Pagdating namin sa mall na pagbibilhan namin ng damit ay ayos na si easton. Ngumingiti na siya ay bumabalik na rin ang pagkamadaldal niya. Para sakin, ngayon ay mas mabuti na masaya siya kaysa sa tahimik.
Marami kaming boutique na dinaanan sa mall ngunit wala duon ang hinahanap ni easton para sa'min. Ewan ko ba kung anong style 'yung tinutukoy niya na hindi niya masabi. Dahil siya ang nagpapaliwanag sa mga sales lady, kahit hinuhulaan na ng mga ito ang sinasabi niya, hindi yata tumatama. Ano bang alam niya sa damit ng mga babae? dahil kahit ako hindi ko siya maintindihan.
Nakarating na kami sa dulo ng mall kung nasaan ang ibang mga boutique at duon lamang nasiyahan si easton dahil duon niya nakita ang kanina niya pa sinasabi sa ibang sales lady.
"This!!! Crinkly Green Maxi! Sobrang hirap mong hanapin" He laughed as he hold the dress.
Dress lang lala iyon na pa flow 'yung style. Ano? iyon ang susuutin namin?Maganda naman 'yon pero sigurado akong hindi bagay sa'kin iyon. Kay mama sigurado ako bagay sakan'ya 'yun.
Sa mga dinaanan naming boutique may ganoon din naman pero bakit hindi niya nagustuhan? Maarte pa pala 'to kaysa sakin.
"Kanino 'yan?" pangiwi kong tanong.
"Kay ate loui, i'm pretty sure bagay 'to sakaniya and hopefully magustuhan niya. Hanap pa tayo ng iyo" he smirked. Atsaka kami pumunta pa sa ibang part ng boutique, Alam niya agad na bagay 'yun kay mama ha? Ano siya anak?
Bata pa si mama kahit forty years old na siya ay maganda pa rin ang kan'yang pangagatawan kaya't madaling makita kung ano ang babagay sakaniya.
Madami na kaming nadaanan na mga damit lahat 'yun nagustuhan ko kaya hindi ko alam kung anong mayroon sa hinahanap ni easton ngayon para sa'kin.
"Gotcha" turo niya sa dress na nadaanan namin.
"Striped Chiffon,Sukat mo'to" kinuha niya iyon at ibinigay agad sa'kin, 'di manlang ako tinanong kung gusto ko ba 'to hmp! Agad akong pumunta sa fitting room para sukatin iyon.
Nang naisuot ko na iyon ay nakita ko sa salamin na sakto lang sakin at bagay nga ito. Magaling pala siya pumili ng mga damit. Siguro may tinatago 'to na hindi maamoy.Sayang ang mukha pag nagkataon.
Lumabas ako sa fitting room para ipakita sakan'ya iyon. Paglabas ko ay nakita ko s'yang tumitingin sa ibang mga damit. Kaya't tinawag ko nalang siya.
"Hey! easton. look?" Paglingon niya'y natulala siya ng bahagya sa'king kasuotan, ngunit nang tumingin na siya sa aking paanan ay natawa ito.
"What?" pagtataka ko dahil baka napangitan siya, baka hindi naman talaga bagay sa'kin at nag aassume lang ako.
"It's...... beautiful" he smirked. "But.... hindi bagay sa rubber shoes" he added.
Alam ko naman 'yon. I rolled my eyes at him. Lagpas tuhod ko 'yung black striped na dress pero ang doble nito sa loob ay hanggang legs ko lamang.
Bumalik na lang ako ng fitting room upang magpalit na. Paglabas ko ay binayaran agad ni easton ang mga binili namin. Pagtapos niyang magbayad, nauna na siyang maglakad sa'kin papuntang bilihan naman ng mga sapatos at sandalyas. Hindi na siya masiyadong madaldal pero ayos lang dahil baka pagod na din siya dahil sa kakalakad namin.
"It's your turn,ikaw naman ang pumili para sa inyo" masaya niyang sabi sa'kin.
"Okay" i nodded.
YOU ARE READING
MY SECRET LOVE
RomanceThis story is all about a woman with a broken family, named Maximus Caledonia Vasquez and in her early teens she had many problems and as she faced it there are two men who loved her secretly. The question is who can be HER FOREVER.