Chapter 57
Nakatitig ako sa phone ko. Nagdadalawang-isip ako kung tatawagan ko ba si Ate o hindi. Hindi kasi kami nagpaalam at hindi ko naman akalain na ganito ang mangyayari. Kapag nalaman na nandito si Ashton ay baka magagalit iyon lalo na ngayong nasa puder ako ni Ashton.
Bumuntonghininga ako at akmang pipindutin ang numero ni Ate nang marinig ko ang boses ni Ashton.
Nandito na ako sa kuwarto kung saan ako namalagi kanina. Nasa kama si Jacky at tulog na tulog.
Naka-pambahay na lamang si Ashton at gulong-gulo ang buhok. Napansin ko ang pagiging blooming niya. Hindi na nga siguro siya busy.
Binaba ko ang phone ko at saka hinarap siya.
"T-Tulog na si Jacky," ani ko.
Umangat ang kilay niya sabay sulyap sa natutulog na si Jacky sa kama.
Napalunok ako. "At matutulog na rin ako dahil uuwi na kami bukas."
Umigting ang kanyang panga matapos kong sabihin iyon. Para siyang nagpipigil. Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa akin. Para niya akong pinagmamasdan.
"Ashton..."
Bumuntonghininga siya at saka humakbang palapit sa akin. Matapang ko siyang tiningnan dahil ayaw ko magpatinag sa nakakatunaw niya na titig.
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Namilog ang mata ko at napaatras. Nahawakan njya ang kamay ko kaya hindi ako nakawala sa kanya.
"Ashton! Tumayo ka!"
Napasinghap ako nang hinalikan niya ang likod ng kamay ko at saka pumikit.
"Ashton..." Nanginig ang labi ko sa ginawa niya at nanghina.
"I'm sorry for being harsh," panimula niya at nagmulat ng tingin. Tumingala siya para makita ako. "I am so sorry, Katarina. For everything..."
Piniga ang puso ko sa sinabi niya lalo na nang nangilid ang luha sa kanyang mata.
"Ashton, hindi mo naman kailangang lumuhod." Medyo nataranta ako. "Mag-uusap tayo nang maayos but not now-"
"Masyado akong kampante na maayos lang ang buhay mo rito kaya hinayaan kita sa gusto mo, Katarina. Six years is very long at nakaya ko iyo kahit sobrang atat na akong kunin ka sa akin at ibalik sa bisig ko."
Sumikip ang dibdib ko at nakaramdam ako ng mainit na likido sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.
"Gusto kitang ibalik agad sa akin, Kat. Gustong-gusto pero alam kong kakawala ka rin dahil hindi pa maayos ang lahat. I was busy at ayaw kong bumalik sa iyo na hindi pa buo. Na magulo pa rin. Gusto kong maging masaya ka sa piling ko, Katarina."
Pinalis ko ang luha sa aking mata at saka kinagat ang ibabang labi.
"Ang hindi ko alam ay ang pagbubuntis mo, Katarina. And I am so stupid! Sana nalaman ko para ako sana mag-alaga sa iyo noong ikaw ay buntis kahit labag sa loob mo. Kung alam ko lang..." Ramdam ko ang panginginig niya dahil sa kamay niyang nakahawak sa akin. "Baka maaga akong nakilala ng anak ko."
Sunod-sunod nang umagos ang luha ko.
"I didn't hire men to look for you because it would creep you out. I just want you to live your kife to the fullest."
"Ashton..." Halos naging blurry na ang paningin ko dahil natatakpan ng luha ang mga mata ko. Lumuhod din ako sa harapan niya at saka hinawakan siya sa mukha. Basang-basa ang mukha ni Ashton dahil sa luha. "I'm sorry. I'm sorry for not being a good wife. May kasalanan din ako. Alam ko-"
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?