Chapter 11

465 10 0
                                    

Chandria POV

"Anong klaseng buhay ba ang meron ako sa unang buhay ko para maranasan lahat ng to?" Inis na sabe ko

Hindi ko alam kung anong magiging papel ng mga taong to sa buhay ko.

"Hindi ko alam na kilala pala ni mommy ang mama mo"

"Malamang gulat na gulat kanga e" sarkastikong sabe ko gusto ko namang matawa sa reakyon ng mukha nya.

"Tara na sa loob" sabe nya

"Mauna kana"

"Hindi kita pwedeng iwan dito madilim na"

"Nakita mo nabang maliwanag ang gabi?"

"Bat ba ganyan kana magsalita ah?" Inis na sabe nya

Mukha tong tanga pag naiinis

"Hindi mo lang kase ako kilala" sabe ko at tumayo na

Nauna akong naglakad at nilagpasan sya.

"Pinadalhan ka ni maicy ng damit mag palit kana at kumain kana rin" sabe nya

"Akina tapos umuwi kana may pasok pa bukas paki sabe na lang kay Dean na baka hindi na muna ako pumasok" sabe ko habang nangungunang maglakad sa knya

"Pwede ka naming tulungan"

"Hindi na may mga nurse dito kaya ko naman"

Nakarating na kami sa loob ng ospital naka tayo naman sa nurse station ang mommy lumapit agad samin

"Nasa private room na sya hindi naman ganon kalalim ang sugat" salamat at nilagpasan ko sya

Lumapit ako sa nurse station para itanong kung anong number ng room.

"207 po maam" salamat

Napabaling naman ako sa kamay sa gilid ko

"Nandto yung pagkain at damit kung okay lang sayo dito narin muna ko" nahihiyang sabe nya

"Masyado kuna kayong naabala wag na salamat" sabe ko

Tatalikod na sana ako ng magsalita sya ulit.

"Si maicy magpupumilit pumunta dito bukas" sabe nya

"Salamat" ngumiti lang ako at tinalikuran sya.

Pagpasok ko sa kwarto gusto ko agad maluha ng makita ko ang benda sa ulo ni Mama, pinag masdan ko lang sya kamukhang kamukha kopala talaga sya mula sa maputing kutis ilong labi at mata akong ako.

Nagbihis ako mga ilang minuto lang at lumabas narin pero hindi ko inaasahan ang nakita ko umiiyak Si doc liesel sa paanan ng mama ko.

"I'm sorry" sabe nya ng nakitang nagulat ako sa paglabas

"Same old sandra ni hindi man lang tumanda" nakangiting sabe nya

"Imomonitor pa sya kaya asahan muna ang paglabas pasok ng mga nurse, binili  ng anak kong ipa alala na kumain ka mauna nako"

Binilin ng anak kong ipa alala ng kumain ka

"Sige oh"

Binuksan ko ang lalagyanan ng pagkain uminom muna ako bago ko ibinalik ang tingin don may ibat ibang hiwa ang prutas may crispy karekare separate ang gulay sa isang box naman brownies pero ang hindi ko inaasahan may notes.

"Eatwell same tayo ng suot ngayon yang pinadala ko sayo hehehe Love maicy" napangiti naman ako Isip bata

Tinapos ko ang pagkain hindi rin ako masyadong nakatulog dahil nag aaalala akong mag mangyare bukod sa labas pasok ang mga nurse medyo maingay din ang tunog ng mga makita umaga na ng makatulog ako kaya hindi kuna rin namalayan.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon