Chapter 7

23 4 0
                                    

Kinabukasan 5:30 am na ako nagising dahil pagkauwi namin kagabi hindi agad ako nakatulog at inoobserbahan ko pa ang aking kapatid kung sasakit pa ba ang kaniyang tiyan.Kaya binilisan ko na lamang ang aking pag aasikaso upang hindi ako mahuli sa klase.



Ganoon pa rin ang aming naging routine ni easton, ihahatid niya ako sa MNHS.




"How's your sleep?" singit ni easton sa aming katahimikan, kaya't napatingin ako sakaniya.



"It's fine" tipid akong ngumiti at bumalik ang mga mata ko kung saan ito nakatingin kanina. Mukhang madalas niya na akong kinakausap ngayon ha?




"You have a practice later, right?" tanong niya uli, hindi na ako lumingon sakaniya at tumango na lamang ako.



"Hindi nga pala kita masusundo mamaya dahil may gagawin akong project" pagpapaalam niya kaya lumingon ako uli sakaniya.



"Hindi mo naman kailangan mag paalam, it's okay"




6:55 kami nakarating sa campus, mukhang makikipag unahan ako sa aming teacher ngayon, at salamat dahil sumangayon naman sa'kin ang oras, naunahan ko ang aming teacher ngunit halos magkasunod lamang kami.




Pagkaupo ko sa aking puwesto ay agad nagsimula ang klase, kaya hindi na ako dinaldal ni gwy, mabuti naman.



Natapos ang buong klase ngunit ako'y tulala pa rin sa aking kinauupuan. Naalala ko kasing may utang pa nga pala ako kay ken at ngayon naman ay nag announce ang mga guro para sa mga project. Kailangan ko na talagang makahanap ng pagkakakitaan.




"Hoy max! bakit ka tulala? Wag mo isipin 'yon hindi ka mahal n'yon" pang aasar ni gwy.



"Gaga! nag iisip ako kung saan makaka kita ng pera"


"I think in...... BDO" pagbibiro niya ngunit seryoso ang mukha.


"Edi wow! magpractice na nga tayo asan na yung iba?"


"Ahm.. umuwi muna 'yung iba dahil kukunin 'yung speaker at
'yung susuutin natin" sagot ni kendric.



"Ahh edi mauna na tayo sa court?" patanong ko iyong sinabi.



Tatlo lamang kami nila gwy at kendric papuntang court,gusto ko nang tapusin ang aming sasayawin para makahanap ako ng pagkakakitaan.



Nakarating na kami sa court sa labas ng campus ngunit wala pa rin sila eva. Habang nag aantay kami bigla na lamang kumanta si dric , nagustuhan ko ang kaniyang kinakanta kaya sinabayan ko siya at ikinagulat niya iyon kaya huminto siya sa pagkanta at ngumiti sa akin.




"Sorry, bored na rin kase ako kaya sinabayan kita" i explained.



"No, it's okay, ang ganda nga ng boses mo e, puwede siya pang vocalist. Baka gusto mo sumali sa banda namin?" he smirked.

Bigla akong napaisip sa sinabi niya dahil naalala ko na kailangan ko ng raket para magka pera.




"Ahm....... may bayad ba mga tinutugtugan niyo?" i'm ashamed of that question dahil baka kung anong isipin niya, kailangan ko lang talaga ng pera.



"Yes, usually sa bar kami tumutugtog,malaki kase ang bayad duon" he explained.
"After nga pala natin mag practice dito may practice rin yung banda. Ano? g ka?" he added.



"sige" i nodded.



Pumayag na ako dahil kailangan ko na talaga ng pera. Mabuti na lamang walang magsusundo sa akin ngayon kaya i can go wherever i want.



Pagkatapos ng pag uusap namin ni kendric dumating na sila eva at sinimulan na namin ang pag practice, tinuro ko na sakanila ang magiging blockings at kung paano sila magkakaroon ng partner.




Mas maaga kaming natapos mag practice ngayon dahil madali na nila makukuha ang  mga steps na ipinapagawa ko. Pagkatapos namin mag practice pupunta naman kami ni dric kung saan sila nag papractice ng iba niya pang ka banda, Pag dumating na kami duon saka ko na lamang itetext si mama na rumaket ako ngayon.




"Guys! This is Maximus my classmate and our new vocalist" kendric introduced me.


"You can call me max" i added and smile at them.



"And max, This is carla sa piano, and the twin jayson and jaxon sa guitara and of course cj sa drums" he taught it one by one and they all smiled at me and nodded.



"e ikaw?" tanong ko kay dric.

"we're both vocalist" he smirked.



Natapos kami ng 10 o'clock sa pag practice,dahil pagod at gutom naisipan nila na kumain sa 711 kaya sumama na lang din ako dahil gutom na rin naman ako. Nag noodles lamang ako dahil wala naman dito si ken para ilibre ako.



Habang kumakain kami ang kuk'wentuhan tinititigan ko yung kambal, because they're look familiar,parang ilang beses ko na sila nakita.




"You two look familiar" I point to both of them, nasa table kami na pang anim na tao.
"Parang nakita ko na kayo somewhere" i added.


"Nag aaral kami sa SEU sa tapat ng school niyo ni kendric" sabi nung jaxon.


"Yea!yea! right.... kaibigan niyo si easton?" gulat na tanong ko.


"Yea you know him?" Jayson asked.



"Yes, ahm.... duon ako nakatira sakanila dahil pinag aaral ako ng parents niya" hindi na ako mas'yado nag paliwanag. Good thing hindi na rin sila nag tanong pa. Sabi ko na nga ba sila yung laging kasama ni easton e.




10:30 pm na kami natapos kumain
,nauna na akong umalis sakanila dahil mag jejeep pa ako pauwi, nag suggest si dric na ihatid ako ngunit tinanggihan ko dahil kaya ko naman mag isa.



Sa sobrang dami ng pasahero matagal bago ako naka sakay, nakipag siksikan muna ako kaya naka uwi ako 11 pm na.






Nasa tapat na ako ng bahay nila easton, bukas ang ilaw sa garage nila pero sa loob ng bahay ay patay na ang ilaw. Naisip ko bigla na wala nga pala akong susi ng pinto nila. Napasapo ako sa aking nuo.Sana lang iniwan ni mama na bukas ang pinto.



Nang akma ko ng hahawakan ang door knob ng living room nila, bigla itong bumukas.



"Ay gi atay" nagulat ako sa kaharap ko na lalaki. Hindi ko siya makita dahil madilim sa loob kaya't inilawan ko siya ng brightness ng aking cellphone.



"What time is it?" bungad nito sa'kin.



"easton? bakit gising ka pa?" pagtataka ko.



"ate loui, said,that you not come home yet" he said calmly and serious.



"So what?" lalo lamang akong nagtaka.



"So what? Ako lang naman po ang nagsasara ng pinto ng bahay na'to.So what? sana pala sinarahan nalang kita ng pinto at hinayaan na matulog sa labas" madiin niyang sabi.



"S-Sorry ,because i didn't know you were the one who will closed the door here" nakayuko na sabi ko sakaniya dahil sa kahihiyan.
"Pagkatapos kase namin mag prac-"


"I don't need your explanation just go to your room and rest" seryoso pa rin ang kaniyang mukha, kaya tumango na lamang ako at pumunta na sa kwarto.




******************
This story is unedited,please be patient with the typographical errors and wrong grammars/spellings.

Thankyou to all supportive readers. I know you won't like my story too much but i promise that i will do my very best:) thankyou mwi Godbless!!!!











MY SECRET LOVEWhere stories live. Discover now