Chapter 43

323 9 0
                                    

Jasiel's POV

"Happy birthday tita"bati namin pag dating sa bahay ng mama ni chan

Nakangiti niya kaming sinalubong at niyakap isa isa pero sakin ata ang pinaka matagal.

"Happy birthday po"bulong ko naramdaman ko naman ang kaba niya

Ng lingunin ko ay nakita kong nag pahid siya ng luha.

"Nakakaiyak po ba?" Maloko sabi ni Hubert dahilan para bahagya itong matawa

"Kayong mga bata kayo, halika kayo sa kusina" sabi nito at nanguna na nakita kupang nag pahid siya ng luha habang naka talikod na nag lalakad, ngumiti lang sakin si terrence at sabay sabay na kaming sumunod.

"Na miss ko Bicol express mo tita tsaka tong Kare kare" sabi ni maicy habang kumakain at hindi alam ang dadamputin, tahimik naman akong nakikitawa lang din sakanila.

"Lahat yan laborito ng anak ko" naka ngiting sabi nito

Unti unti natatanggap na niyang wala na si chan, madalas ay umiiyak padin pero hindi na tulad nuon. Masasabi kong mas maayos na.

"Ayy nako chan iuuwi ko nalang ang mommy mo ah ng tumaba naman ako" biro pa ulit nito

"Nako walang pakelam sa mundo ang batang yon, kaya nga nuon mag isa e" natatawang sabi ni tita

Wala naman taong kayang mapag isa sa buhay.

"Sa Cinnamon rolls mahilig din siya yon ang lagi niyang request sakin" naka ngiting sabi ko

"Sobrang hilig, pag dadaan kami sa bakeshop sa kahit saan yun ang laging binilini niya"

"Pero mas mahal niya sa lahat ang jewelry's alam niyo ba yon?" May pag mamalaking sabi niya

"Nabanggit niya sakin minsan" si maicy

"Nasakin yung huling dinisento na sana ay ipapagawa niyang necklace I bought it sa Karat world" napansin ko biglang nag seryoso ang lahat

"Alin don?" Seryosong tanong ni tota xandra

"The moon necklace with diamond and amethyst"

Naramdaman kong napatitig ito sakin ng mag angat ako ng tingin naka titig silang lahat.

"Ibibigay ko lang yon pag bumalik siya" saka ko narealize kung anong nasabi ko sinipa ako ni terrence sa ilalim ng lamesa "ang ibig kung sabihin binili ko yon para sakaniya" bawi ko

Pero naging seryoso na si tita pero minsan ay nakikitawa padin.

"Babalik kayo dito ah mag isa lang ako dito" sabi niya pag kahatid niya samin sa gate.

"Salamat po ang Happy birthday ulit" sabi ko at hinalikan siya sa pingi ginulo niya naman ang buhok ko at maganda ang pagkakangiti.

"Ay nako bakit kaya hindi ka nagustuhan ng anak ko?" Biro niya sumama naman ang mukha ko kaya lalao siyang natawa.

"Tuod ata yung anak mo walang pakiramdam" inis kunwaring sabi ko tsaka kami nag tawanan.

Sabay sabay kaming sumakay sa sasakyan namin pauwi.

BAHAY

"Mag ingat ka nga sa mga sinasabe mo" bulong sakin ni terrence habang kumukha akong tubig sa kusina, napa buntong hininga naman ako.

"Bumalik tayong Baguio" sabi ko

At ginawa nga namin pag dating ng weekend pumunta kami don nag babakasakali nag tatanong tanong.

Paulit ulit lang halos napuntahan na namin ang buong baguio pero walang chandria kaming nabalitaan oh nakita.

Dumaan ang isang taon

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

At anim, sa puntong to nawawalan na kaming pag asa minsan ako nalang ang nakakapunta dahil pareho na kaming May trabaho ni terrence.

Gradute na kaming lahat si Maicy tapos na sa Culinary at may sarili ng Restaurant si Hubert nasa ibang bansa na don naka base ngayon dahil sa trabaho si Terrence nag tapos ng Business at ako natapos kuna ang ang Engineering.

Lahat kami successful sa kaniya kaniyang Career, nakikita ko naman na masaya na sila pero bakit ako pakiramdam ko maraming kulang?

Sinubukan bumalik ni celine sakin pero paulit ulit ko lang siyang tinataboy, I mean I'm not capable loving someone again may kaunting pag asa sakin na nag hihintay parin na balang araw may mahahanap kami oh mag papakita siya pero Its been fucking Six years wala padin.

May mga times na para kong tanga na nag aalay ng bulaklak sa pinang yarian ng gabing yon at magagalit sa sarili ko kung bakit ginagawa yon dahil umaasa padin ako sa kaunting pag asa na baka buhay siya, na baka galit lang siya sakin kaya ayaw niya mag pakita oh talaga bang wala na siya.

Habang buhay kuna atang hahanapin ang babaeng yon hanggang sa mapagod ako.

"Si celine ayaw mo parin ba?" Minsan ay tanong ni mommy hindi ako sumagot.

"You already 26 turning 27 kana niyan kaedad mo ang papa mo nuon ng pinag buntis kita"

"Wala parin ba?" patuloy niya

"Mommy I'm still waiting" malungkot siyang tumingin sakin

"We don't sure kung buhay paba siya ayokong makulong ka sa pag asang yan alam kong naguguilty ka pero ilang taon kana nag dusa"

"Hahanapin ko siya hanggang sa mapagod ako hanggang sa magpakita siya ulit, kahit sandali lang kahit hindi niya na ako kilala or kahit may ibang buhay na siya" sabi ko

"I can't forget her, parang pinarealize sakin ng mundo na hindi lahat ng akala ko ay mahal ko e mahal ko talaga. She's my one great love mommy but I lost her"

Nasundan pa ng maraming pag uusap namin ni mommy gusto niya na daw mg apo kaya madalas tinatawanan ko, para naman daw may apo na sila ni tita xandra.

Nasaan kana?
Nasa mabuti kabang kalagayan? Naalala moba ang ating pinag samahan?
Pinangakong hindi ka iiwan sa pangarap ikaw ang kasama

Hanggang mamatay iibigan hanggang makapiling ka~

Masaya na sana ang event kungbakit ba kasi may gantong kanta pa, parang bag patama saakin.

"Engineer De silva" si Mr. Leviste

"Good evening sir" bati ko dito

"My wife's jewelry's collection would Open nextweek she want me to invite you"

"I'm not sure if I can go" sabi ko

"Its okay if your busy she'll understand" sabi nito at bumalik na sa lamesa nila

Kung kani kanino pakong matataas ding tao nakipag usap at nakipag deal bago umuwi.

"Jasiel" nilingon ko si Jillian

"Yes?" Anak ng may ari ng isang tower sa makati na ako mismo ang gumawa.

"Uuwi kana?" Tano niya

"Yes"

Nag paaalam lang ako saglit at lumabas na I know girls too well kapag may gusto sakin nakikita ko agad sa action at mga mata nila, pero bakit si chan unpredictable?

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon