Pagsakay ko ng jeep ay agad din itong umandar upang maka-alis na. Huminga ako ng malalim habang tinitingnan si Ken palayo. Hanggang sa hindi ko na siya makita at natulala na lamang ako sa biyahe.
"Oh baba na mga looban.looban. baba na" naririnig kong sigaw ng lalaki.
"Miss? 'Di ba looban ka? Miss.. Hooooy!!" Bumalik ako sa wis'yo ng sigawan ako ng lalaki. Ang conductor ng jeep, kanina pa pala ako nakatulala, at hindi ko alam na nandito na pala ako.
"Ay sorry kuya. Opo,opo sandali lang po"
Pagbaba ko ay nag lakad na ako papasok ng village upang maka-uwi na. Nang nakarating na ako sa tapat ng bahay nakita kong wala ang mga sasakyan nila madam sa garahe.
"Ma!!! I'm here na!!" sigaw ko pagpasok ko sa pintuan ng kusina. Duon ako dumaan dahil sigurado akong nandoon si mama at nag luluto.
"Oh anak,nanjaan ka na pala. Halika at kumain na tayo" salubong sa'kin ni mama.
"Ang aga natin kakain ngayon ah? Nasaan ba sila madam, bakit wala ang mga sasakyan nila, ma?" tanong ko at pagtataka na rin dahil usually,kakain lang kami pag tapos na sila madam kumain.
"Si madam at sir harrison may business trip, sila lester at easton nasa condo lang nila. Si Patricia lang ang nanjaan" Mom explained and i just nodded.
Nag paalam muna ako kay mama na mag bibihis muna ako sa k'warto bago kumain. Pag pasok ko sa k'warto ay naabutan kong tulog si Mia kaya nag dahan-dahan lang ako sa pag kilos upang hindi siya magising. Pag tapos kong mag bihis ay agad akong pumunta sa kusina para samahan si mama kumain.
Pag upo ko ay nagtaka ako sa nakahandang pagkain dahil kami lang naman ang naandito pero masasarap na ulam ang naka-handa, kare-kareng baboy at chicken curry pa.
"Bakit nag luto ka pa ng ganiyan ma? Tayo lang naman ang kakain,Dapat nag sardinas na lang tayo" suhestiyon ko.
"e kase anak,nag pa luto si Patricia, sabi naman ni madam kung anong gusto niya 'yun ang ibigay ko" she sigh and smiled at me. She looks tired and still she can smile.
"Dapat pina-ubos mo sakaniya lahat 'yan ma, mag-isa lang naman siya ang dami niya pang gusto" i rolled my eyes.
"Hayaan mo na anak trabaho ko naman 'yon at-" hindi naituloy ni mama ang sasabihin niya nang napatingin siya sa may bandang likuran ko. I also turned to my back and i saw Patricia stood there.
"Oo nga naman Maximus, trabaho iyon ng mama mo. So... Don't you worry,okay? Eatwell baby!" she fake her smile and she left us in the kitchen.
She called me baby, I'm not a kid motherfucker! Ka artehan niya.
Tinapos na lamang namin ni mama ang kinakain namin para maaga rin makapag pahinga. Habang nag liligpit kami ng pinagkainan namin,napansin kong tumahimik si mama at mukhang malalim ang iniisip,kaya't nilapitan ko siya at niyakap.
"Ma? Anong problema? You can tell me, what is it?" Hindi ko pa rin tinatanggal ang pag yakap ko sakaniya dahil baka iyon ang gusto niya at kailangan niya ngayon.
"Wala naman anak, hindi lang kase ako iniwanan ng pera ni Madam, okay lang naman sa'kin na wala pang ibigay si madam, pero kase iyong kapatid mo si Presscot ang tagal ng nang hihingi ng pera sa'kin,wala naman akong maibigay" Tinanggal niya ang pagkaka-yakap ko sakaniya 'tsaka niya tinuloy ang ginagawa.
"Nako ma, may pera ho ako rito... kaso... may pag gagamitan din ho ako nito e. Hayaan niyo at baka bukas maka-hanap tayo ng pagkaka-kitaan" Hinagod ko na lamang ang kaniyang likod para hindi na siya mag alala.
"Atsaka nga pala mama, isasama raw ako ni Ken sa swimming nila next week, p'wede ba'ko sumama?" singit ko sa katahimikan ni mama.
"Kung gusto mo,sumama ka lang. Mabait na bata si Kennedy kaya alam kong mapagka-katiwalaan ko 'yon pag dating sa'yo" she smiled. "Kung hindi nga lang kayo mag kaibigan niyan ay gugustuhin kong siya ang mapangasawa mo" she added then smirked.
"Hmmmmm... Mama.. Puro ka naman biro, Tama na ho, pagtapos ko mag hugas, mag pahinga na tayo"
Alam kong hindi nag bibiro si mama sa sinabi niya dahil bihira lang naman siya mag topic ng about sa boyfriend at pag aasawa. Kaya iyon na lamang din ang naisagot ko sakaniya.
Kung tutuusin,tama naman si mama, dahil kahit ako kung hindi ko kaibigan si Ken, gugustuhin ko rin na siya ang magiging boyfriend ko,pero ayaw kong masira ang friendship na mayroon kami. Loko-loko man kausap 'yun pero para sa'kin siya ang pinaka matino na lalaking nakilala ko.
Nauna nang pumunta si mama sa k'warto at ako ay pumunta pa sa bathroom para mag halfbath at mag toothbrush. I don't do skin care routine, i'm not like other woman. I'm satisfied in powder, alcohol and cologne.
Kinabukasan mas maaga akong nagising kay mama,kaya't tumayo na ako at lumabas ng k'warto.
Paglabas ko ay med'yo madilim pa, papunta sana ako sa bathroom pero may narinig akong bumukas na pinto sa second floor kaya tiningnan ko ito.
Dahan-dahan lamang ang pag akyat ko sa hagdan upang hindi ako mapansin kung sino man 'yun.
Ngunit nakita kong pinto ng k'warto ni Madam ang naka-bukas
kaya't lalo akong nagtaka dahil wala naman sila rito. Ang pagkaka-alam ko'y almost one week sila mawawala.Dahan-dahan pa rin ako sa pag akyat, ngunit bago pa ako makarating may lumabas na sa k'warto ni madam.
Si Patricia..... Anong ginagawa niya sa k'warto ni Madam? Ang alam ko'y bawal pumasok duon bukod sakanilang pamilya. Si patricia ay bisita lang nila.
Paglabas niya ay pa lingon-lingon pa siya bago bumalik sa guest room. Bumaba na lamang ulit ako at hinayaan na siya. Ayaw ko nalang maki-alam dahil baka pinag-kakatiwalaan naman siya ni Madam kaya malaya siya maka-labas pasok sa k'warto nito.
*********************
This story is unedited,please be patient with the typographical errors and wrong grammars/spellings.Thankyou to all readers:> Godbless!!!! Keepsafeeee:*
YOU ARE READING
MY SECRET LOVE
RomanceThis story is all about a woman with a broken family, named Maximus Caledonia Vasquez and in her early teens she had many problems and as she faced it there are two men who loved her secretly. The question is who can be HER FOREVER.