Chapter 49

356 9 0
                                    

Chandria's POV

Pag baba pa lang ng sasakyan nag aabang na ang iba't ibang camerang hawak ng mga tao, kinakabahan ako.

"Be confident" naramdaman kung hawakan ni harry ang kamay kaya ngumiti ako.

Inalalayan niya ako pag labas pa lang, I wear red Long dress with slits flash ng camera ang bumungad samin pag dating ng entrance.

Sandali pakong pinupuri ng mga baklang photographers kaya hindi ko naman maiwasang matawa sakanila sinakyan pa ng patolang si Harry.

"Para tuloy ayaw na kitang ipakita sakanila, you're so beautiful" naka ngiting sabi nito.

"Ewan ko sayo" naupo kami sa kanan na table malapit sa Stage.

Ng tawagin ako sa Stage ni Mrs.Leviste ay medyo nahihiya pa ako lalo ng pag akyat ko ay nalingunan ko sa baba si Maicy,Hubert at Terrence na deretyong naka tingin saakin. Nag tama ang tingin namin ni terrence pero kunwaring inosente akong nag iwas ng tingin.

"Thank you for having me Mrs.Leviste" naka ngiting sabi ko

"You're such a brilliant designer abroad I bought your Moon necklace cleo the limited edition, muntik pakong maubusan" tuwang tuwang sabe nito.

"Thank you"

Moon necklace with Diamond and Amethyst stone inside, dito ako nakilala nuon limited stock lang nuon kaya talagang pinagkaguluan. I wonder kung nagawa ba ni Jep nuon yung Original sketch na pinasa ko?

Pababa na kami ng may humawak sa braso ko, hindi sa inaasahan ko.

"Chan" Inosente akong humarap ng naka ngiti sakniya.

"Yes?"kasabay nito ang pag angat ko ng tingin sa likod nila, Jasiel at Celine na deretyong naka tingin sakin bumaba ang tingin ko sa kamay ni Celine na naka angkla sa braso niya.

Same old shit tanga kapa din.

Sabe ko sa isip ko.

"We need to go" hinila ako ni Harry sa mga ito thank god.

"Chandria" Parang dinamba ang dibdib ko sa pag tawag ni Jasiel pinigilan ko si Harry sa paghila saken at hinarap ito.

"I don't know why you all calling me Chan or whatever, it's creepy na may bigla na lang yayakap at iiyak sa harap gamit ang ibang pangalan." Mariing sabe ko habang naka tingin sa mga mata niya, naramdam kong medyo lumapit si maicy samin.

"The Who are you?" Seryosong tanong nito habang nilalabanan ang mga tingin ko.

Ngumiti ako yung ngiting genuine kung titignan mo.

"Cleo Fortalejo" naka ngiting sabi ko.

"I'm sorry we need to go"  iniwan namin silang nakatulala duon.

Hinintay kupa si harry para kuhanin ang sasakyan sa labas.

Ang laki na ng pinag bago niya, nag matured na rin siya, yung kalabog ng puso ko bakit hanggang ngayon ganon padin?

Nilingon ko sila ng marinig ang boses ni Hubert papalapit agad na nag tana ang mga mata namin kaya nag kunwari akong ngumiti.

"Baby let's go" napa harap ako kay harry inalalayan niya akong makasakay.

Naka tingin lang ako sa bintana magdamag habang nag mamaneho siya, nilingon ko siya kuno't nuo lang siyang naka tingin sa kalsada.

"Harry" tawag ko dito

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero pilit pa rin siya ngumiti.

"You still love him" nagulat ako sa sinabe niya.

"No, hindi ko siya minahal" mariing sabe ko.

"The way you look at him hindi moko tinignan ng ganon kahit isang beses" hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa mga sinasabe niya.

"No" mariing sabe ko.

Hininto niya ang sasakyan at nilingon ako, pinunasan niya ang luha ko saka ako niyakap mas gugustuhin kong ikaw na lang yung mahalin kesa sakaniya sabe ko sa isip ko.

"Sorry" bulong niya pero hindi ako sumagot.

Nakarating kami sa Penthouse niya na walang kibuan dimmed na ang ilaw kaya malang ay tulong na sila Irene.

"You should rest early" lumapit ito saken at hinalikan ako sa nuo napa pikit naman ako, nakakainis yung Pakiramdam na mula nuon na ginagawa niya yon ay isang tao lang ang naaalala ko na madalas ginagawa sakin yun nuon.

Tulala akong nakahiga sa kama at hinayaan ang sariling dalawin ng antok.

Tanghali na akong nagising pag baba ng hagdan ay wala akong taong nakita pero may Note sa lamesa.

"Eat your breakfast may aasikasuhin lang kami ni ate text me if you want to go outside Ily- Harry"

Napangiti naman ako sa sulat sandali pa akong kumain at napay desisyunang pumunta sa mall hindi dito sa manila kundi sa lugar namin, gusto kung makuha yung skectpad na gawa nuon sa Karat world dahil halos lahat ng original design ko ay nanduon.

Malayo ang byahe mula manila to San Fernando buti nalnag traffic hindi ako masiyadong natagalan.

I wonder kung may makakakilala doto sakin pero sa dami ng tao palagay ko naman ay wala, papasok nako ng Karat ng maalala kung alam ba nila ang nangyari nuon nandun pa kaya yung mga kakilala ko?

"Good afternoon ma'am" baguhan ang empleyadong sumalubong saakin.

Ginala ko ang paningin ko sa buong store hanggang sa matigilan ako sa initial ng mga gawa nuon naka solo ito sa isang mala kristal na lalagyan.

"Ma'am po namin binebenta yan design lang po" naka ngiting sabi ng kaharap ko.

"Mahalaga po kase may ari ang disenyo na yan"

"Where's your manager?" Tanong ko.

"Paki tawag siya" Seryosong sabe ko

Umalis ito sa harap ko at pumasok sa loob, tinitigan ko ang desenyo ko its a simple necklace with Diamond around the fullmoon. Gusto kung matuwa dahil ginawa ni jep na mamahalin ang gawa ko.

"Yes ma'amm" natigilan ito sa pagsasalita ng makita ako na para bang naka kita ng multo.

"Oh jusqqqq" sapo nito ang nuo

"Chandria" tawag nito sakin hindi ko nagawang ngumiti sakaniya bagkos ay nilapitan ko ang gawa ko nuon.

"Sir" napalingon ako sa tinawag nito nagugulat akong tumingin dito na seryong naka tingin saakin.

"Looking for your Original design?" Tumaas ang kilay nito.

Hindi ako sumagot at hinarap si jep

"I will buy this" turo ko sa ibang alahas na hindi ko malaman kung bakit ko kukuhanin.

"It will fit to my husband maganda siya" naka ngiting sabe ko sa krus necklace na panglalaki.

Nakatulala lang saakin ang dalawang empleyado habang Seryosong nakatingin sakin ang isang to.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon