Chapter 24

317 11 0
                                    

Jasiel POV

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nag lalakad pabalik sa aming villa. Kahit hindi moko gustuhin pabalik ayahan mo lang ako.

"Hayieeeee ano ano ah?" Nang aasar na bungad ni hubert pag pasok ko.

"Anong gusto mong sapatos dre?" Biro ko

Nanlalaki ang mata nyan hinarap ako

"Puctha ano yan ah kayo naba?"

Malakas na sabe nya kaya tinakpan ko naman ang bunganga nyang megaphone amp. Nagtama ang paningin namin ni terrence seryoso naman syang naka tingin sakin.

"Ang ingay nyo mapapagalitan tayo, magpalit kanga ng damit mo" masungit na sabe nya saka kami tinalikuran.

Sabay kaming natawa ni hubert kaya agad din kaming pinagalitan ng bantay.

"Ano dre ano wala bang kwento dyan?"

"Chismoso ka" natatawang sabe ko

Hanggang sa pag ligo ay hindi nawawala sa ang ngiti sa labi ko.
Hindi ako tinigilan ni Hubert hanggang sa makaligo ako at makapag bihis dada sya ng dada sa CR.

6:30 ang dinner kaya 6 pa lang nag aayos na kami. Nag suot ako ng mustard jacket bigla ko namang naalala may jacket kayang dala yon?
Para naman kasing tanga tagaytay ang pupunta hindi mag dadala.

Lumabas kami ng villa ng eksatong oras. Dala kong isa kupang jacket na gray na may nakalagay na USA malaki to siguradong lulubog sya.

Pagpasok sa Canteen ng Angel hills naka hilera na ang mga studyante. Tahimik ang lahat may mga madreng bantay din. Hinanap ko agad si maicy at chan pero wala pa, Naupo kaming tatlo sa gitna may dalawa pang bakanteng upuan para sa dalawa.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin sila. Napalingon ang lahat kay maicy ng bigla itong sumigaw.

"Jasiel please help si chan" naiiyak na sabe nya

Napatayo agad kaming dalawa at sumunod sakanya. Anong nangyare? Nagtakbuhan kami palabas narinig kung may sumita samin sa paglabas pero hindi namin pinansin.

"Maicy what happen?"

"Si chan si chan kase nanginginig hindi ko sinasadya" naiiyak na sabe nya

"Bakit?" Tanong ni terrence

Hindi sya sumagot kaya sinundan namin syang lumiko sa likod ng chapel.

"Maicy ano?" Inis na sabe ko bakas sa mukha nya ang takot at pagka tuliro

Pagdating namin naka yuko na si Chandria sa pasimanong kawayan na upuan.

"Chan" tawag ko

Nag angat sya ng tingin saamin pati ang labi ay nanginginig din sa pag iyak. Masama ang tingin nya kay maicy tsaka to nag iwas ng tingin.

"Hindi ko naman alam na takot ka sa Siwsiw at itik e hindi ko naman sinasadya" naiiyak nanaman sabe nya

"Ilayo mo sakin yan maicy" naiiyak nyang sabe

Kumunot naman ang nuo ko narinig kung natawa si terrence at hubert sa likod ko hindi ko rin maiwasang mapangiti. Nag angat ako ng tingin sakanya pero agad din nawala ang ngiti ko ng makita ko syang patuloy pading lumuluha.

"Wala na okay" sabe ko saka pinahid ang luha nya pasiring nyang inalis ang kamay ko sa mukha nya.

Tumayo sya at tinalikuran kaming lahat.

Sisiw at itik? Wtf wierd kahit bata gustong gusto nilalaro yon.

"Nag lalakad kase ako kanina dito ng makita ko ang mga yan" turo nya sa sisiw at bibe na naka kulong

"Inaya ko sya dito saka ko kinuha yung itim na itik at nilahad sakanya bigla nalang sya sumigaw at umiyak nagulat ako ng nakitang halos manginig sya sa takot kaya binalik ko agad. Sa sobrang taranta at guilt ko hindi ko alam ang gagawin kaya tinawag ko kayong tatlo." Umiiyak na sabe nya

"Hindi ko sinasadya hindi ko naman alam na takot sya don."

Inalo ni terrence si maicy sa pag iyak ilang minuto pa namin syang hinintay mag hilamos dahil sa pag iyak bago kami bumalik sa canteen.

Pag pasok hinanap ko agad sya nasa dulo naka upo kahalo ng iba pa naming kaklase. Namumula parin ang mata ilong at pisnge sa pag iyak ang cute sana pero wag lang sa ganoong paraan ng pag iyak. Nag angat sya ng tingin habang nag lalakad kami inirapan nya ako kaya napangisi ako habang umuupo.

"Sya lang kilala kung takot sa ganuoong ka ccute na baby" nahihiyang sabe ni maicy

"She's cute" bigla ay sabe ni terrence habang naka ngiti

"Anong cute she's weird" si hubert naman

"Lahat tayo may kinakatakutan ikaw sa Ipis si jasiel sa gagamba oh anong weird don?" Paliwanag ni terrence

"Tskaaa ewan ko sa inyo kayong dalawa" turo nya saamin ni terrence

"Darating ang araw at mag kakaaway kayo sa iisang dahilan ulit" makahulugang sabe ni hubert

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon