Chapter 45

284 7 0
                                    

Jasiel's POV

Naka tanaw ako sa city light pagka tapos ng lahat ng blueprints na tinapos ko I'm so drained .

Pakiramdam ko may kulang kahit nasakin na lahat, I don't think if I can be genuinely happy again? Ito siguro ang kabayaran sa lahat ng pagkakamali ko nuon.

Last week we went to baguio nothing new we still don't have a clue of where she is, Sometimes I lost my faith to see her again but my heart reminds me to hold on a little bit.

Para kong mababaliw kada taon ang dumadaan nawawalan kaming pag-asa.

"Baka ayaw niya na talaga magpakita?"

Isang araw sinabe yan ni terrence, pero kung ganon pano niyang natitiis na pati ang mama niya hind makita?
Kaya minsan naiisip ko din baka wala na talaga?

Ang hirap tanggapin na sa isip mo nalang siya ibuburol, may mga pagkakataon pang hindi mo magawang sumaya kase naaalala ko yung hirap niya nung gabing yon kaya pa ulit ulit sinasabe nila mommy na baka daw pwedeng tanggapin ko nalang, baka daw pwedeng maging masaya naman ako?

Paano kung tatanggapin yung isang kasalanan na ibang tao ang nag dusa?

Nagpapahirap sakin yung siya yung gusto kong makasama siya yung gusto ko alagaan na siya yung gusto kong makasama habang buhay kahit alam kong imposibleng mangyare.

I'm still missing you

Tumunog ang telepeno kaya natigil ako sa pag iisip.

"Hello" si Hubert malakas na sabi nito kaya bahagya kung nailayo

"Ang lakas ng boses mo,bakit napatawag ka"  matagal bago siya sumagot.

"Hey" tawag ko dito

"I see her" hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin

"What? Who?"

"Si Chan"parang dinamba ako sa sinabe ng biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko hindi ako naka sagot agad.

"But I'm not sure jas I'm in the Airport right now"

"Ano bang sinasabe mo" inis na sabi ko pero may kung ano saakin ang umaasa.

"I'm not sure malayo siya e She's holding a baby may kasama siyang lalake" parang nilukot ang puso ko

Kung totoo man to sabe ko matatanggap ko kung may iba na siyang mahal oh kung may pamilya na siya, pero bakit sa sinabe nito hindi man sigurado ay parang dinudurog nako.

"Pupuntahan kita" sabi ko

"Natulala ako jas hinabol ko pero naka sakay na ng van pero malakas ang pakiramdam ko, tindig niya yon" sabi nito na hindi maka paniwala kami nga lang pala ni terrence ang nakakaalam na hindi siya ang binurol ng araw na yon.

"Dumretyo ka sa Condo ko" sabi ko at binabaan siya.

Agad kung tinawagan si Terrence at sinabihang pumunta ayaw niya ng una dahil busy daw siya pero napilit ko din.

Naka sakay nako ng elevator parang iyon ang pinaka matagal na byahe nito sa tala ng buhay ko. Agad kung minaneho ang sasakyan ko papunta sa Condo ko.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon