Pagtapos kong mag hilamos, hindi pa rin gising sila mama kaya ako nalang din ang mag luluto ng almusal namin.
Nagluto ako ng egg sunny side up at corned beef with potato. Pagtapos kong magluto,naisip ko si Patricia kung anong gusto niyang almusal. Sana naman kumakain siya nitong niluto ko dahil kung hindi, siya talaga pag lulutuin ko ng kakainin niya.
Seven o'clock ako natapos maghain ng pagkain namin, pero hindi pa rin lumalabas ng k'warto si Mama at Mia. Baka pagod na pagod 'yun kahapon kaya tinanghali ng gising. Napag desis'yunan ko ng puntahan na sila sa k'warto dahil baka lumamig ang pagkain na niluto ko.
"Ma,ma, gising na po. Mia gising na" tinapik-tapik ko ang kanilang kamay para magising na. Ilang beses ko pa ginawa 'yun bago tuluyang nagising si Mama.
"Hmmmm....Oh anak gising ka na pala, hindi ko man lang naramdaman" she sighed. "Sa sobrang pagod ko siguro kaya napa-haba ang tulog ko" Inaantok pang banggit ni mama.
"Mukha nga ho kayong pagod na pagod,Ano bang mga ginawa niyo bukod sa pagluluto?"
Bihira lang mapagod si mama ng ganito, usually kapag may event lang sila madam, kaya nakakapag taka na kung kailan kaunti lang kami sa bahay 'tsaka naman napagod si mama.
"Si Patricia kase ang daming inutos kahapon,mag papalaba ng gamit niya tapos mag papaluto at plantsa pa. Pero hayaan mo na,ayos lang ako anak" mom held my right hand.
"Huwag niya kamo abusuhin 'yung pag tira niya rito porke wala sila madam" i shook my head. Nirerespeto naman namin na bisita siya nila madam e,pero 'yung abusuhin niya 'yun. Hindi na tama.
Nagising na rin si Mia kaya pumunta na kami sa kusina at kumain. Si Patricia ay hindi pa rin bumababa para kumain kaya hinayaan na lang din namin.
ILANG araw ang lumipas, na kami-kami lang ang magkakasama. Sila Easton din ay hindi pa umuuwi,kahit sa school nila hindi ko man lang naabutan si Easton na palabas o papasok sa school niya. Hanggang ngayon din hindi pa ulit kami nag kaka-usap.
Baka nga kailangan ko ng tanggapin 'yung galit niya, na 'di na niya ako mapapatawad.
"Ah okay po Madam, wala pang problema,Ingat po kayo. Opo" ka-uuwi ko lang galing sa school at narinig kong may kausap si mama.
"Ano po 'yon ma?" i asked my mom after she end the call and even though she didn't know that i already at home.
"Oh nanjaan ka na pala, Ma-eextend daw ang trip nila madam" As she said that she embraced me. "Baka pagkagaling mo sa swimming niyo 'tsaka lang din makaka-uwi sila madam" mom explained and i just nodded.
ILANG araw pa ulit ang lumipas at ngayon ay ang araw ng pagsama ko sa swimming nila Ken. Ni chat ko na si Ken kahapon na makakasama ako sa swimming nila dahil ayaw ko mag tampo siya. Sinabi niya naman na susunduin niya ako.
Nag aalangan pa ako na umalis dahil ayaw kong iwan sila mama rito kasama si Patricia.Mukha naman siyang mabait e, pero mukha lang pala dahil inaabuso niya 'yung mga bagay na kaya niyang kontrolin. Pero kailangan kong samahan si Ken dahil ayaw kong masabihan ng paasa.
Maaga ako nagising para ayusin ang mga dadalhin kong gamit dahil mga 10 o'clock daw ako susunduin ni ken at ako na rin magluluto ng makakain nila mama.
Pagtapos kong maligo nag suot lamang ako ng maong short and halter top and sandals.Hindi na ako magdadala ng sariling snacks dahil iaasa ko lahat 'yun kay Ken.
YOU ARE READING
MY SECRET LOVE
RomanceThis story is all about a woman with a broken family, named Maximus Caledonia Vasquez and in her early teens she had many problems and as she faced it there are two men who loved her secretly. The question is who can be HER FOREVER.