Chapter 48
Ilang araw ang lumipas mula nang mangyari iyon. Sa bahay na lamang ng mga Monteverde si Ashton nagtatrabaho. Hindi ko naman siya inutusan na dito na lang magtrabaho. Siya mismo ang may gusto na dito siya para mapanatag ako.
Palagi niyang sinasabi sa akin na walang nangyari sa kanila ni Sabrina at noon pa ang picture na iyon. Unti-unti na sana akong naniwala sa kanya kung hindi ko lang nakita ang pagmumukha ni Sabrina kahapon. Masaya niyang kausap si Tita Amore na parang walang nangyari.
Umiba ang pakiramdam ko dahil tingin ko ay pinagkaisahan ako ng mga tao na nasa paligid ko. Parang wala akong kakampi rito.
Mas lalo lang akong nadismaya sa nanay ko dahil hindi man lang siya lumapit sa akin. Alam ko na nasabi ko lang iyon dahil nasaktan lang ako pero hindi ko akalain na nagpadala siya sa sinabi ko.
Napagtanto ko na mas gusto niya si Sabrina. Mas gusto niya na makasama ang ampon niya kaysa sa amin na mga anak niya. Wala siyang effort na kilalanin kami. Wala! Kaya naiintindihan ko na kung bakit kapag tinatanong ko si Ate tungkol sa kanya ay nagagalit siya. Palagi niyang sinasabi sa akin na huwag na muli akong magtanong tungkol sa nanay namin na walang kuwentang tao.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ni Ashton nang nadatnan niya ako sa kuwarto namin na nakahiga sa kama.
Umupo ako sa kama at saka umiling. Nag-iwas ako ng tingin nang nagtagal ang tingin niya sa akin. Kumirot ang puso ko at kinagat ko ang ibabang labi ko.
May awkwardness na sa pagitan naming dalawa kahit na nandito na siya. Hindi ko alam. Naisip ko na baka matutulad na naman sa dati ang relasyon namin. Pero simula nang naging busy si Ashton ay hindi na niya ako masyadong napagtuunan ng pansin.
Unti-unti na ring nawala ang tiwala ko sa kanya dahil sa nakita ko sa phone noong nakaraan. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Nababaliw na yata ako.
"Kat..."
Nilingon ko siya.
"Ayusin natin ang relasyon natin, hmm?" Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko kaya na malamig ka sa akin-"
Natigil siya sa pagsasalita nang biglang nag-ring ang phone niya. Natawa na lamang ako at napailing.
Kinuha niya ang phone sa bulsa niya at in-off ang tawag.
"Katarina-"
Tumunog muli ang phone niya at kita ko na nanlumo siya. Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya.
"Sagutin mo muna ang tawag, Ashton." Tipid ko siyang nginitian at saka tumayo na. "Lalabas lang ako."
Namilog ang mata niya. "Wait-"
Nag-ring muli ang phone niya kaya napamura na lang siya at sinagot ang tawag. Kumirot ang puso ko at saka lumabas na lamang ng kuwarto na may bigat sa dibdib.
***
"Ma'am, may bisita po kayo," ani Lucy isang araw habang tumitingin ako sa mga niluluto sa kusina.
Nilingon ko siya. "Sino?"
Parang nag-alinlangan pa siyang sagutin ang tanong ko. "Uhm..."
"Sino nga?"
Nagbaba siya ng tingin. "S-Si Ma'am Sabrina po."
Umangat ang gilid ng labi ko. "Bisita ko ba o bisita ni Ashton?"
Napasinghap si Lucy at agad akong tiningnan. "Ikaw po ang hinahanap niya, Ma'am."
Bumuntonghininga ako at saka lumabas na lamang ng kusina. At nang nakarating ako sa sala ay nakita ko si Sabrina na ngayon ay nakangisi na sa akin.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?