Chapter 20

339 11 0
                                    

Chandria POV

Pinag buksan nya ako ng pinto ng makarating kami sa parking lot.

"Ang takaw mo pala" natatawang sabe nya pagka sakay

Ngumuso naman ako, napadami ang kain ko kanina masarap ang bawat pagkain na natikam ko.

"Wear your seatbelt"

hindi naman ako naka galaw agad kaya ganon nalang ang gulat ko ng sya ang magkabit nuon ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko. sa sobrang lapit naming dalawa nagkatitigan kami mas kumalabog ang dibdib ko ng bumaba ang tingin nya sa mga labi ko. Habang naka kunot ang nuo halos mapatid ang hininga ko ng maramdaman ko ang dampi ng labi nya sa sobrang bilis hindi ako naka galaw agad.

Bumalik sya sa ayos pagkatapos ng sandaling iyon. Naka tingin nako sa harap sa labas hindi ko alam kung anong meron kung anong nararamdaman ko. Hindi nya pinaandar ang sasakyan nanatili kami ng ilang minuto sa loob sa sobrang tahimik nakakabingi ni hindi ko magawang lumingon sa kahihiyan. Bakit hindi man lang ako nag protesta?

Malakas syang bumuntong hininga bago ako nilingon, hindi ko alam kung bakit ganon nalang kabilis nangilid ang luha ko sa paraan nya ng pag tingin.

"Alam kung hindi moko magugustuhan"

Malungkot na sabe nya yun lang ang sinabe nya saka malakas na bumuntong hininga pa ulit.

"Bakit mo ginawa yon?" Mahinang sabe ko

"I'm sorry"

hindi nako nag salita pa pinaandar nya na ang sasakyan walang nag salita samin dalawa hanggang nakabalik na kami sa school. nadatnan namin palabas ng parking lot ang tatlo. Bakas sa mga mata nila ang gulat ng makita akong bumaba sa sasakyan nya hindi kuna hinintay pa na pag buksan nya ako.

"Chan" Kunwaring natatawang sabi ni maicy

"San kayo galing?"

"Kumain lang"

"Date?" Nakangising tanong ni hubert naramdaman ko naman na papalapit na si jasiel

"Ah mauna nako salamat ingat kayo" hindi nako lumingon pa at sumakay agad sa sasakyan agad kung pinaharurut ang sasakyan ko. Tumigil ako sa stop light kumalabog nanaman ang dibdib ko ng maalala ang nangyare kanina. Para san yon?

May gusto ba sya sakin?

Naalala ko naman ang sinabe ng mommy nya na maaraing maumaling din sakin ang anak nya. No ayoko hindi pwede.

Lumipas ang sabado at linggo ng mabilis lang wala akong ibang ginawa kundi libangin ang sarili ko. Nag swimming tuwing pagkatapos ng review para sa prelims mag drawing at mag kalikot na iba't ibang bids.

Pinilit kong hindi alalaanin ang nangyare nung biyernes yun ang una kung halik nakakainis.

Nagdaan pa ang ilang araw at natapos ang exam halos lahat naman busy hindi rin ako kinukulit ni maicy at pabor sakin yon. Hindi sa iniiwasan ko sila isa lang naman ang iniiwasan ko pero dahil magpipinsan sila nadadamay sila.

"Mauna nako mag ingat kayo"

Biyernes ulit at makakahinga nanaman ako ng maluwag. Dahil sa tuwing alam kung nasa paligid sya at nararamdaman kung naka tingin sya para bang nahihirapan akong kumilos.

Pagdating ng bahay nadatnan ko si mommy na nag cocoffee lumapit ako at himalik sa pisngi nya.

"Chan aalis nga pala ako mamaya"

"San kayo pupunta ma"

"Ah e mag kikita kamini liesel anak birthday ni lorenso nung nakaraan hindi ako pumunta"

"Sige oh" walang ganang sabi ko at tatalikod na sana

"Ayos ka lang bakit ang tamlay mo?"

"Ayos lang ma"

Inubos ko lang ang oras ko sa kakahiga sa kama, pilit kong inaalala ang pakiramdam ng halik na yon pero naiinis ako dahil kung bakit ko ginagawa yon?

May gusto ba sya sakin?

Pero bakit sinabe nyang hindi ko sya magugustuhan?

Bakit ba tanong ako ng tanong sa sarili ko nakakainis.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon