Chapter 37

292 7 0
                                    

Chandria's POV

Ang sarap ng lamig ng hangin na nagmumula sa veranda habang umiinom kayo ng hot chocolate, nag eenjoy ako sa pancake nilalaro kupa yung syrup pero yung katabi ko hindi matigil sa kakasalita.

Hindi pa kami lumalabas pero tanaw na mula dito ang ganda ng tanawin lalo't pasikat na ang araw, sa internet ko lang to nakikita nuon kaya pala binabalik balikan dahil totoong nakakarelax.

Hinila niya ako palabas ng veranda yung tinutuluyan namin ay parang isang bahay ang laki mataas din kaya nakikita ang tanawin.

"Punta tayo don" turo niya sa ibaba may mangilan ngilan ding tao

Lumabas kami ng tinutuluyan namin at nag lakad lakad panay ang salita niya.

"Twice a year kami dito kaya medyo kilala kami ng staff"

"Sa strawberry farm tayo mamaya"

"Takot kaba sa kabayo?" Mayamya ay tanong niya

"Hindi naman"

Mag hohorse ride daw kami mamaya kung ayaw ko naman daw e ayos lang pero binawi niya din ang sinabe niya, pa ulit ulit niyang sinabe mag Explore ka gusto ko mag explore ka.

Naupo kami sa kahoy na upuan mula dito makikita ang naglalakihang puno umaga na pero mahamog padin kaya medyo malabo.

"Naka punta na kayo dito kasama si celine?" Tanong ko

"Yes, twice she like adventure she's very Independent na sobraan nga ata pati pag alis hindi ako na inform no one in her family can control her" tapapa iling na sabi niya

Nakatingin lang ako sakaniya habang nagsasalita siya.

"Bumalik naman siya e ayaw mo lang" sabi ko

"Hindi lahat ng bumabalik may babalikan pa, chan ikaw na yung gusto ko sa tingin ko nga higit pa dito" gustong matuwa ng sistema ko

"Mahal kita, or kahit hindi pako sigurado hindi mo kailangan sumagot wala kang dapat gawin just let me prove myself to you"

"Gusto kitang alagaan, gusto ko masaya ka kahit yon nalang yung isukli mo sakin or kahit wala" hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng emosyon sa huling sinabe niya

Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha ko sa mga sinasabe niya, dahil ba ito yung unang beses na gumawa sakin ng mga ganitong bagay. Hindi pamilyar bago sa pakiramdam.

"I've always wondered what your tears are for" mahinang sabi niya saka pinahid ang luha ko

"Baka hindi nagkatuluyan ang mga magulang naten ay para saten" nakangiting sabi niya.

"Tksss" sabi ko saka natawa

" Mawawala din yang mararamdaman mo" sabi ko

"Bakit ba mas alam mupa sakin" nakangusong sabi niya kaya natawa ako

"Kung hindi yang nararamdaman mo e baka ako yung mawala" sabi ko naging seryoso naman ang itsura niya.

"Wag kangang magsasalita ng mga ganiyan" inis na sabi niya

" e bakit malay mo diba ako yung mawala aalis ganon oh ikaw, bihira lang yung taong mamahalin oh gugustuhin ka sa mahabang panahon" seryoso ring sabi ko

" Hindi ka mawawala susundan kita kahit saan ka hahanapin kita kung umalis ka man" nakakatawa siya para bang nasa harap niya yung nangyayare

"Hindi ako magpapakita sayo"lalo ko pa siyang gustong inisin

"Ano ba, bakit ba pakiramdam ko aalis ka" singhal niya abnormal to

"Tanga kaba nasa harap moko saan naman ako pupunta school bahay lang ako yun lang buhay ko"

"Mag ttravel tayo Ieexplore kita naboboringan ako sa buhay mo, marami kang makikilala ibat ibang ugali matitikmang pagkain malalamang kultura" mahabang sabi niya nakakatuwa lang nag pplano siya ng mga ganong bagay, gusto ko din lahat ng sinabe niya.

Tumunog ang cellphone niya kaya natigilan kami pareho tiningala ko ang puno, nag lalaglagan ang ibang dahon.

Bumalik kami ng suit namin at nagligo pahirapan dahil napaka lamig mabuti nalang at may heater. Nag Jumpshort naman ako at pinatungan ng blazer pag labas ko palang masama na yung tingin niya kaya nag kunwari akong may kinakalkal sa bag.

"Sasakay tayo sa kabayo tapos ganiyan ang suot mo?" Maya maya ay tanong niya

"Ayokong sumakay panonoorin ko nalang kayo" sabi ko

Inirapan niya naman ako si maicy nga naka jumpshort din bakit ako lang ang pinupuna neto?

"Napaka conservative mo naman ata jasiel" ng iinis na sabi ni hubert

"Shut up"

"Sa bar nga na pinupuntahan namin halos hubad na mga babae" natatawang dagdag niya

"Hindi ka talaga mananahimik?" Singhal niya dito saka tawa tawang lumabas ng kwarto

"Wag kangan maniniwala don" para naman siyang nahihiya sa pinag sasabe ng pinsan

"Tkssss Sa bar moko iexplore" biro ko

"Siraulo kaba? Hindi matitino tao don"

"Edi pumupunta kanga talaga don?" Nanlaki naman ang mata niya sa pag amin niya parang narealise niya, at gusto kung matawa ng tumayo siya at halos sugurin ako.

"Napaka pilya mo" aniya saka hinalikan ako lsa pisnge at walang sabi sabing lumabas

Medyo natulala pako bago makapag react malakas na tumawa si maicy ng makita ang ginawa ng pinsan.

"Para paraan din yung isang yon" sabi niya habang humihiling

Lumabas kami ng kwarto tahimik padin ako naiinis ako sakaniya bakit niya nanaman ginawa yon pero mas naiinis ako sa sarili ko kung bakit parang may tuwa sa loob ko.

Malandi ka

Una naming pinuntahan ang strawberry farm sa sunod ay hindi kuna alam ang pangalan basta maraming bato at may kung ano anong nakasabit dito, ang huli namning pinuntahan ay Tiptop ambulao Rd, kung saan halos kita buong syudad.

Kumain kami sa isang sikat na kainan panay lang ang kwentuhan nila hindi ko namang maiwasang mainggit na sana may mga pinsan din ako natatawa din ako sa mga kwento nila kapag binabalikan nila kung ano anong lugar ang pinuntahan na nila sa pilipinas man oh sa ibang bansa, pero madalas nakikinig lang ako.

"Ang tahimik mo, galit kaba?" Tanong ni jasiel umiling naman ako tumitig lang siya sakin inirapan ko naman siya.

"Sorry not sorry" maarteng sabi niya pinalo ko naman siya.

"Hindi ka naman nagrereklamo kaya siguro nagustuhan mo din" bulong niya

Kinuha ko talaga ang tinidor at tinutok sakniya nag angat ng tingin nag tatlo.

"Itutusok ko talaga to sayo pag hindi ka huminto" bigla naman akong nahiya ng natawa siya nakakainis.

Lumayo ako sakaniya saka nagpa tuloy sa pagkain ganito ba talaga ang ugali niya? Tksss

"Bagay kayong dalawa" bigla ay sabi ni maicy

"Sinabe mo rin panigurado kay celine yan" sabi ko nawala ang ngiti sa labi niya. Naramdaman kong hinawakan ni jasiel ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa.

"Well yes" mahinang sabi niya

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon