Chapter 47

312 10 0
                                    

Jasiel's POV

Umuwi kami ng gabing yon sa kawalan ng pag asa kumbinsido na akong bumalik siya pero baket hindi niya kilala sila maicy?

Nababaliw ako kakaisip kung paano siyang makikita kaya kahit hating gabi na ay pumunta ako sa bahay ng mama niya.

"Tita" nahihiyang sabe ko dahil mukhang nagising ko siya.

"Oh anong oras na pasok" sabi nito

Kapansin pansin na nangangayayat siya pero tuwing tinatanong namin pabiro niyang sinasagot na diet siya.

"Ano namang ginagawa mo dito bata ka nalang anong oras na"

"Nandito ba siya?" Tanong ko

Nangunot ako nuo niya

"Sinong siya?  Kasambahay lang ang kasama ko dito" sagot nito

Hindi ko alam kung sasabihin kuba sakaniya pero sa nalaman namin ay may karapatan siya. Tama na siguro ang pag lilihim namin ng higit na anim na taon.

"Si chan tita She's alive"

Biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha nito at bahagyang napatayo mula sa sofang kinauupuan.

"What?" May halos inis na sabe nito.

"She's alive she's back"

"Binurol namin siya anong sinasabe mo?" Napa pikit ako sa lakas ng pagkakasabe niya.

"Hindi siya yung binurol nuon alam namin ni terrence, sa hindi matahimik na kunsensya ko for the past 6 years hinanap ko siya hinintay ko siya" nanghihinang sabi ko nangilid ang luha ko kaya tumingala ako.

Nakita kung nagpapahid siya ng luha.

"Nakita siya ni Hubert sa Airport kanina si Maicy sa Restaurant pero hindi namin nahabutan"

"Juskooo" nasapo niya ang kaniyang  nuo kaya agad kung nilapitan.

"Tita are you okay?" Nag aalalang tanong ko.

"Gusto ko siyang makita dalin moko sakaniya, bakit hindi niya ako inaalala jasiel anim na taon" umiiyak na sabi nito hindi ko naman maiwasang manlumo.

"Hindi niya makilala si maicy hindi ko alam"

"Hanapin naten siya"

Masyado ng gabi kaya pinag bigyan niya akong bukas na, alam kung busy si Terrence pero hindi papayag yon ng hindi siya sasama.

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako ng gabing yon, maaga din ako nagising hindi na ako mapakali agad.

Mabilis akong naligo at pumunta sa village nila pero hindi agad ako lumabas ng sasakyan nakatingala lang ako sa kwarto niya.

Kung ikaw man yan kung may pamilya ka na kahit masakit tatanggapin ko, makuha ko lang yung kapatawaran mo.

Natigil ako sa pag iisip ng nalingunan ko ang naglalakad palayo sa bahay nila, hindi ko alam kung bakit sinundan iyon at nahinto ng tumigil sa maliit na park na hindi ko sigurado kung minsan ba naming napuntahan dalawa.

Lumabas ako ng sasakyan nag babakasaling may tao oh kung nandon yung kaninang naglalakad pero wala akong nakita, sumandal ako sa sasakyan ko at tiningala ang langit papaulan na langit.

"Titila ang ulan hindi titila,
darating hindi darating"

Napamulat ako ng mata ng marinig yon biglang lumakas ang ulan, bukod sakaniya siya lang ang naririnig kung ikikumpara ang salitang yon kaya malakas ang kalabog ng dibdib ko.

Lumingon ako sa likod ko may malakinggate ng village para sa palabas din nakita kung papatakbo yung kaninang yung naglalakad naka hoodie black jacket ito kaya hindi maaninaw ang mukha.

Walang ibang tao dito sa kinatatayuan ko, agad kung tinakbo ang distansya ng gate sa kinakatayuan ko lumabas siya don at deretyong tumakbo palayo kaya hinabol ko.

Sa lakas ng ulan halos wala na akong makita, lumabas ako ng gate at inabol siya hanggang sa marating ko ang kalsada. Pero wala na akong makita inis kung nilibot ang paningin ko kung saan saan pako nakarating pero wala akong nakita sandali pakong naupo sa isang waiting shed hanggang sa mapagod.

Bumalik ako sa sasakyan at agad na dumeretyo sa Condo ko, naabutan kung bukas ang pinto kaya malamang ay nandito ang mga pinsan ko.

"Bakit naman nagpa ulan ka ang aga aga" nagulat ako ng makita ko sa harapan si Celine hindi ko alam na umuwi siya mula America, habang naka upo sa sofa ang tatlo.

"Naulanan lang" sabe ko inabutan niya ako ng towel at humalik sa pisnge ko wala akong sa Mood para mag protesta kaya dumeretyo ako sa kwarto para mag palit.

Paglabas ko nag hahanda na sila ng pagkain.

"Hey ate you okay?" Ani Celine

"Yes" sabi ko ng napabuntong hininga.

Hindi ko nagawang ikwento sakanila ang nangyare kanina dahil kaharap si Celine at Maicy.

"Sabe ni Maicy may pupuntahan daw kayong Jewelry launching?" Maya maya ay tanong ni Celine.

"Hindi ako pupunta"

"Bakit dre Invited din kami don" si Hubert

"May gagawin ako"

"Sumama kana" Seryosong sabi ni terrence

"Oo nga isama mo din ako" sabi ni Celine saka inangkla ang braso saken.

Alas singko pa lang ng hapon nag aayos ni si Maicy at Celine apat ang kwarto sa penthous ko mukhang dito sila mananatili ngayon.

Nakahiga parin ako sa kama ng katukin ako ni Maicy.

"7pm na Jasiel" sigaw nito mula sa labas.

"Maliligo na"

"Mygad ngayon palang?"Naiinis na sabi nito.

Walang wala akong gana na umattend ngayon kaya sobrang bagal ng pag kilos ko, pag labas ko ng banyo nagulat ako ng makita nasa loob si terrence.

"Malalate na tayo" inis na sabi nito

Hindi ko naman pinansin at nag bihis na.

"She like jewelry's right?"nalito naman ako ibig nitong sabihin pero agad ko din napagtanto.

"Shit" sabe ko at mabilis na nag bihis tawa tawa naman siyang naka tingin sakin.

Nakarating kami sa Venue puro camera ang sumalubong samin enjoy na enjoy sila samantalang ako naiirita, nakalimutan kung dating artista nga pala Mrs.Leviste kaya ganito na lang sumalubong samin

Sakto lang ang pagdating namin dahil maya maya lang ay nag simula na.

"Good Evening maraming salamat sa inyong lahat sa pagdalo, I am so very bless to have you all" nag simula ang programa hindi naman matahimik ang mata ko kakalingon sa ibat ibang lamesa nag babakasaling makita siya pero wala wala akong nakita.

"Sinong hinahanap mo?" Nakangiting tanong ni Celine.

"Cr lang ako" sabi ko at tumayo

"Ako din I want to pee" sabi nito at inangkla ang braso saakin inalalayan ko naman siya sa gown na suot niya, medyo mabagal kami, nilingon ko ang mga tao pero nakalingon sila sa entrance kaya napatingin ako.

Wearing a red gown natulala ako sa nakita ko kaya bahagya akong natigilan dahil para mapahinto ako, nakangiti siya sa lahat ng Camera the guy beside him guide her to walk in the red carpet.

Natulala ako sa saya ng makita ko siya at masilayan ulit ang mga ngiti niya pero kasabay non ang hindi maipaliwanag na sakit na umusbong ng makita ko kung paano siyang alagaan ng lalaking katabi niya habang pareho silang sweet na sweet sa isa't isa.

Akala ko ba matatanggap ko pero bakit iba ang nararamdaman ko sa sinasabe ko?

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon