Chapter 31

299 7 1
                                    

Chandria's POV

May tumama sa nuo ko pag pasok pa lang nang pinto agad nahilo pero agad din nakabawi ng marinig ko ang ingay sa labas.  Agad tinakpan ni papa ang bibig ko anong bang nangyayare? Asan si mama?

"Wag na wag kang mag sasalita, lintik wag na wag kang mag susumbong na nandito ako" halos masakal niya na ako, ibinalibag niya na lang ako basta tumama ang likod sa sofa.

"Chan" nagugulat na tawag sakin ni mama at agad na bumama para daluhan ako.

"Ano nanaman ba to?" Sigaw niya kay papa tinalikuran niya lang kami panay paruot parito niya, para bang tuliro na hindi maintindihan. Tumikim nanaman to kaya ganto.

"Mga walang hiya kayo Xandra ilabas mong asawa mo" sigaw ng babae mula sa labas

Napuno ng dugo ang damit ko galing sa sugat sa nuo ko, meron narin hanggang sa damit ng mama ko.

"Pasensya kana hindi ako nakinig sayo" sabi ni mama saka niyakap ako at humagulgul

Lalong nag kaingay sa labas kaya tumayo kaming pareho sa lakas ng kalabog sa gate, bago lumabas tinignan kupa si papa sa kusina parang wala siya sa sarili sinundan ko si mama sa takot na maging bayolente ang mga tao sa labas .

"Nasan ang walanghiyang asawa mo binugbug niya ang anak ko"

"Ilabas mo siya"

"Ikaw ba ang kasama ng walanghiyang papa mo ah?" Tanong sakin ng matanda

"Wala siya dito" pagtatakip ni mama agad siyang sinugod ng mga tao kaya ako ang humarang sa malalakas nilang sampal at kalabog napaluhod nalang din ako sa kawalang magawa.

"Patawad ho pasensya na ho" pilit na hinaharang ang bawat pananakit nila habang umiiyak.

Sa dami ng pagkakataon na nangyari yung mga ganitong bagay sa buhay ko, ngayon lang ako mas lalong nahiya sa lalaking kaharap ko, alam kung lahat ng ginagawa mo dahil lang iyan sa naaawa ka sakin.

Kanina lang masaya nako bakit ganito? Sa bawat saya ba kapalit agad ay pagdurusa?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ng bumalik pa si jasiel sa bahay para lang itanong kung anong kalagayan ko. Ayokong masanay sa ganitong pakiramdam pero bakit parang gustong gusto ko?
Siguro dahil ito yung unang pagkakataon sa buhay ko may nagmalasakit saakin.

Tulad ng sinabe niya pinuntahan niya ako kinabukasan, hindi lang ng araw na yon sinundan pa ng linggo wala siyang ibang ginawa kundi pasayahin ako patawanin at asarin ako, mag sisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong mararamdaman.

Excited akong pumasok ng araw ng lunes hindi dahil gusto kung mag aral kundi dahil gusto silang makasama.

"Birthday ko sa Friday susunduin kita" bulong ni jasiel habang may nag didiscuss sa harap

"Tskk Oo na" sagot ko habang sa harap padin nakatingin.

"Anong ireregalo mo sakin?" Ayaw niya talaga mag paawat kahit may nag sasalita sa harap.

"Anong bang gusto mo?"

"Ikaw lang"

"Manahimik ka nanga lang"

"Wala akong gusto pumunta ka lang, Okay nako"

Natapos ang discussion at nagliligpit na ako ng gamit, nagpaaalam ako mag CR kaya nauna na akong lumabas nag lalakad ako pakanan papuntntang CR.

"Excuse me Miss, saan yung Room 307?" Tanong ng isang babaeng sibilyan palagay ko ay may binibisita lamang.

Matagal bago ako nakasagot tumitig lang ito sakin ng nakangiti, maganda siya mahabang strait ang buhok, She's wearing Black dress ang Heels at mukang maamo ang mukha.

"Second to the last sa kaliwa" sagot ko

"Thank you" saka ako nag lakad papasok sa CR ilang saglit lang ay lumabas din para kuhanin ang gamit ko. Wala na ang mag pipinsa malamang ay nasa Canteen na.

"Chan" boses ni terrence galing sa kali bago pako maka pasok sa canteen

"Ho?" Tanong ko

"Let's go inside, may kausap pa sila mauna na tayo kumain" inakay niya ako papasok

Naupo kami sa dulo presko ang hangin.

"Anong gusto mo?"

"Kahit ano" sagot ko

Saka niya ako tinalikuran, parang ngayon ko lang napansin na magkakahawig pala silang mag pipinsan pagdating sa Mata pero mas malaki ang pagkakatulad ni terrence at jasiel pati sa height at pangangatawan.

Nasan kaya yung mga yon?

"Set G para marami kang pagpipilian" nakangiting sabi niya habang binababa ang tray.

"Thank you, nasan sila?" Tanong ko, napansin ko naman na medyo balisa siya sa tanong ko.

"Baka nasa labas lang"

"Ayan na pala" napalingon ako sa entrance ng lumapit ang tatlo kunot nuong nagtama ang paningin naming dalawa.

Lumapit sila agad samin agad namang tumabi sakin si maicy, ngayon ay kaharap namin ang tatlo.

"Where is she?" Mahinang tanong ni terrence pero bahagyan ko paring narinig, hindi naman siya sinagot ni jasiel. Nagtataka naman akong tumingin sakaniya dahil mukha biyernes santo ang mukha niya.

"Jasiel" sabay sabay kaming napalingon sa pintuan siya yung babaeng nag tanong sakin kanina.

Hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak siya habang palapit saamin. Isanh beses pakong nilingon ni jasiel bago tuluyang hinarap ang babae.

"Ano nanaman ba Celine?" Celine? Siya si celine?

"Please baby I'm sorry" mahinang sabi nito habang umiiyak, nilingon ako ni terrence saka malakas na bumuntong hininga.

"Celine you two can talk in other time, we still have class" masuyong sabi ni terrence

"I'll wait outside" sunod sunod padin ang luha niya, hindi ko naman maiwasang mahabag sa paraan niya ng pag iyak. Pero may kung ano sakin na parang nabigo.

"Wala na tayong pag uusapan" mariing sabi ni jasiel sakaniya mas lalo siyang naiyak, naramdaman ko namang hinawakan ni maicy ang braso ko kaya nilingon ko siya.

"Mag hihintay ako sa labas" desperadang sabi nito, pakiramdam ko dapat wala ako sa harap nila pakiramdam ko hindi dapat ako nakikinig sa mga sinasabe nila, tinanggal ko ang braso ni maicy at naglakad sa kabilang pinto sa pintong hindi madadaanan sino man sakanilang nasa unahan.

She's back so it's means ewan koba hindi ko alam kung anong mararamdaman.

Nag lakad ako paakyat ng hagdan na mabigat ang loob tkss ano ba tong mararamdaman ko?

"Chan" may humigit sa braso ko kaya napa baling ako si jasiel

"Bakit?" Takang tanong ko

Malakas siyang bumuntong hininga, nginitian ko naman siya assurance na hindi niya kailangan mag alala.

"Papasok nako" mahinang sabi ko saka hinigit ang braso ko.

Nangilid ang luha ko sa hindi ko mapangalanang emosyon. Hindi dapat ganito.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon