Hinatid kami ni Ken sa bahay pagkatapos ng mga nangyari kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami ang sinisisi nila madam, dahil alam ko sa sarili ko na kahit gaano man kami kahirap at dumating man kami sa puntong walang-wala na kami, hinding-hindi namin magagawang magnakaw, lalo pa sa taong sobrang laki ng utang na loob namin.
I admit,i am angry to them because of whay they did to us, especially to what they did to my mother. They accused us of non-sensical evidence. If i were them, i will put CCTV in my house, so i can be sure who the thief is.
"Oh ate, anong nangyari sainyo?" salubong sa'min ni uncle laurent pagdating namin sa bahay. Expected naman na magtataka sila dahil umuwi kami ng walang sabi at dala na namin ang buong gamit namin at isa pa maga ang mga mata ni mama sa ka-iiyak kanina sa harap nila madam.
"Ahm.... Uncle, ako nalang po mag papaliwanag mamaya, pag pahingahin po muna natin si mama" mapait akong ngumiti kay uncle na kita naman sakaniyang mga mata ang pag aalala. Tumango na lamang 'to at tinulungan na si Mama pumunta sa k'warto para makapag pahinga.
Tulala si mama at halatang masiyadong siyang naapektuhan sa nangyari, ilang taon na kase siyang nag ta-trabaho sa pamilyang Morales at sigurado akong napamahal na si Mama sakanila. Pasalamat nga sila mas maraming oras sakanila si mama para asikasuhin at pag silbihan sila kaysa sa'ming mga anak. Tapos dahil lang sa k'wintas? itatapon na nila 'yung mga pinagsamahan.
Mabuti na lamang at tulog si Lola pagdating namin dahil sigurado ako kapag nakita niyang ganoon ang itsura ni mama, sobrang mag aalala at magagalit 'yun.
Lumabas ako at pinuntahan kung nasa'n si Ken,hindi ko na rin kase siya masiyadong naasikaso kanina dahil sa mga nangyari.
Nakatayo lamang siya sa labas ng gate namin at sinisipa-sipa 'yung mga bato, na parang bata. Panigurado akong may malalim na iniisip 'to kaya nag sisisipa ng bato. Gano'n kase siya mag isip e, monggi.
"Hmmm.Lalim naman ng iniisip mo" pabiro kong sabi, pagtabi ko sakaniya.Ngumiti lamang siya at bumuntong hininga.
"Ikaw? Kamusta ka?" he asked calmly.
"Ayos lang ako, hindi naman p'wedeng hindi ako okay e,dahil hindi rin ayos ang lagay ni mama ngayon,kaya kailangan ko magpakatatag" i sighed and smiled bitterly.
"Paano pag aaral mo do'n?" na bigla ako sa tanong niya dahil ako mismo, hindi ko na naisip 'yun,mag mula nang makita ko kung anong itsura ni mama at mia kanina.
"Actually, i don't know, but i'll find a way, malapit na rin naman ako makatapos ng fourth year,baka mag trabaho na rin ako habang nag aaral para hindi pa-bigat dito kanila uncle"
"Na'ndito lang ako pag kailangan mo" he smiled sparingly.
"I know, and thank you... For always being here for me.. In.. joy and sorrow...In.. hardship and comfort"
Tipid lamang siyang ngumiti, pagkatapos kong sabihin 'yon parehas kaming tumahimik at pinapanuod ang mga batang nag-lalaro at nagha-habulan. Ang sarap nalang maging bata, 'yung tipong parang wala kang problema.
Ang problema, kapag pinatulog ka ng nanay mo sa tanghaling tapat habang naglalaro ka tapos pag hindi mo sinunod papaluin ka ng hanger o ng tsinelas.
"A-ahm....Max...m-may sasabihin ako" pag basag ni Ken sa'ming pananahimik.
"Hmmmm? ano 'yun?"
"Ah..a-ano...salamat sa lahat....hmmm. Sa friendship... Oo sa friendship" uutal-utal niyang sabi.
"Ahhhh...okay?....Baka magka-iyakan pa tayo niyan?" pang-aasar ko sakaniya dahil ang maistuhod niya.
YOU ARE READING
MY SECRET LOVE
RomanceThis story is all about a woman with a broken family, named Maximus Caledonia Vasquez and in her early teens she had many problems and as she faced it there are two men who loved her secretly. The question is who can be HER FOREVER.