Chapter 17

389 12 0
                                    

Chandria POV

Hindi ko maintindihan kung ano bang kinikilos nya bago sa pakiramdam ko ayokong isipin kung anong matatawag yon.

Tinakbo ko ang parking lot dahil medyo may ulan pa.

Kamukhang kamukha nya ang papa nya mula mata kilay ilong kakatuwang sa ilang minuto nagawa kung ikumpara ang mukha nila Sa isa't isa hindi ko naman alam kung anong mararamdaman.

Mabilis kung pinaandar ang sasakyan ko para maka rating agad may mga ilang sasakyan sa tapat ng bahay kaya binilisan kung bumaba.

"Wag kang mag aalala hindi sya gagaling ng ganon ganon lang dahil sinasabe ko sayo xandra taon ang binibilang ng epekto ng droga" nagpapaintinding boses ni lolo

Papasok ako ng sala ng marinig ko sila.

"Baka sakaling mag bago sya, kinausap sya ni liesel at pumayag sya dahil yun lang ang magandang gawin para mag tino sya ang rehab"

Tumango naman si mama at maluha luhang tumitig sakanya.

"Hindi pa huli ang lahat para maayos ang buhay nyong lahat" dagdag ni lolo

Lumingon sya sa banda ko at nagtama ang paningin namin lumapit ako sa mesa at humalik kay mama.

"Magandang hapon po"

Ngumiti sya sakin ng pagka tamis tamis kaya nag iwas agad ako ng tingin.

"Kailan mo ba ako tatawaging lolo?" Pabirong sabi nya pero hindi nakatakas ang emosyon.

Tumingin lang ako sakanya at ngumiti sa kauna unaang pagkakataon.

"Nasa rehab ang papa mo"

"Masmakakabuti sakanya sa papa mo yon chan" singit ni mama

"Okay" yun lang ang sinabe ko at lumapit na sa ref at uminom ng tubig ramdam ko naman ang tingin ng dalawa

Kung pwede lang mawala kana sa buhay ko, Mistulang nawalan ako ng amor sakanya sa mga dumaraang taon.

Tahimik kaming natapos kumain parang ngayon lang ako nakaramdam ng kapayapaan sa bahay.

Natapos nakong maligo kaya nahiga nako sa kama ng may kumatok

"Ma" tawag ko

"Matutulog kana? maaga pa" nakangiting sabe nya

"Maaga po yung pasok bukas" sagot ko at naupo sa kama

"Dalaga kana talaga" malungkot na sabe nya

"Tkssss"

"Kamusta ang school mo?"

"Ayos lang oh medyo mas busy lang ngayon"

Ngumiti lang sya sakin at hinagod ang buhok ko

"Matulog kana, Goodnight" at hinalikan ako sa pisngi

"Goodnight"

K I N A B U K A S A N

Masama ang pakiramdam ko pero pinilit ko padin bumangon naipasa na ang reporting yung play nalang at prelim exam iintindihin ko pero ayokong umabsent.

"Chan kumain kana" tawag ni mama

"Bababa na ma"

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon