pisngi ko at tuluyan nang tumulo ang luha sa mata. Nagulat ako nang biglang sinapo ni Ashton ang mukha ko at gamit ang kanyang mga daliri, pinalis niya ang mga luha ko. Umamo rin ang kanyang mukha at saka hinawakan ang likod ng ulo ko at niyakap patungo sa kanya.
"Don't cry," bulong niya sa gitna ng pagyakap niya sa akin. "I'm here..."
***
Dinala ako ni Ashton sa restroom sa first floor ng building. Binuksan niya ang pinto at marahan akong tinulak papasok. Agad ko naman siyang nilingon at tumango lang siya sa akin bago niya sinara ang pinto.
Napasandal na lamang ako at sinapo ang dibdib. Tumulo muli ang luha sa aking mata at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagtungo ako sa inidoro at doon ako umupo habang kagat-kagat ang aking daliri.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?