Chapter 13

442 11 0
                                    

Chandria POV

Pabalik nako sa kwarto ng may humarang sakin

"Hi pwede ba tayong mag usap?" Tanong doc liesel

"Sige oh"

Naglakad sya palabas sumunod nalang ako sakanya, ano kayang gustong pag usapan nito?

Nakarating kami sa gilid ng Ospital sa inupuan ko kagabi sa may swing pero nasa bench kami naka upo.

"I'm sorry" sinserong sabe nya

"About what?" Walang ganang sabe ko

"You know what I mean" mahinang sabe nya

Napatitig nalang ako sa swing at mapait na napangiti

" Lorenso the father of jasiel he only loves your mama wag mo sanang isipin na kayo lang ang nag dusa" sabi nya dahilan para mapalingon ako sakanya

"Swap kayo ganon ba?" Natatawang sabe ko

"Nabuntis si xandra ng daddy mo ilang araw bago ang kasal namin lasing kaming lahat, I know she want him so bad alam ko yon gising ako nung gabing yon, nakikita ko sa mata nya yung sakit but she's the most generous and kind kaya inayahan nya akong maging masaya kahit sandali. pero alam kong hindi nya kayang matali ang daddy mo sakin ng ganon ganon lang kaya nangyare ang nangyare, pareho kaming naiwan ni lorenso ganon ata talaga pilitin mo man hindi talaga matuturuan ang puso." Naluluhang sabe nya

"Sana lagi mong piliting magpatawad" dagdag nya malungkot na sabe nya

"Kamukhang kamukha mo ang mommy mo hindi nako magtataka kung mahuhumaling sayo ang anak ko katulad ng ama nya sa nanay mo" hindi ko naman alam kung anong mararamdaman

"Wag oh kayong mag alala hindi ko hahayaan" sabe mo

Bakit lagi nilang tinutukso yon nitong mga nakakaraan.

Buntong hininga ang naging tugon ko mistulang hudyat yon para tumigil sya.

"Let's go inside" sabe nya at nagpaunang maglakad

Pag pasok ko ng kwarto nakangiti na ang mama ko.

"Bakit?" Masungit na sabe ko

"Wala"

"Magpahinga kapa ma" sabe ko

"Kumain kana sayang naman yang binigay ng manliligaw mo"

"Anong manliligaw sinong manliligaw" napa lakas ang boses ko kaya natawa sya

"Oh bakit hindi ba"

"Hindi" inis na sabe ko at binuksan ang pagkain

"HAHAHAHAHA" sinamaan ko naman sya ng tingin para tumigil

Natapos ang araw na yon na puro pahinga lang maayos naman na sya hapon pa ang labas nya bukas kaya papasok muna ako.

Tahimik ang campus ng makarating ako may nakikita akong mga babaeng nag bubulungan sa malayo.

"Chandria" nag angat naman ako ng tingin sa humarang sakin

"Yes" tanong ko

"For you" abot nya sa chocolate at roses napatingin ako sa paligid at nakita ko si gwen paakyat ng hagdan nakatingin samin

"Salamat" sabe ko at kinuha ang bulakalak at chocolate nilampasan sya.

"Pwede ba tayong sabay mag lunch mamaya hihintayin kita sa Kali mamaya" sabe nya

"Sige" sigaw ko

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon