Chapter 15

25 4 3
                                    

Kanina pa kami pa ikot-ikot dito sa PowerMall, hindi ko pa rin nasasabi kay Ken kung bakit ko siya pinapunta ngayon. Hindi ko rin naman kase siya pinapa-punta rito pag may problema lang ako, kaya siguro hindi niya rin napapansin o tinatanong kung ba't ko siya pinapunta.



Naka-ilang ikot pa kami sa PowerMall dahil may hinahanap din si ken na bibilhin niya para sa project niya. Ako naman ay pang-design lang sa brochure ko para sa requirements namin after exam.




"Gutom ka na 'no?" Ken stopped walking before he asked me. Nauuna akong mag lakad sakaniya  kaya't huminto ako at nilingon ko siya nang itanong niya 'yon.




"Hmmm... Hindi pa naman. Bakit?"



"Wala lang kanina ka pa lutang e.Kahit hindi mo ipahalata, halata talaga siya bro haha. May hindi ka sinasabi sa'kin 'no?" he came closer to me and he held my waist, then,we walked again before i answer his question.



"Ahm sorry,Yeah, may sasabihin ako mamaya"tipid lamang akong ngumiti.




Tumango na lamang siya at inaya akong kumain sa Giligan's para duon mag k'wento at kumain. Malaki ang PowerMall kaya madami rin restaurant at foodcourt. Mukhang ma-pera ngayon si ken at sa Giligan's ako inaya kumain.




Pag pasok namin,good thing, dahil walang masiyadong tao, kaya med'yo tahimik at may nakita agad kaming magandang p'westo na pang-dalawahang tao lang. Pag upo namin ay may lumapit agad sa'min para mag bigay ng menu.




"Street food na lang kaya tayo?" i asked ken.



"Ha? Ayaw mo ba ng pagkain nila?" i see in his face the astonishment.



"H....Hindi...Ahm...Ang..Ang mahal e" i grinned.



"Tss. So nahihiya ka sa'kin dahil ang mahal ng ililibre ko sayo? Kung pag sasama-samahin  ko rin naman mga nilibre ko sa'yo dati, mahal din iyon" he mocked.



"Tsss. Yabang" i rolled my eyes at him. Tama naman siya,ngayon pa ba 'ko mahihiya.




Sinabi ko kay Ken na Chicken Teriyaki lang ang akin dahil iyon ang mura,pero ayaw niya dahil sayang daw ang punta namin kung kaonti lang ang kakainin. Kaya't nainis ako at siya na lang ang pinapili ko.




"Sizzling Gombos,Fried Garlic Chicken,Sizzling Pork Sisig. Anong gusto mo?" he point all the food that we have in our table. He crossed his hand on his chest at inaantay niya ang aking sagot.




"Magkano 'yan lahat?" pagtataray ko sakaniya.


"Don't worry my baby, i got chuu" pang-aasar niya ulit.


"Ewan ko sa'yo, sisig na lang akin na"





Binigay niya 'yon sa'kin at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay nagseryoso na siya at sinimulan niya na akong tanungin sa'king problema.



"So ano 'yon ha? Mag bo-boyfriend ka na?"



"Hindi... tsk. Naalala mo si Easton?" i look at him and he looked confused.



"Hindi e... Si South East lang" Sagot niya. Aamba na akong tatayo at aalis dahil sa pang-aasar niya . Pero pinigilan niya ako at hinawakan ako sa kamay. Ang buong akala ko makaka-usap ko siya ng matino pero mukhang nagkamali ako.



"Joke lang, ito na mag seseryoso na" he smirked. "so? Anong mayro'n sa anak ng amo ni tita loui?" he asked seriously.




i sighed. Baka kase hindi pa siya seryoso e, pero mukha naman seryoso na siya.



"Do you remember the night that the band have a gig in the bar? And when we were waiting for a jeep and you asked me why i'm pale? That night-" i stopped talking because he up his right hand to stop me.



"Pota! Sandali! Puro ka english eh. You know naman that i don't english 'di ba?" he rubbed his forehead. "but.. yes,naaalala ko. Anong mayro'n do'n?"



"Hay!!!" i inhaled and exhaled. "i saw easton's girlfriend in the comfort room of that bar....having......SEX... with other guy!" His eyes widened when he heard what i said. At muntikan na siyang mabulunan.




"Lupets naman no'n bro. Sa CR talaga hahahaha" he shook his head.



"Then 'yun... Hindi ko sinabi kay easton kase natatakot ako and isa pa iniisip ko it's none of my bussiness anymore, right? Ayaw ko rin na mag hiwalay sila ng dahil sa'kin" i sighed. Nakikinig lamang si ken sa mga sinasabi mo.



"Tapos nu'ng pumunta kaming SuperMarket, we saw his girlfriend with other guy... again! Ang sweet nila no'n tapos nakita ko 'yung reaction nu'n ni Easton para akong kinakain ng konsensiya ko kaya hindi ako makapag pigil. Kinausap ko 'yung lalaki na kasama nu'ng girlfriend ni Easton at sinabi ko na... 'yun nga nakikipag .. sex si lorelei sa iba kaya layuan niya na si lorelei" i took a deep breath.





"Siyempre nandoon si easton. Kaya narinig niya rin. Hindi pa niya alam iyon that time kaya lalo ko lang siyang nasaktan. Wrong moves 'no?" my tears start to fall."Ang tanga-tanga ko"





Nilapit ni Ken ang kaniyang upuan at tumabi sa'kin. Hinagod niya ang aking likod saka niyakap. "Shush! Hindi mo kasalanan 'yon okay?"




"Nasaktan ko siya, dapat nu'ng unang kita ko palang sa nangyari sinabi ko na sakaniya"




"Tahan na nga! Hindi mo naman kasalanan na ganoong babae ang napili niya. Isa pa ang mahalaga nasabi mo pa rin 'yung totoo kahit huli na. Nasa sakan'ya na 'yun kung magagalit siya sa'yo o tatanggapin niya 'yung totoo. At sigurado naman na that girl is a lesson to him" he said as he embraced me.




Nang naubos na namin ang aming in-order na pagkain,umalis na rin kami duon at saglit pang nag ikot sa mall. Med'yo kumalma na ako nang nilabas ko na kay Ken 'yunh problema ko. Pero hindi ko pa rin alam kung mali nga ba'ko o tama lang 'yunh ginawa ko?




"Naninibago ako sa'yo" singit ni Ken sa usapan namin habang palabas na kami sa Mall.


"Ha?Saan?Bakit?" sunod-sunod kong tanong.


"Sa ugali mo. Hindi ka naman ganiyan eh! Hindi mo iniiyakan ang mga kasalanan mo o kahit anong problema mo. Mahal mo na 'no?" he raised his eyebrows. Napatigil ako sa tanong niya at umiwas ng tingin.



"Naalala ko pa nga nuon. Pinag-hiwalay mo si Bea at Mark e kahit trip mo lang. Tapos nagalit sila parehas sa'yo, pero.. wala ka namang pakialam kahit na bestfriend mo rin si Bea. Eh ngayon hindi ikaw ang may kasalanan pero iniyakan mo pa" he added.



"Tsk. Tumigil la na nga. Hindi ko alam. Tara na nga!"



Lumabas na kami ng Mall  at naglakas na papuntang sakayan ng jeep para maka-uwi na'ko. Habang nag hihintay kami ng jeep ay tahimik lang ako dahil iniisip ko 'yung sinabi ni Ken kanina.




"Ay bro, May swimming pala kami next week. Sabi ng prof ko p'wede mag sama. Isasama kita ha! Libre ko naman 'tsaka para mabawasan naman stress mo sa buhay" he smiled at me pero matagal ako bago naka-sagot.



"ahm... hmmm. subukan ko chat na lang kita" tipid lang akong ngumiti.



"Sige, wag paasa bro ah!" he hugged me before i took to jeep.







************
This story is unedited please be patient with the typographical errors and wrong grammars/spellings.

Thankyou to all readers:> keepsafe mwi Godbless!!!!

MY SECRET LOVEWhere stories live. Discover now