Chapter 25

22 3 0
                                    

Ilang araw ang lumipas simula ng nangyari ang mga bagay na hindi maganda. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang mga sumusunod sakin at kung sino ba talaga ang mga pakana nito.

Nagkakaroon man ako ng idea kung sino iyon .... wala naman akong pruweba.


Pero hindi yata ito ang tamang oras para isipin ko pa 'yon. 'Tsaka kinalimutan ko na rin naman, wala naman ng sumusunod-sunod sa'kin or baka mas ginalingan lang nila mag tago.



This is a very important and special day for me. Day...Where my dreams will begin and my parents will cry, because i make sure they will be proud of me.

This is it pancit!

This is not the day to think of people who have no contribution to your life.



"Stop crying na Mama. Baka wala ka ng maiyak next graduation ko" biro ko kay Mama,habang nag hihintay pa kami mag start ang graduation program.


"Masaya lang ako Anak, na kahit ganito tayo, mahirap lang e, napagtapos na kita ng high school ,kahit na huminto ka ng dalawang taon din... Salamat  at hindi ka rin nawalan ng pag asa. Baka nga sa sunod, wala nakong ambag sa pag aaral mo e! puro ikaw nalang"


Ayaw na ayaw ko ng ganitong sitwasyon, 'yung parang nasa drama, but when i heard what my mom said. I remember all the hardships we suffered. Ayaw kong isipin lahat ng hirap namin, because we should not think that. Dapat laban lang.


"Ano ka ba Mama, 'di ba po sabi ko wag niyo na'kong problemahin. Yakang-yaka ko naman po talaga.. Tingnan niyo may trabaho na rin ako. Model pa!" pagyayabang ko kay Mama para lang hindi na siya umiyak.




Habang nag uumpisa na ang graduation ceremony,halo-halo ang aking nararamdaman. Sobrang dami ko ring iniisip, hindi mawala sa labi ko ang ngiti, kahit na hindi ko close ang mga katabi ko dahil nasa unahan si Gwy at nasa hulihan ako. Naka alphabetical arrangement kase.


Habang nasa kalagitnaan kami ng ceremony ay bigla kong naalala si Ken. Sana lang nandito siya, panigurado ako mas masaya pa 'yun kaysa sa'kin. Hayst nami-miss ko na siya. At mas matutuwa iyun pag nalaman niyang ako pala ang valedictorian. Akalain mo 'yun?





Hindi siya makaka punta dahil marami siyang ginagawa at malapit na rin ang graduation nila, magiging college na siya.


Hindi rin naman ako makakapunta sa graduation niya dahil mag uumpisa na'ko sa trabaho, sa company nila gwy.

Aasikasuhin ko pa ang papasukan ko for senior high. Same school kami ng papasukan ni Gwy and base sa k'wento niya sa'kin, magsasama rin kami sa isang condominium na malapit sa bagong school namin, at the same time sa company nila.



Hindi na rin niya kailangan ng driver at pinayagan naman siya at pinayagan naman siya ng parents niya. Syempre tuwang-tuwa si gaga.





******

GWYNETH's POV

After ng graduation namin,dapat
chill na lang ako at paglipat lang sa bagong school namin ang aasikasuhin ko. Kaso dahil i'm a good friend of Max, tinutulungan ko siya sa mga kailangan niya sa company nila mommy.


It's okay that i'm getting busy because of Max. Kasi kung hindi rin naman dahil sakaniya,mom and dad will not allow me to drive alone using my car and get my own condominium with Maximus.


Matagal ko ng gustong bumukod kanila mommy hindi naman sa ayaw ko silang kasama, 'yun ay dahila ayaw ko lang na ginagawa nila akong baby at hindi ako makapunta sa mga gusto kong puntahan dahil siguradong hindi nila ako papayagan.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY SECRET LOVEWhere stories live. Discover now