Chapter 33
Nagsasabi nga talaga siya ng totoo dahil kinabukasan, nagising na lamang ako na may mga tauhan ni Ashton na nagbubuhat ng mga sako ng bigas at mga kahon. Lumabas ako patungong terrace para makita.
Umawang ang labi ko sa sobrang mangha. Hindi ako makapaniwala sa nakita. Dalawang truck ang nakita ko na may sako na mga bigas at mga kahon na sa tingin ko ay mga groceries.
“Hala!”
Hindi na mapawi-pawi ang ngiti sa aking labi. Sobrang saya ko sa nakita. Hindi ko akalain na tutulong si Ashton sa donation. Kaunting tulong lang talaga ang ibibigay ko sa taga Norte dahil sa sitwasyon nila. May kaunting pera naman ako na naipon. Hindi ko lang akalain na seryoso si Ashton at sa tingin ko ay sobrang laki ng pera ang inilabas niya para rito.
Sobrang lawak ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga tauhan ni Ashton na nagbubuhat ng sako at mga kahon. Mukhang magiging masaya ang araw na ito.
Mabilis akong bumalik sa loob ng kuwarto at nagmamadaling kumuha ng tuwalya para maligo sa banyo.
***
Nakangiti ako habang pababa ako ng hagdan. Hawak ko pa ang suklay dahil hindi pa ako nakasuklay sa sobrang pagmamadali. Sinalubong ako ni Manang na naiiyak na. Bigla akong nagtaka.
“Manang!” ani ko nang nakababa na sa hagdanan.
“Jusko, Ma’am!” Hinawakan niya ang kamay ko. “Sobrang dami namang mga bigas at groceries! Sobrang laking tulong na po iyon, Ma’am!”
Tumango ako at tinapik ang kanyang balikat. “Oo, pasalamatan mo si Ashton, Manang. Sobrang laking tulong ng kayamanan niya sa mga nasalanta ngayon.”
Napatalon ako sa gulat nang bigla niyang hinaplos ang kamay ko kaya bigla akong nailang. Hindi naman ako Diyos pero para niya akong sinasamba sa ginagawa niya.
“A-At dahil iyon sa iyo, hija.” Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ko akalain na masaya muli ang anak ko at bumalik sa dating gawi niya. Siguro isa ka sa mga blessings na natanggap niya kaya ganiyan siya ngayon.”
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at napakagat na lamang sa ibabang labi.
“A-Ah…” Tinanggal ko na ang kamay ko mula sa kanyang pagkahawak at nginitian siya. “Puntahan na po natin sila, Manang. Gusto ko pong tumulong.”
***
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng basketball court ni Ashton kung saan punong-puno ng mga sacks of rice at mga kahon. Hindi ako makapaniwala na agad-agad ay mayroong ganito.
“Sobrang hanga ako sa inyo ni Sir, Ma’am. Ang dami nito. Sigurado ako na sasaya ang mga taong makatanggap ng tulong,” ani Manang na nasa gilid ko.
Humalukipkip ako at tumango. “Sigurado ako.”
Napangiti ako nang makita na marami ang tumutulong sa pag-pack ng mga relief goods.
“Hala! Hi! Ma’am!” Kumaway sa akin ang isang dalagita habang may bitbit na isang lata ng sardinas. Ngunit aga ding binaba ang kamay nang sinaway siya ng kanyang kasamahan.
Lumapit ako sa banda nila at pinagmasdan ang kanilang ginagawa.
“Hi!” bati ko at bahagyang yumuko.
Nag-angat ng tingin sa akin ang babaeng kumaway sa akin kanina at nanliit ang mata ko dahil pamilyar siya sa akin.
“Hi, Ma’am! You very very beautiful, Ma’am! Nice looking, smooth and silky, mani—” Natigil siya sa pagsasalita nang sinaway siya ng kanyang katabi.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
Любовные романыWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?