Chapter 66

238 6 1
                                    

Chandria's POV

"Chan" nagmulat ako ng mata napapikit agad ako sa liwanag ng ilaw.

Ngayon lang nag sink in saken nasa bahay niya ako.

"Si Harry baka hanapi-"

"Sinagot ko ang tawag niya sa cellphone he know already na nasaken ka" parang iba ang dating sakin ng huling sinabe niya.

Tumayo siya at dumeretyo sa kusina, inilibot ko ang paningin ko White wood and beige ang theme ng bahay niya. Naglakad ako palapit sakaniya pero nahihilo talaga ako bumalik ako sa sala para tanggalin ang heels ko at naka apak na lumapit sakaniya.

"Ihahatid mo ba ako ngayon?" Tanong ko, naka talikod siya habang nag luluto.

At this moment I've seen him very different mula sa nuong alaskador niyang ugali naging mas seryoso at tahimik, nag matured na din ang utsura niya gwapo pero mukhang laging seryoso.

"Stop staring" nagulat ako sa biglang pagsasalita nito.

Nagkamot ako ng batok

"Ihahatid mo ba ako ngayon?" Ulit ko sa tanong ko.

Hinarap niya ako blangko ang mukha at seryong naka tingin lang saken.

"If that's what you want I'll take you home" tumango siya.

"Sinong kasama mo sa bahay na to?"

"I'm alone"

Parang ayoko namang maniwala sakaniya imposibleng hindi siya nag dadala ng babae dito, lalake padin siya may pangangailangan siya.

"Kung babae ang iniisip mo I can survive without woman in my life pero hindi sayo" deretyong sabe nito.

"Taste it para mawala yang hilo mo"

Umupo ako sa high chair nilapit niya saken ang bowl.

"Tapos na birthday mo" sabe ko bago sumubo.

"Hmmm"

"Narinig ko kanina  ngayon hindi mo alam na birthday mo?" Tanong ko sakniya.

Magka krus ang braso niya naka sandal lang sa pader at deretyong naka tingin saken, baket ayaw niyang kumain din ng soup.

"I don't celebrate it" mahinang sabe nito tumaas naman ang kilay ko.

"Baket naman"

"When I lose you I feel like I will never gonna happy again" hindi ko inaasahan ang sagot niya, bumilis ang tibok ng puso ko nasasaktan sa mga naririnig ngayon.

"Jasiel" emosyonal na tawag ko dito.

"Can you tell me what I missed for the past 6 years? Kung anong ginawa mo don? Naging masaya kaba don? Pinahirapan kaba nila?"

"Jasiel" tumayo ako para sana lapitan siya pero mag kung anong nag pipigil saken na gusto kong marinig lahat ng tanong niya.

"Pinahirapan kaba nila don? I wanted to know everything chan gusto kung makalaya sa guilt na nararamdaman ko" His eyes say it all the emotions pain and guilt.

"Naging maayos ang buhay ko" yun lang kaya kung sabihin sakaniya, tumango naman siya.

"Masaya kaba?" Emosyonal na tanong niya.

Tango lang din ang naging tugon ko.

"Ayaw mo?" Tanong ko sakaniya ng matantong ako lang ang kumakain.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon