Ken's POV
"Ma, mag bike lang ako sa playground ah" pag papaalam ko kay mama,kahit hindi niya pa ako pinapayagan ay lumabas na ako papuntang playground habang nag ba-bike.
"Bahala ka kapag naligaw ka 'jan" pasigaw na habol ni mama sa'kin.
Kakalipat lang namin sa lugar na ito kaya gusto kong lumibot at mag hanap ng magiging kaibigan. Sa dati kasi naming tinitirhan wala akong kaibigan dahil village at palaging nasa loob ng bahay ang mga kabataan duon.
Dito sa nilipatan namin,hindi squatter, hindi rin village, hindi ko alam kung anong tawag dito basta ang alam ko masaya rito,sakto lang ang bahay, hindi mahirap, hindi rin madali, pero ang mahalaga masaya.
"May playground ba rito?" parang baliw kong tinatanong ang aking sarili. "Aaah! bahala na mag lilibot nalang ako"
Sa hinaba-haba ng pagba-bike ko wala akong nakitang playground pero nakarating ako sa pinaka magandang lugar ata rito. Parang nakikita ko ang buong mundo, joke 'yun. Tahimik, mahangin,halos walang katao-tao.
"Fuck you all!" nagulat ako sa sigaw ng isang babae sa 'di kalayuan, with matching bato bato pa ng kung ano.Kaya't nilapitan ko ito at naabutan ko siyang hingal na hingal at umiiyak at kinakausap ang sarili na puro mura ang lumalabas sa bibig niya.
"M-miss?" panimula ko para mapansin niya ako, lumingon naman ito at mukhang galit.
"What do you want? Don't talk to me!" pasigaw niyang sabi na umiiyak pa rin.
Bata pa ito at mukhang mga ka edad ko lang . Mukha ring richkid kaya ine-english ako. Hindi ko alam kung pa'no makikipag kaibigan sakaniya. Mag e-english din ba'ko? Ang hirap naman kaibiganin nito.
"A-ahm I-i know that, ahm i am wrong timing but i- Pota ayaw ko na nga mag english" huminga ako ng malalim, siguro naman maiintindihan niya ako kapag nag tagalog ako.
"Mapag-kakatiwalaan ako, Kung ano man ang problema mo,p'wede mong i-share sa'kin, makikinig ako. PRO.MISE" tinaas ko ang aking kanang kamay,sign na nanga-ngako ako. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko, patuloy pa rin siya sa pag hikbi at pagbato ng mga napupulot niyang bato. Kaya't binaba ko na ang aking kamay dahil nangangalay na'ko.
"Ouch!" nag panggap akong nasasaktan, 'tsaka siya lumingon. "Sabi ng mga bato" pagbibiro ko sakaniya dahil kung nakakapag salita nga lang ang mga bato baka 'yun din ang magiging reaction nila.
"I don't care, i don't need your opinion, leave me alone!" Pagtataray niya ulit.
"Ganoon ba? nag o-offer lang naman ako ng mapag sasabihan mo ng problema mo, pero sige, sabi mo e!" hindi ko naman talaga siya iiwan dito ng umiiyak pa rin 'no! nag pa-pabebe lang ako para pansinin niya at nag tagumpay naman ako dahil pinigilan niya ako.
"What's your name?" tanong niya at pinu-punasan na ang kaniyang mga luha.
"Hulaan mo, 'yung babagay sa'kin ha!" pagbibiro ko pero masama ang tingin niya sa'kin kaya tumigil na'ko. "Joke lang, Kennedy...Kennedy Lamana" Dugtong ko dahil baka lalo lang akong hindi kausapin nito kapag hindi ako umayos makipag-usap. Tumango lamang siya pagka-sabi ko ng aking pangalan.
"I'm.. Max..Maximus.Caledonia.Vasquez" malamig na pagka-sabi niya.
"Grabe. Ang haba 'tsaka pang mayaman" komento ko at umupo ako malapit sakan'ya "Sigurado ako anak mayaman ka,ang ganda ng pangalan mo english-era pa" malakas siyang natawa sa sinabi ko. Nalaglag ang panga ko sa inasta niya 'Ang weirdo naman pala nitong babaeng 'to iiyak tapos tatawa ng malakas, pero mas guma-ganda siya kapag tumatawa'
YOU ARE READING
MY SECRET LOVE
RomanceThis story is all about a woman with a broken family, named Maximus Caledonia Vasquez and in her early teens she had many problems and as she faced it there are two men who loved her secretly. The question is who can be HER FOREVER.