Tumuloy pa rin ako sa Cafe kahit na wala ako sa sarili, hindi ko alam kung ilang beses na'ko nasita ng mga ka-trabaho ko dahil kung ano-ano na ang pinag gaga-gawa ko. Hindi ako tumitigil sa pag-iisip kung bakit ako sinusundan kanina ni Jaxon at ang pinaka hindi ko maintindihan, bakit gano'n 'yung pakiramdam.
"You can go home now, if you can't really concentrate on your work" mahinahong sabi sa'kin ni Tita Sherly, habang nasa loob kami ng kitchen.Si tita Sherly ang auntie ni gwy, tinatawag ko na siyang tita dahil 'yun ang sabi niya.
"Sorry po talaga tita ha,may nangyari lang po kase talaga kanina na hindi maganda... Promise hindi na po mauulit 'to" i smiled bitterly.
"Ayaw mo namang sabihin kung anong nangyari kaya hindi na kita pipilitin. Sige na magpahinga ka na, bukas na uli ang trabaho mo" tipid lamang itong ngumiti 'tsaka bumalik sa ginagawa nila.
Inayos ko na ang gamit ko at handa na akong umalis sa cafe, naka yuko ako habang palabas ng cafe. Nahihiya kase ako sa kagagahan ko ngayong araw. Nang bubuksan ko na ang glassdoor ng cafe, may nauna nang nag bukas nito kaya't inangat ko na ang aking tingin at ikinagulat ko ang aking nakita.
Mga twenty seconds pa kaming nag titig-an at hindi ko alam ang gagawin ko, tumingin ako sa mga kasama nito na mas lalo kong ikina-bigla.
Halos hindi maka-tingin sa'kin ngayon ang isa sakanila na sumusunod sa'kin kanina. Si Jaxon na kasama si... Easton at 'yung isa pa nilang kasama ay hindi ko na kilala.
Nang tuluyan na silang pumasok sa cafe ay nilagpasan ko nalang sila at tuluyan ng lumabas. Hindi ko alam kung bakit ang gulo-gulo ng isip ko ngayon, masiyado ng nakaka-baliw. 'Stop it Maximus, it's not healthy'
"Hey!" narinig kong pagtawag ni Easton, hindi ko ito pinansin at mas binilisan ko lang ang aking lakad. "HEEEY!!!" nagulat ako ng may humawak sa pala-pulsuhan ko. Shit! naabutan niya pa talaga ako, ang bilis naman nitong mag lakad.
"What?!?!!" iritang banggit ko na pilit inaalis ang kamay ko sa pag kaka-hawak niya, ngunit hindi ko ito matanggal dahil ang higpit ng kapit nito.
"Hindi mo man lang ba ako kakausapin?" its a cold and serious question.
"And for what? you know? we have nothing to talk about...At bakit ko kakausapin ang isang..." seryoso at malamig pa rin ang kaniyang mukha at halatang nag hi-hintay talaga siya ng sunod kong sasabihin. "Nevermind. Just...let me go"
"Ang isang?.....G'wapong katulad ko?" seryosong tanong nito at gusto kong matawa, ang lakas din naman pala ng hangin ng isang 'to e!
"Lakas ng hangin mo dude! Pag hindi mo pa ako pinakawalan su-suntukin ko 'yang ano mo!" Malakas itong natawa sa sinabi ko tumaas naman ang balahibo ko ng ma-realize kung anong kagagahan nanaman ang sinabi ko.
I used his laughter as an opportunity to get my hand on his grip. Med'yo lumuwag kase ang pagkaka hawak nito habang tumatawa siya. I rolled my eyes before i left him, mabuti at hindi na niya ako hinabol pang muli.
Agad naman akong naka-uwi sa bahay nila gwy, hindi masiyadong maganda ang pakiramdam ko, dahil masiyadong maraming nangyari ngayong araw at dumagdag pa sa isipin si Easton at Jaxon. Ano bang kailangan nila?
**********
KEN'S POVNauubos na ang utak ko sa ka co-compute sa calculus ko,hindi ko na alam kung pa'no ma-compute 'yung surface area para ma-determine tong frictional forces na'to. Bakit ba kase engineering ang gusto ko e!
Hindi na rin ako nakakapag mobile legend dahil sa pag aaral ko e. Kailangan ko ng mag desisyon,kailangan ko ng tumigil.... sa pag-aaral. Charot lang! baka pag pulutin nalang ako ni mama at papa ng kalakal.
YOU ARE READING
MY SECRET LOVE
RomanceThis story is all about a woman with a broken family, named Maximus Caledonia Vasquez and in her early teens she had many problems and as she faced it there are two men who loved her secretly. The question is who can be HER FOREVER.