Sa mga sumunod na araw ganoon pa rin ang aming naging routine, naihahatid pa rin naman ako ni easton sa school pero hindi niya na ako palaging nasusundo, mukhang naging busy siya lately. At 'yung umuwi ako nang gabi na siya ang naabutan ko ay nasundan pa dahil after lagi naming mag practice ng sayaw ay dumidiretso kami sa banda at kada uuwi naman ako ay naabutan ko si easton sa living room na doon na ginagawa ang kan'yang school works at minsan nama'y nakaka tulog na s'ya sa sofa na bukas yung laptop niya.
Friday ngayon kaya inaasikaso na namin ang aming susuotin para mamaya sa hiphop namin sa P.E. White hoodie croptop jacket lang ang binili namin at kaniya-kaniya na sa damit pang ibaba. Black leggings sa'ming mga babae at sa lalaki naman ay black pants at white na rubber shoes lang ang susuutin namin sa sayaw, mabuti na lang at kahit papaano'y nakapag ipon ako para rito kaya naka bili ako ng sarili kong hoodie.
Ilang oras na lang ay P.E na namin, mabuti na lamang napakiusapan namin ang isa naming subject teacher na hiramin muna namin ang kan'yang oras para sa preparation.
Yung iba kasi ay kung ano ano pa ang inilalagay sa kanilang mga muka at marami pang sabit-sabit sakanilang damit, ang aking grupo lang ata ang pinaka simple ang suot dahil kaunti lang din ang inilagay naming kolorete sa aming mukha.
Nag powder at liptint lang kami ni gwy samantalang si eva at vivienne ay nag blush on at mascara pa.
"Hindi na dapat kayo mas'yadong nag lagay ng kung ano ano sainyong mukha eva at vivi, dahil isang bagsakan lang naman natin ay may grade na tayo" suggestion ko sakanila.
"KJ mo naman girl, 'Di mo ba napapansin na tayo lang ang simple rito tapos ayaw mo pa kami pagbigyan" si eva, she rolled her eyes at me, at sumang-ayon naman sakan'ya si vivi.
Fine. Don't listen to me,let see who will suffer later after the presentation,hindi naman killjoy ang pagiging practical. May mga susunod pa kase na ibang subject mamaya and i'm pretty sure na hindi lahat yuon ay tatanggapin ang kanilang excuse dahil may mga kolorete pa sila sakanilang mukha.
Nang dumating na ang aming P.E teacher umayos na sila ng kanilang p'westo, nagsama-sama ang mga magkaka grupo. Tatlong grupo pa muna ang mag pe-perform bago kami.
"Kinakabahan ako max, ang gagaling nila" sabi sakin ni max habang hawak ako sa braso.
"Hindi naman ito contest kaya 'wag kang kabahan, ang mahalaga lahat tayo makakakuha ng grade and just be yourself, kaya yan" i smiled at her.
Nakatapos kami lahat sa pagsayaw at sa tingin ko nagawa naman namin lahat ng maayos at sigurado rin akong ibinigay nila ang best nila.
"Bago ko sabihin ang inyong grado, I'd like to comment first on your costumes" panimula ng teacher namin.
"No matter how good your costume if your performance is not good, Its all nothing. Costume is not very important to me pero sa nakikita ko 'yung iba sainyo ay mas pinahalagahan ang costume kaysa sa performance, mas okay rin kung simple lang ang costume niyo pero bumabawi kayo sa performance. And also, ang hiphop ay hindi lang puro sexy steps" dagdag pa nito.
"Ang pinaka mataas na binigyan ko ng grado ay ang grupo ni villa, 98. At ang sumunod at 97 ito ay ang grupo ni vasquez. Yung iba ay tingnan niyo na lamang sa index card" pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na s'ya sa room namin at nagsimula ng mag reklamo ang iba kong classmate dahil sa naka 80 plus lang daw sila.
"Not bad, naka 97 pa tayo" pagbati ni brennon.
"Magaling ang choreo hahaha" pahabol naman ni kendric na nakatingin sa'kin.
YOU ARE READING
MY SECRET LOVE
RomanceThis story is all about a woman with a broken family, named Maximus Caledonia Vasquez and in her early teens she had many problems and as she faced it there are two men who loved her secretly. The question is who can be HER FOREVER.