Chapter 32

304 6 0
                                    

Chandria's POV

Natapos ang pang hapong klase sobrang tahimik, bumalik sila na wala man lang akong narinig na kahit ano. Kahit si maicy ay tiklop ngayong araw.

Bumuntong hininga ako saka ko inayos ang gamit ko hindi ako nagpaalam na aalis na, hindi ko naman ugaling kumuha ng atensyon ng iba kung ayaw naman talagang mag salita, ramdam ko namang kasunod ko sila malapit nako sa parking lot mula sa pulang sasakyan bumama si Celine, tinotoo niya ang sinabe niyang maghihintay siya saka siya lumapit sa apat na nasa likod ko.

May dumaang sakit saken sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mataman siyang nag lakad saka ako nilagpasan. Bat paba ako mag tataka wala naman siyang alam sa presensya ko. Sumakay ako sa sasakyan ko at agad kung minaniobra to palayo. Mula sa side mirror kitang kita ko ang patakbong yakap ni celine sakaniya habang sa sasakyan kung palayo ang paningin niya namuo ang luha ko pero agad ko ding pinigilan.

Kahit magkamatayan ata hindi ko aaminin ang nararamdaman ko.

Dumaan ang mga araw si terrence lang ang madalas na makasabay ko siya lang din ang lapit na lapit saakin. Gusto kung manibago kay maicy pero hindi ko nalang din pinansin. Tuwing mag bbreak time umaalis si hubert at jasiel kasama si maicy si terrence lang ang hindi sumama sakanila minsan kong inisip na baka naaawa lang siya sakin dahil wala na akong kasama.

Hindi na kami nag usap ni jasiel mula ning araw na yon, hindi na rin siya nag text oh tumawag gaya ng ginagawa niya ng mga nakakaraan. Tuwing mag sasalubong ang tingin namin pareho kaming umiiwas. Bumalik na yung mahal niya bakit paba ko mag tataka?

"Chan" tawag ni terrence sabay abot sakin ng isang box

"Ano to?" Takang tanong ko

"Cinnamon rolls, galing kase akong vista nadaan ko naalala lang kita"

"Salamat" nakangiting sabi ko saka ko tinanggap matagal pa kaming naka tayo bago ako mag paalam.

"Una nako" sabi ko

"Mag ingat ka" nakangiting sabi niya kinawayan ko naman siya habang bnakatalikod. Mula sa pwesto ko kitang kita kong bumama sa pulang kotse si celine She's here again.

Dumeretyo lang ako sa sasakyan ko at umuwi ng walang ano ano. Mula sa kalsada ang daming tumatakbo sa isip ko bakit sa isang iglap naging ganito? Pero naisip ko baka namimiss ko lang kung paano nila akong tinrato nuong una kung paanong pinapanabikan akong makasama ni maicy tuwing makikita ako, pero agad ko ding inalis ang ganoong pag iisip.

"Birthday ni jasiel nung Friday bakit hindi ka pumunta?" Takang tanong ni terrence habang naka sakay kaming sasakyan niya nag aya siyang samahan ko siyang bilhin ang librong gusto niya.

"Hindi ko alam" totoong hindi ko alam na friday ang birthday niya, hindi narin naman niya nabanggit yon sakin.

Nag uusap kami ng casual nalang wala na yung mga dating ginagawa niya. Palagi narin siyang wala umaalis. Nuong unang mga araw parang hindi pa ako sanay nuon pero ngayon parang wala nalang din sakin.

Nilingon ako ni terrence isang nagtatakang tanong ang ipinukol niya.

"Do you miss him?" Bigla ay tanong niya

"Who?" Walang ganang sabi ko

"Jasiel"

"No"

"Strong girl"

Umirap lang ako at sa bintana na tumingin, hanggang sa makarating kami sa vista pumasok kami sa isang National bookstore para hanapin ang bibilhin niyang libro. Hindi ako makapaniwalang mahilig pala siya sa Romance kinuha ko ang ibang libro ni Nicola's spark The longest ride, Safe haven at The choice, binabasa kupa ang likod nito ganuon din ang ginagawa ni terrence na katabi ko, masaya pala ang ganito.

Redeem by Love (Kara Sevda series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon