Chapter 30

308 7 0
                                    

Jasiel's POV

Papasok na sana ako ng sasakyan ng marinig ko ang papalapit na ingay na nanggagaling sa kabilang kalsada papalapit sa bahay nila chan. Grupo ng mga tao na animo'y mag pprotesta.

Agad na binato ng isang ginang ang gate na kaya natinag ako at bahagyang lumapit.

"Walang hiya xandra ilabas mo ang asawa mo"

"Xandra ilabas mo ang hayup mong asawa"

Akala ko ba nasa rehab sya?

Nagsisigaw ang isang ginang sa harap ng gate hindi ko nagawang umalis nalang dahil sa pag aalala. Ano kayang  ginawa nanaman ng papa niya? Ilang minuto pa ang lumipas halos maglabasan narin ang iba pang kapit bahay.

Biglang bumukas ang gate at lumabas ang mama niya na napuno ng dugo sa damit agad akong lumapit pero ilang hakbang pa lang ay lumabas na si si chan. Tumutulo ang dugo mula sa nuo nya.

"Chan" mahinang sabi ko dahil sa gulat ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng pumasok siya.

"Asan ang papa mo ah? Ikaw ba ang kasama niyang nanakit sa anak? Mga mamatay tao"

Malakas na hinablot ng babae ang buhok ng mama ni chan pero agad din niyang pinigilan. Hinila niya ang mamaya niya kaya siya ang naka salo ng lahat.

"Patawad po pasensya na ho" humahagulgul na sabi niya

"Nasan ang demonyong mong ama? Binugbug niya ang anak ko" sigaw ng matanda at pinag hahampas siya

Agad akong lumapit para pigilan sila hindi makapaniwala sa nangyayare.

"Tama na ho wala siyang kasalanan" tinayo ko siya sa sobrang panghihina ay nagpa ubaya siya.

Nagugulat siyang tumingin sakin siguro ay ipinagtataka kung bakit nandito pa ako. 

"Ilabas mo ang papa mo" ako na ang sumalo sa iba pang pang hahampas nilas.

"Chan" tawag ko sakaniya at inakay siya palayo

Nakita ko namang pumasok sa loob ang mama niya ng humahagulgul din sa pag iyak.

"Hindi ko magagawa yung sinasabe niya hindi ko maintindihan hindi ko magagawa yon" nakatitig lang ako sakaniya habang umiiyak,

"Alam ko" sagot ko

"Gamutin naten ang sugat mo sinong may gawa niyan?" Tanong ko

"Umuwi kana jasiel umuwi kana" mariing sabe niya saka ako tatalikuran sana.

"Gagamutin ko yang sugat mo tatawag ako ng pulis papa mo ba ang may gawa niyan?" Halos magkanda buhol buhol ako sa pag tatanong.

Mapait siyang ngumiti sakin para bang ipinapakita niya na dapat kong makasanayan ang buhay niya.

"Kaya ko naman" saka niya ako tinalikuran

"Chan" tawag ko pero niya na ako nilingon.

Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman may kung ano sakin na ayokong umalis, pero mukhang wala akong ibang magagawa.

Naglakad ako papunta sa sasakyan ko at ilang minuto pang pinag masdan ang bahay nila.

Para akong nakalutong habang nag mamaneho, masaya pa lang kami kanina tapos ganto?

Gabi na ng makarating ako sa condo nag hahanda na ng dinner ang dalawa, tinitigan ako ng may ngiti sa labi ni hubert, wala akong panahon makipag biruan sakaniya ngayon kaya agad akong dumeretyo sa sofa at tinawagan si maicy.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon