Chapter 29
Tahimik lang ako sa front seat habang ang isang bodyguard ay nasa labas, hinihintay akong papasukin siya.
Ano kaya ang gagawin ni Ashton kay Sabrina? Aaluin? Yayakapin para hindi magpakamatay?
Kumirot ang puso ko at hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Wala naman kasi akong karapatan na maramdaman ito.
Pinalis ko ang luha sa aking mata at huminga nang malalim. Binuksan ko ang bintana at saka sinilip ang bodyguard.
"Kuya, pasok na po kayo."
Tumango ang bodyguard at saka umikot na patungo sa driver's seat. Inayos ko ang sarili ko at saka tiningnan ang bodyguard na ngayon ay kalalagay lang ng kanyang seatbelt.
"Magtungo tayo sa dapat sana naming puntahan ni Ashton, Kuya."
Tumango ang driver at tahimik na ini-start ang makina at saka bumyahe na.
In-off ko ang phone ko dahil ayaw ko ng disturbo. Hindi rin naman ako mag-a-assume na tatawagan ako ni Ashton. Bakit naman? Para mas lalo lang akong palulungkutin?
I want to be alone tonight. Kailangan na kailangan ko iyon ngayon.
Kung sana may pambayad agad kami sa utang, hindi na sana kailangang ibenta ni Ate ang lupa at hindi rin mapupunta kay Ashton. Kung hindi rin sana ako pumayag kay Boboy, baka hindi ko rin makita ulit si Ashton.
Ang dami kong pagsisisi pero nangyari na at wala na akong magawa. Ngayon, kailangan kong tiisin ang sakit.
"Ma'am."
Natigil ako saglit sa aking iniisip nang nagsalita ang bodyguard na medyo ikinagulat ko rin. Hindi kasi palasalita ang mga bodyguards ni Ashton at ang mas ikinagulat ko pa ay nilaharan niya ako ng tissue habang nasa daan ang tingin.
"Huwag na kayong umiyak, Ma'am. Mahal na mahal ka ni Sir."
Natawa ako sa sinabi niya at tinanggap ang tissue. "Paano mo naman nasabi iyan, Kuya?" Gamit ang tissue ay pinunasan ko ang natirang luha ko. "Kita mo naman kanina. Mas pinili niya ang babaeng iyon. Kusa niya iyon ginawa."
Suminghap ako at saka napailing na lamang.
Ilang minuto ang naging byahe namin hanggang sa nakarating sa destinasyon. Hindi ko akalain na sa big 4 kami magdi-date. Lugar malapit lang sa Lambug beach dito sa Southern Cebu. Ang romantic sana kung nandito siya. Ang ganda sanang memorya.
"Ma'am, maghihintay lang ako dito."
Kunot-noo kong binalingan si Kuya. "Hala! Sumama ka sa akin. Why not sa loob ka na lang umupo while waiting for me?" suggestion ko. "Gusto ko lang magpahangin at pagkatapos uuwi na tayo."
Walang magawa ang bodyguard kundi ang sumunod sa gusto ko.
Sariwa ang hangin nang nakapasok ako. Binati ako ng mga staff at iginiya ako sa table reservation ni Ashton para sa aming dalawa. Sinabi ko sa kanila na hindi ako magtatagal kasi wala namang date na mangyayari. Saglit lang ako sa may table at dumiretso sa may pool kung saan may nakikita akong mga tao na naliligo kahit gabi.
Hindi na lang ako nag-aksaya ng panahon at dumiretso na lang sa may railings kung saan makikita ko ang lambug beach. Humawak ako sa railings at saka pumikit.
Tahimik dito dahil malayo sa mga nagkasiyahan. Ramdam na ramdam ko ang sampal sa akin ng hangin.
Sa gitna ng aking pagpikit, panibagong luha ang tumulo sa aking mga mata. Napasinghap ako at napamulat dahil doon.
"Sa pagkikita talaga natin, umiiyak ka palagi."
Napamulat ako at gulat na binalingan ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?