Chapter 16

83.8K 2.6K 141
                                    

Chapter 16

Dumating ang gabi at hindi ako makatulog dahil palagi kong iniisip ang away namin kanina ni Ate. Gusto ko tuloy bawiin ang lahat ng sinabi ko. Gusto ko tuloy ibalik ang oras at isinarili na lang iyon. Or in the first place, pumayag na lang ako sa gusto niya na ibenta ang lupa para hindi na sana ako sumama kay Boboy at para hindi ko na sana nakita ulit si Ashton.

Ngunit mahalaga kay Papa ang lupa na iyon. Kahit sugarol at sugal na lang ang tanging paraan upang makalayo sa problema niya, kailanman hindi niya naisip na ibenta ang lupain na iyon kahit noong naghirap kami.

Mahalaga kay Papa ang lupa dahil doon niya nakilala ang first love niya. Doon niya nakilala si Mama at na love at first sight siya. Kaya noong nalaman ni Papa na ibebenta ang lupa, agad niyang binili sa malaking halaga dahil paborito daw iyong tagpuan nila ni Mama.

Mahal na mahal ni Papa si Mama na kahit sa huling hininga niya, hinahanap niya pa rin ito. Nakuwento ni Papa sa akin noon na kaya sila naghiwalay dahil kinuha si Mama ng kanyang pamilya. Ayaw kasi ng pamilya ni Mama kay Papa dahil mahirap daw. Galing sa marangyang pamilya si Mama kaya tinanan daw niya ito at kami ang bunga. Hindi ko maiwasan ang malungkot para kay Papa at kapag tinanong ko naman si Ate ang tungkol kay Mama, nagagalit siya sa akin.

Sa sobrang dami ng iniisip, nakatulugan ko ang mga ito.

***

Kinaumagahan ay maaga akong umalis ng bahay para magtrabaho. Nahihiya na kasi ako kay Ate na magpakita lalo na sa nangyari kahapon. Ayoko muna siyang kausapin dahil alam ko na mainit pa ang ulo niya sa akin.

Nang nakarating ako, ang una kong nakita ay si Miranda na kasalukuyang inaayos ang kanyang kilay. Hindi ko na lamang siya pinansin at didiretso na sana sa locker ko nang biglang may tumawag sa akin.

"Miss Ayala!"

Nilingon ko ang supervisor na siyang tumawag sa akin. Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Miranda na napahinto sa ginawa.

Tumikhim ako at bahagyang nagbaba ng tingin bilang paggalang.

"Good morning, sir," pagbati ko sabay kagat sa ibabang labi.

Kinabahan kasi ako dahil sa nangyari.

"Congratulations, Miss Ayala!"

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakangiti na siya ngayon at hindi strikto ang aura.

"P-Po?" Napakurap-kurap ako.

Nakangiti pa rin siya. "Nagulat ako nang nalaman ko na ikaw pala ang girlfriend ni Mister Monteverde!" Umiling siya at saka ngumiti muli. "Walang nakakaalam na isang..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "...isang sales lady pala ang girlfriend niya."

Medyo nag-iba ang pakiramdam ko sa huling sinabi niya. Parang ang baba ng tingin niya sa sales lady. Porket sales lady ay hindi na makabingwit ng mayaman? Sadyang maganda lang ako at kailangan ako ni Ashton.

Ngunit kinailangan ko pa rin ngumiti dahil magiging bastos ako kung babarahin ko ito.

Akmang magsalita na sana ako nang naunahan ako ni Miranda. Napairap tuloy ako sa kawalan.

"Oo nga, Sir!" pagsingit ni Miranda at ibinaba na ang maliit na salamin na hawak niya ngayon. "Hindi ko rin inakala na siya pala ang girlfriend ni Mister Monteverde. Akala ko kasi ay mayaman, maganda, elegante, at may magandang trabaho. Hindi ko akalain..." Ngumiwi siya sa akin at tumawa. "Never mind."

Peke ko siyang nginitian at binalingan. "Bakit, Miranda? Sino ba dapat ang girlfriend? Ikaw?"

Umawang ang labi niya kasabay ng pagbilog ng mata niya sa sinabi ko. She cleared her throat and smiled sarcastically.

"Why are you so rude?" Peke siyang tumawa sabay sulyap kay Sir. "Nasa harapan tayo ni Sir, oh..."

Sumimangot ako. "Sumasapaw ka kasi sa may kausap. Ayusin mo muna ang kilay mong hindi pantay bago ka makichika. May salamin ka na nga, hindi mo pa nakikita."

Hindi ko na siya pinansin pagkatapos at hinarap na si Sir na ngayon ay mukhang may sasabihin.

"By the way, Miss Ayala," aniya sa seryosong boses.

Bigla akong kinabahan.

"P-Po..."

He sighed. "Last day mo na ngayon...

Namilog ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. Sa gilid ng mata ko, kita ko rin ang gulat sa mata ni Miranda ngunit nangibabaw ang kanyang ngiti.

"Hala!" pamemekeng gulat ni Miranda at lumungkot pa ang mukha. "Sad naman, Sir. Baka mawalan na naman ng pag-asa si Katarina."

Hindi ko siya pinansin at kinompronta si Sir. "Bakit po? May ginawa ba akong mali?"

Gusto kong malaman kung bakit. Kahit masama ang ugali ko, ginawa ko naman ng tama ang trabaho ko. Hindi naman ako pabaya sa trabaho.

He only smiled at me. "Wala kang ginawang mali. Ikakasal ka na kay Mister Monteverde kaya siya na mismo ang nagsabi na tanggalin ka namin sa trabaho."

Nalaglag ang panga ko sa rason kung bakit. Kumyom ang kamao ko at pareho kaming napalingon ni Sir kay Miranda nang nahulog ang lipstick niya sa gulat. At dahil ma-pride ako, nagpanggap ako na masaya ako sa nalaman.

"Ang sweet naman pala ng boyfriend ko," matamis na sambit ko sabay kagat sa ibabang labi. "Pinapatigil na ako sa trabaho."

Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang nakitang wala na siyang laban sa akin.

Panalo ako sa asaran namin ngayon ni Miranda ngunit sa kaloob-looban. Gusto ko nang suntukin si Ashton. Gusto ko siyang murahin at itapon pabalik sa pinanggalingan niya.

Pisti! Bakit ganito? Ikakasal na nga kami pero kailangan ko pa ring magtrabaho! Not until I'll pass the exam! Saka lang ako titigil!

Buwisit ka, Ashton! Lagot ka sa akin!

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon