MAX's POV
Hanggang biyahe bugbug na'ko kay gwy dahil sa kaharutan niya, hindi siya makapag move-on sa nag padala sa'kin ng bulaklak,kahit ako hindi ko alam kung sinong nagpadala nuon dahil hindi naman mukhang pangalan niya ang nakalagay duon pero may nabubuong idea sa utak ko kung kanino iyon.
Iniwan ko lang sa bahay nila gwy ang bouquet na ibinigay sa'kin dahil hindi ko naman alam kung kanino galing iyon. At kung sino man siya hindi ako interesado, ayaw ko itapon dahil sayang naman ang bulaklak at mukhang mahal.
Maaga kami ni gwy nakarating sa school kahit na late na'ko nagising. Pagpasok namin sa room, ang ingay rito at ang daming nag ku-kumpulan sa upuan namin sa likod.
Alam kong maingay talaga mga classmate ko pero mas maingay yata ngayon. Ano nanaman kayang mayro'n?
"Oy ba't ang ingay niyo?" sigaw ni gwy pag pasok namin.
"Hala and'yan na si Max" bulungan ng mga classmate ko na parang kinikilig na ewan.
"Max! Max! Halika rito daliiii!"
Paghila sa'kin ni eva papuntang upuan ko at may isang bouquet nanaman ng rosas duon, kinuha ko ito at tiningnan ang card kung kanino nanaman galing,pero parehas lang ang nakalagay duon.
Tiningnan ko lahat ng aking classmate at inaantay lang din nila ang magiging reaction ko.
"Sinong unang pumasok dito?" inis na tanong ko.
"Ako!" sagot ni rysa. "bakit?"
"Nakita mo kung sino nag lagay nito rito?" taas kilay ko itong tinanong.
Ilang segundo bago ito sumagot dahil mukhang nag isip pa siya.
"H-hindi"Kung sino ka mang silangan ka,bakit parang alam mo ang mga galaw ko at alam mo kung saan ako pupunta. Hindi kaya?!!?
Tumingin ako sa mga paligid kung tama nga ang iniisip ko at nakita kong may lalaking sumisilip sa pinto ng room namin na naka hoodie na black at i'm sure na hindi iyon estudyante rito.
Binitawan ko ang bouquet at agad na tumakbo para puntahan ang lalaki, na ikinagulat naman nila Gwy. Nang naamoy ng lalaki kung anong gagawin ko ay tumakbo na rin ito at bumaba ng hagdan.
Sa sobrang inis ko ay mas binilisan ko ang aking takbo at wala ng pake kung may nababangga akong ibang estudyante.
Hinablot ko ang hoodie nito at malakas na idinikit ko siya sa malapit na pader at inipit ko ang leeg nito gamit ang aking kanang braso. Nang nakita kong hindi ito si Jaxon at kung hindi ako nagkakamali ito 'yung kasama ni Easton at Jaxon sa Cafe.
"Ano ang kailangan niyo!!!!? bakit niyo ako sinusundan?" inis kong tanong na mas diniinan ang pagkaka ipit sakaniya. "Pag hindi ka sumagot babayagan kita"
Mas nag pumiglas lamang ito at hindi nagsasalita kaya't hindi ko napigilan at binayagan ko nga ito.
"Aaaaah!!! tama na"
"Sagooot!!!!"
Binitawan ko lamang ito ng sumipol na ang mga guard ng school at hindi ko napansin na marami na palang estudyante ang nag kukumpulan sa'min.
Pagka bitaw ko rito ay agad itong tumakbo palabas ng paika-ika.
"Bullshit!" bulong ko ng hindi ko na ito p'wede pang habulin.
******
JAXON's POV"Boss alam niya ng sinusundan natin siya,naabutan niya ako at pinipilit na umamin, sinipa pa nga yung ano ko e! Ang tapang pala ng babae na 'yon"
Hingal na paliwanag nito ng nakasakay na siya sa'king sasakyan. Hininto ko lang kase siya sa labas ng MNHS . Gusto kong matawa sa narinig. Grabe talaga si Maximus. Ibang klase.
"Oh nagsalita ka ba?" mahinahong tanong ko.
"Hindi boss,muntikan lang, mabuti nalang at dumating na 'yung mga guard" hingal pa rin na paliwanag nito.
"Mabuti,pero tingin ko'y lagot pa rin tayo kay Easton pag nalaman niya 'to! Hindi ka nag iingat"
******
GWYNETH's POV
"Ba't naman kase bigla bigla kang nanghahabol Max tapos sinaktan mo pa, ayan tuloy kung kailan ka ga-graduate 'tsaka ka pa na guidance"
Sermon ko rito na parang wala lang sakaniya ang nangyari. Nanatili siyang busangot at hindi ako pinapansin.
"Hay nako Max! nasosobrahan ka na yata sa tapang ha! Mamaya pati ako bigla mo na lang rin sapakin at-"
"Shut the fuck up!!" sigaw nito sa'kin na ikinagulat ko,dahil akala ko'y magkaka totoo na rin anh sinasabi ko kanina.
Nanahimik na lang ako habang nag bi-breaktime kami dahil baka masapak niya nga ako. Paano ba naman kase may nag padala lang sakaniyang bulaklak kanina sa bahay at sa room na'min. Hindi man lang kinilig tapos nang bugbog pa. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to, weirdo....
Hanggang uwian pinilit kong manahimik muna dahil mukhang ayaw niya talaga ng kausap. Then i will gave it to her.
Pag uwi namin ay nagulat akong na'ndito na ang sasakyan nila Mommy at Daddy sa garage, mukhang maaga silang umuwi, ano kayang mayro'n?
Pagbaba namin ay nakabusangot pa rin si Max. Ano kayang iniisip nito ngayon? Puro nalang ako tanong, 'diko naman alam sagot.
Nauna akong pumasok sa bahay at naabutan ko sila Mommy sa living room na may kausap, mukhang ka sosyo nila.
"Oh... you're here na anak!" gulat na sabi ni mommy before she kissed me on my cheek.
Hindi ba niya inaasahang darating ako? "Where's Max?" hindi pa'ko nakaka moved on sa reaction niya kanina, ngayon naman si Max ang hinahanap.
"Ow hija... We have something to say that you need to know and you will definitely be glad to this"
Nilagpasan ako ni Mommy ng nakita niya si Max. Habang si Max ay seryoso pa rin at mukhang wala talaga sa sarili niya.
******
MAX's POV
Nagulat ako sa salubong ng Mommy ni gwy, wala pa'ko sa sarili ko kanina, sobrang gulo ngayon ng utak ko.
First time kong ma-guidance at ng dahil lang sa mga bweset na sunod ng sunod sa'kin. Pag nakilala ko talaga kayo lalo na ang master mind nito. Uubusin ko lahi niyo.
"When the product of BW Company becomes more famous because of your good modeling, hindi ka na namin papalitan, depende na lang kung ikaw mismo ang aalis. Don't you worry kami na ang bahala sa lahat ng gastusin, from make up to outfit and if you are still studying and you can insert your time to model, kami na rin ang bahala sa pag aaral mo sa kolehiyo and i heard from MR. AND MRS. Caroline, that you don't have your own house here, i suggest na bigyan ka nila ng condo na mas malapit sa school na papasukan mo sa college at the same time malapit sa BWC"
Tulala lang ako at hindi nag si-sink in sa utak ko ang mga sinasabi nila. Tumatango-tango na lang ako. Itatanong ko nalang kay gwy mamaya kung anong sinabi nila.
Katabi ko naman si Gwy at kita kong masaya siya sa mga narinig niya . Hayst! ano bang nangyayari? Sasampalin ko na talaga sarili ko,pag 'di pa'ko bumalik sa wisyo ko.
"Pa'no, alis na'ko Mr and Mrs. Caroline, Thank you so much din miss Vasquez" pag papaalam ni Mr. Santos na ka sosyo nila tita. Nginitian ko ito at nag pasalamat din.
Pumunta na kami ni Gwy sa k'warto niya at nag ayos na. Habang nagpapalit kami ng damit ay tili ng tili si gwy na talagang excited siya sa narinig kanina. Habang ako walang alam kung ano ba 'yun. Ang alam ko lang, tungkol sa model 'yun na papasukan ko.
***********
This story is unedited, so please be patient with the typographical errors and wrong grammar or spelling.Thank you so much to all readers... i love you all!! stay safe mga mahalll!🥳❤
YOU ARE READING
MY SECRET LOVE
RomanceThis story is all about a woman with a broken family, named Maximus Caledonia Vasquez and in her early teens she had many problems and as she faced it there are two men who loved her secretly. The question is who can be HER FOREVER.