Chapter 10

497 13 0
                                    

Terrence POV

May mga iba pang sasakyan sa labas ng bahay nila chan pag dating namin  bukas narin ang mga ilaw pati ang gate ay nakalimutan ding isara. Sa pagmamadali na makabalik ay hindi na namin sinilip ni hubert ang tao sa loob.

"Tara na" sabe ko at pumasok na sa sasakyan ko

dumeretyo kami sa Hospital may mga dugo padin ang mga damit namin dahil sa kanina.

Naabutan namin si jasiel at chan na naka upo walang masyadong tao sa Hospital kaya pati ang paglalakad namin ay rinig na rinig ko.

"Grabe naman ang papa nya" bing ni hubert palapit na kami kaya sinenyasan syang wag ng maingay

Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa dami ng dugong nakikita ko kanina.

"Chan" tawag ko ng makalapit

Nag angat sya ng tingin at ngumiti

"Umuwi na kayo maraming salamat"

"We can stay here wala kang kasama" sabe ko

"Pinag sstay ako ni mama" sabe ni jasiel nalipat naman ang paningin ko sakanya

"Magpalit narin kayo ng damit nagpadala nako kay maicy nag pagkain siguradong magpapadala din ng damit sakin yon" mahabang sabi nya napabuntong hininga na lang ako
ayokong umuwi dahil alam kong hindi ako makakatulog pero wala kaming magagawa.

Bumukas ang pinto ng Hospital at bumungad ang namumugtong mata ng papa ni chan kasunod ang medyo matanda na lalake at mga body guard nito.

Agad na tumayo si Chan at sinugod ang ama.

"Anong ginagawa mo dito ah? Malakas na sigaw nya

"Ang kapal ng mukha mo ano ako na isusunod mo ah? Umalis ka dito umalis ka dito"

"Hindi ko sinasadya" sabe ng kanyang ama

"Hindi ah hindi? ni bihira nga na hindi dumapo samin yang kamay mo tapos iyan ang sasabihin mo Umalis ka dito" inis na sabe nya

"Apo uminahon kana muna" sabe ng natanda sakanya

"Alam nyo po ba kung anong klaseng buhay ang meron kame?"

Umiiyak na sabe nya nakaramdam ako ng awa nagaalala namang nakatingin saknaya ang matanda

"Alam nyo po ba kung gaano kalaking sugat ang ginawa ng demonyo mong anak sakin?" Sigaw nya

Lalapit na sana kaming tatlo ng pigilan kami ni tita leisy mommy jasiel.

"Wala kang alam" sigaw ng papa nya pabalik makikita ang galit

"Na ano ah? Na ipinilit ka? Na nabuhay ako na gawa ako sa pagkakamali?" Nagugulat namang napatitig sakanya ang dalawang lalake

"Sana nga hindi nalang ako nabuhay baka sana hindi impyerno ang buhay mama ko"

Hindi ko naman maproseso sa isip ko ang lahat ng sinasabe nila.

Biglang naglakad si Tita at nagulat kaming lahat ng bigla nyang sampalin ang papa ni Chan.

"Kung alam ko lang hindi kuna sana ipinilit pa kung alam kong gagawin mong impyerno ang buhay ni Xandra"

Natigilan ang lalaking kaharap
"Liesel" tawag nito

JASIEL POV

Nagulat kaming lahat kay mommy sa lakas ng pagkakasampal nya sa papa ni Chan.

"Kung alam ko lang hindi kuna sana ipinilit pa kung alam kung gagawin mong impyerno ang buhay ni Xandra"
Naiiyak na sabe ni mama

magkakilala sila?

"Liesel" hindi makapaniwalang sabe nya

"Ikaw si liesel?" Hindi makapaniwalang sabe ni Chan pero hindi sya pinansin ni mommy

"Nagkamali ako na tinalikuran ko ang kaibigan ko dahil lang sa isang pagkakamali" umiiyak na sabe nya

"Enough magsitigil na kayo sa pagbabalik tanaw at wag na kayong magsisihan" pagalit na sabe ng matanda sapalagay ko ay lolo nya

"Umalis na kayo" sabe ni chan at nilagpasan sila.

"Chandria apo" tawag ng matanda

Hindi ko namalayan na umahakbang na pala ako pasunod sakanya.

"Jasiel saan ka pupunta" nag angat ako ng tingin kay mommy

"Ssusundan ko sya "
sabe ko at hindi na narinig  ang sunod nya sinabe, agad namang sumunod sakin ang dalawa kaya hinanap agad ng mata ko si chan pagkalabas pero wala akong nakikitang nag lalakad.

"Mauna na kayo hahanapin ko lang sya " sabe ko sakanila

"Tumawag ka dre"

Naglakad ako papunta sa kabilang sude ng Ospital pero wala akong nakita.

"Saan naman kaya nag punta yon" inis na sabe ko

Nagulat ako ng mag ring ang cellphone ko

"Maicy" bungad ko

"Papunta na dyan ang driver pinahatiran ko narin kayo ng damit pati si chan" mahabang sabe nya

"Salamat"

"How's her?" Tanong nya

"IDK" sabe ko

Bumusina  ang pamilyar na sasakyan at lumabas nag isang tao sa mansyon namin.

"Sir eto oh"

"Salamat" tinanggap ko ang paper bag at tinalikuran na sya

Naglalakad lakad ako para hanapin sya pero wala akong nakita mag aalas diyes na baka kung ano ng nangyare don.

"San naba kase pumunta yon" inis na sabe ko

Pabalik nako Hospital ng may nadaanan akong medyo madilim na parte langitngit lang ng mga bakal ang naririnig ko nakaramdam ako ng kaba baka may multo dito sabe ko sa isip ko pero may kung ano sa sarili kung gusto nakita ang parte na yong ng biglang may narinig na umiiyak.

"Chan tawag ko" nag angat sy ng tingin

Nakasakay sya sa swing habang lumuluha

"Kumain na tayo hating gabi na" sabe ko kung hindi ako nag kakamali nakitaan ko ng galit ang paraan ng pag tingin nya.

"Umalis kana" sabe nya

"Hindi kita pwedeng iwan madilim na dito bumalik na tayo don" sabe ko

"Buhay nga naman mapaglaro" Biglang sabe nya saka ngumiti ng nakakaloko

"Ano kayang magiging Papel nyo sa buhay ko?" Tanong nya

Hindi ko naman magawang sumagot

"Alam mo bang mahal ng papa ko ang mama mo?" Ni hindi ko magawang mag salita

"Kaya ganitong buhay ang nararanasan ko" umiiyak na sabe nya

"I'm sorry" mahinang sabe ko

"Unang minahal ng papa ko ang mama ko pangalawa lang ang mama mo" nalito naman ako sa sinabe nya

"Umalis ang mama ko at bumalik ng akala nya ay may babalikan pa ikakasal ang mama mo nuon hindi matanggap ang ng mama ko kaya nangyare ang nangyare pero nabuntis ang mama ko sakin kaya imbes na sila ang kinasal ng mama mama ko ang kinasal sa araw ng kasal nila"

Ayoko mag salita gusto ko lang syang pakinggan.

"Tinakwil ang mama ko ng magulang nya tinalikuran ng lahat ng mga kaibigan nila, ang akala nila wala akong alam, alam mo bang ayokong naririnig ang salitang sorry pag si mama ang nagsasabe non pakiramdam ko pinagsisihan nyang ipinangak ako" nakangiting sabe nya

"Hindi naman siguro ganon"

"Hindi ko man alam ang sasabihin ko sayo makikinig ako" sinserong sabe ko

"Anong klasing buhay ba ang meron ako sa unang buhay ko para maranasan lahat ng to?"

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon