Chapter 7

527 15 1
                                    

JASIEL POV

Sa kwento ni gwen yung babaeng nakisabay samin may mga ilan akong nalaman sakanya hindi ko mapigilang makaramdam ng awa

"Mauna na kayo" sabe ko ng malingunan sya sa botanical garden sa tabe non ay parang park naka upo sya sa swing habang kumakain ng biglang umambon nagmadali akong maglakad pero parang hindi nya naramdaman palapit ako

"Titila ang ulan hindi titila,darating hindi darating" paulit ulit nyang binibigkas hindi ko naman alam kung tuluyan ba akong lalapit ng bigla syang ngumiti parang may humaplos sa puso ko

"Titila ang ulan hindi titila darating hindi darating"

"Chandria" tawag ko nag angat naman sya ng tingin

"Umaambon na magkakasakit ka" sabe ko ayoko sana syang istorbohin pero lumalakas na ang ulan

Tumitig lang sya sakin ng biglang lumakas ang ulan hinawakan ko ang kamay nya para sumilong sa gilid ng chapel. Naramdaman ko naman ang panginginig ng kamay nya agad ko din binitawan ayon nanaman ang mga mata nyang parang anong oras ay iiyak.

"Hindi kita sasaktan" hindi ko alam bakit yon ang nasabe ko

Nilabas ko ang panyo ko para punasan ang nuo nya nandon padin ang gasa hinawakan nya ang kamay ko

"Ako na" tinitigan ko naman ang mukha nya totoong maganda sya napangiti naman ako matangos ang ilong mamula mula ang pisngi magandang mata natagalan anb pag titig ko sa labi nyang mapula nag angat sya ng tingin kaya iniiwas ko ang tingin ko. Napansin ko naman ang box na kinakain nya Cinnamon rolls.

"Mahilig ka sa Cinnamon rolls?" Tanong ko tumango lang sya

"Yan lang ang lunch mo?" Tanong ko ng napansin wala na syang idadagdag sa sasabihin

"Kumain ako kanina bago pumasok hindi ako gutom" sabe nya

"Si maicy mahilig mag bake sasabihan kong gawan ka nya nyan" sabe ko nagulat naman syang napaangat ng tingin sakin

"Nako hindi hindi na"

"Okay lang yon matutuwa pa yon pag sinabe ko"

"Bakit ba ang bait nyo sakin" tanong nya

"Bakit naman hindi?"

Matagal bago sya sumagot nakayuko lang na parang nag iisip

"Hindi ako sanay na may mga taong nagmamalasakit sakin" nakaramdam naman ako ng awa

"What do you mean?"

"Wala"

Hindi na sya ulit nagsalita mga ilang minuto ang lumipas na katahimikan lang

"Tikman mo" nagulat naman ako ng iabot nya sakin ang box

Kumuha ako ng isa kahit nahihiya ako pero baka kase hindi na maulit pag tinanggihan ko hindi ako mahilig dito

"Masarap" nakangiting sabe ko

Ngumiti lang sya para naman akong natulala sa pagka ganda ganda ng ngiti nya.

"Kahit saang bakeshop ito ang lagi kung hinahanap" sabe nya napangiti naman ako totoong masarap hindi ako mahilig dito pero parang gusto kupa hahaha

Parang tatak sa isip ko ang paborito nyang pagkain na nagugustuhan kuna din.

Tumila na ang ulan kaya nag lakad na kami papasok tinapon nya ang box sa basurahan

"Sandali" sabe ko at pumasok saglit sa canteen para bumili ng tubig

"Oh inumin mo" nakangiting sabe ko

"Salamat"

" Tara na"

Nakarating kami sa room ng wala pang lecturer halos lahat ay nakatingin samin ayon nanaman ang nanunuksong tingin ng tatli kung pinsan

"San kayo galing?" Tanong ni maicy ng naka ulo na kami hindi sya sakin nakatingin

"Sa tabi ng botanical" sagot nya

"Amoy Cinnamon"

"Ah kumakain ako kanina" sagot nya

"Talaga nag babake ako magdadala ako sa susunod" hindi kuna pala kailangan sabihin sakanya

"Mabuti yan maicy mabuti" natutuwang sabi ni terrence natawa naman ako sakanya

"Pero para samin dalawa lang yon" natatawang sabe nya

Tumingin naman ako kay Chandria napangiti sya natulala naman ang dalawa sa harap.

"Wag kanang mag bake kung ganon" nagmamaktol na sabe ni hubert

Nagtawanan lang kami ng dumating ang lecturer sa UTS subject namin

"Guys group yourself into 5 we have activity we to do research paper about Pobia by nextweek kailangan nyo na mag ready, ano bang gusto nyo ako ang pumili or by friends na lang?"

Nagtaas ng kamay si maicy

"Sir by friends nalang po para kumporteble"

"Oo nga sir ilang araw palang naman po hindi pa masyado magkakakilala ang iba" sagot ng iba naming kaklase

"Okay okay sa susunod random na para naman mas makilala nyo pa ang isat isa"

Natapos tatlong klase kaya naglilipit na kami ng gamit pauwi

"Sabay sabay na tayo sa parking lot" sabi ni maicy hindi naman sya nakatanggap ng sagot

"Chan sabay sabay na tayo ah" tinanguan lang sya nito

Lumabas na kami ng classroom nangunguna ang dalawang babae nakakatawa lang na nag mukhang maliit lalo si maicy dahil sa katabi nya

"Ow may friends na sya ngayon"

"Bago kase ang mga yan walang alam"

"Ang ggwapo ah"

Sabe ng mga studyante habang naglalakad kami papasok sa parking lot

"By thank you sa inyo" sabe ni Chandria

" Nasan ang kotse mo" tanong maicy

"Ayun" nginitian nya lang kami  tinignan na muna namin sya bago sumakay sa mga sasakyan namin

"Ang ganda ng sasakyan nya" sabi ni hubert

Bumusina na muna sya bago umalis

"Tara na" sabe ko sumakay na ako sa sasakyan hinantay na muna namin si maicy maka pasok sa village nila lolo bago kami nagmadling mag manaho pauwi.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon