Chapter 75

158 6 2
                                    

Chandria's POV

Nagising ako sa kalabog na nag mula sa labas, batid kong gabj na dahil madilim na hindi rin nakabukas ang ilaw.

Dahan dahan kong piniit ang seradura ng pinto pero wala akong nakita kaya dumeretyo ako sa baba. Naabutan ko si Jasiel na tutok sa laptop niya kunot na kunot ang nuo. Hindi niya ako nilingon.

"Hindi moko ginising" sabe ko pero wala akong nakuha tugon.

ilang sandali pa bago siya nagsalita

"Kumain kana nagpahanda ako kay manang" sabe nito ng hindi ako tinitignan.

Hindi ko nalang pinansin siguro ay problema sa trabaho. Pero natapos akong kumain at naupo sa tapat niya hindi niya ako nililingon.

"May problem ba?" Tanong ko dahil halata naman sakaniya.

"Hmm" yun lang ang tugon niya.

"Mauna kana matulog susunod ako" malamig na sabe nito hindi ako sanay, gusto kong magtanong pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Lumapit ako para halikan siya sa pisngi hindi siya gumalaw man lang oh nilingon ako tutok padin sa laptop ang paningin niya.

Umakyat ako ng may hindi maintindihan. Hindi ako makatulog paikot ikot ako sa kama. Alas onse na hindi parin siya umaakyat naka tulugan ko ang pag hihitay.

Kinaumagaan nagising ako wala siya, hindi ko alam kung pumasok siya sa kwarto. Naligo ako agad hindi ko maiwasang magtaka.

Siguro nagka problema lang siya sa trabaho kaya, baka kailangan na niya bumalik.

Bumaba ako pero wala akong naabutan tao. Lumabas ako para sana hanapin siya nakarating din ako sa dalampasigan pero wala din siya.

"Asan kaya yon" umakyat na ako binuhay ko ang Tv para habang nag hihintay sakaniya, hindi namna ako nakaramdam ng gutom. Ng pumatak ang alas dose ng tanghali wala padin siya.

Naglakad ako papunta sa mga Restaubar kahit mainit. Saan ba kase pumunta yon?

Pero hindi ko siya nakita. Tinanong ko pa ang ibang crew kung nakita siya alam ko namang kilala siya dito.

Hindi ko naman naisip na uulan ng pabalik na ako dahil sa tirik na araw. Halos takbuhin ko ang dalampasigan makabalik lang ng mansyon na out of balance ako napadaing ako ng maitapak ko ang paa ko sa matalim na shell ng talaba. Agad itong dumog naramdaman ko agad ang hapdi basang basa na ako. Sinikap kong tumayo at ika ikang naglakad na.

Masyadong maganda ang sahig nila kung malalagyan ko ng dugo. Sa likod ko dumaan para sana maghanap ng pwede gamitin pantapal sa sugat ko.

Nakarating ako sa Cr hindi ko maiwasang mapa pikit ng lumandas ang tubig sa paa ko. Sumabah pa ang gutom ko.

Kinakabahan na ako ng natanto kong anong oras na pero wala padin siya. Hindi naman niya siguro ako iiwan dito. Hindi kuna nagawang bumaba pa bathrobe lang ang suot ko ng maupo ako sa kama. Hindi naman na ganon kasakit pero medyo malaki siya kaya masyadong madugo.

Siguradong papagalitan akk ng isang yon pag nakita to. Hinanap ko ang cellphone ko para tawagan siya.

"Hello" sagot ko

"Hello" naririnig ko Sa background ang mga nagsasalita pero hindi ko maintindihan.

"Jasiel" tawag ko napatitig ako sa kamay ko walang signal kaya hindi kami magkaintindihan kaya tinext ko nalang siya.

Nasan kaba?

Wala akong natanggap na reply maghapon akong nakatulala at iniinda ang sakit, hindi man lang niya sabihin kung sa siya pupunta.

Narinig kong bumukas ang kwarto pero hindi ako dumilat aabangan ko pa sana ang gagawin ng pumasok na yon pero nilamon ako ng antok, halos sa sa paa ko ang naramdaman ko kunot nuo akong nag mulat sa gulat.

"What happen?" Tanong nito saka sinusuri ang paa ko.

"San ka galing?" Yun agad ang tanong ko. Hindi naman ako nagagalit pero parang hindi maganda ang tanong ayon sa reaksyon ng muka niya.

"Diyan lang" walang kwentang sagot niya.

Hindi ko maiwasang magtaka. Hindi nako nagsalita bumangon ako at iika ikang naglakad papasok sa banyo ng masama ang loob.

Pinag buksan niya ako ng pinto hindi ko siya nilingon sinarado ko nalang bigla ang pinto saka naupo sa saradong bowl.

Nagbihis ako sa Cr bago lumabas, umuulan sa labas wala nanaman siya dito. Umikot ang mata ko sa inis.

Bumaba ako naabutan ko siyang umiinom, kumuha siya ng baso at nilagay ang tubig sa tabi ko ng hindi ako tinitignan.

"Anong problema?" Tanong ko akma siyang tatanggalin ang benda sa paa ko. Hindi siya sumagot may kinuha siya sa isang drawer saka nilinis ang sugat ko. Masakit hindi ko maaiwasan mamulahan ng mata.

"You didn't eat your food don't you like it?" Tanong niya saka naglabas ng lulutuin sa ref.

"Hindi naman ako nagugutom" sagot ko.

"So what do you want?" Ngayon palang siya tumingin saken ng deretyo pero agad ding nag iwas.

He's trying his best para hindi ko ma notice yung action niya, pero tintraydor siya ng sariliniya.

"Bahala ka" saka ako tumayo palabas hindi niya ako sinundan, kahit nahihirapan ako maglakad hindi ko maiwasang sumama ang loob pero masyadong mababaw.

Natapos ang pagkain namin na walang salitaan, pareho kaming walang kibo gusto kong mag tanong ulit pero ayokong mapahiya ulit sa hindi niya pag sagot.

Nag ring ang phone niya kaya kinailangan niyang tumayo ay nakatanaw lang ako.

Ano bang ginawa ko? Tanong ko sa sarili ko parang kahapon lang okay kami. Pero nung nagising ako parang nag iba dalawang araw nalang kami dito.

Napanuntong hininga ako kasabay naman non ang pagbalik niya, mataman niya ako tinitigan hindi ko alam pero may nabasa akong lungkot saka siya nag iwas ng tingin.

"Jasiel" tawag ko para lumingon siya ulit naka upo ako sa high chair ngayon.

"Anong ginawa ko?" Nangunot agad ang nuo niya.

"I mean baket ganiyan?" Hirap na hirap akong sabihin. Hinaplos niya ang buhok ko "wala" sagot nito saka ako iniwan.

Namasa agad ang luha ko hindi na niya ako nilingon umakyat siya sa kwarto. Pumunta naman ako sa veranda ilang minuto pako don bago umakyat.

Nakahiga na siya ng datnan ko nakapikit, dahan dahan akong tumabi sakniya pero hindi ako gumalaw nakatingin lang ako sa likod ko.

"Galit kaba saken?" Bulong ko kahit alam kung natutulog siya.

"Hindi ko alam bakit bigla kang naging cold, kanina iniwan moko dito hinanap kita sa labas kaya ako naabutan ng ulan at nagka sugat hindi naman kita sinisisi pero hindi kita maintindihan" hindi kuna napihilan mapaluha, hindi siya gumalaw oh ano man mababaliw na ata ako kakatanong sa sarili ko kung ano bang pwedeng dahilan?

Tinalikuran kuna siya saka pinatulog ang sarili, gaya nama lagi wala na siya ulit pero this time hindi nako nagtaka. Dumeretyo ako sa labas sa gilid ng mata ko alam kung nilingon niya ako.

Ang ganda ng lugar na to pero hindi kami gaanong nakapag enjoy, hindi namin nagawang pumunta don sa tore. Bukas na ang uwi namin hindi ko alam kung nasa tamang pag iisip paba ako.

Ayoko siyang iwan pero ayokong umalis din si Harry ng ganon ganon lang, kilala ko siya siguradong hindi na yon kailanman magpapakita saken ayokong mawala din siya sa buhay ko mahalaga siya saken pero mahal ko si Jasiel. Nagulat ako ng makita ang tsenelas niya sa harap ko nag angat ako ng tingin.

"Lets eat" sabe nito

"Mauna kana hindi pa naman ako gutom" umawang ang labi niya.

"Hindi ko naman tinatanong kung gutom ka oh hindi basta kumain ka"

"Kumain ka mag isa" sabe ko saka nag iwas ng tingin.

"Chandria" kilala ko siya pag tinatawag na niya ako sa buo kong pangalan ay naiinis na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon