Chapter 21

14 4 0
                                    

"You can stay in our house if you want, don't you worry my room is big, kas'yang-kas'ya tayo and... I'm pretty sure na matutuwa pa sila mommy na duon ka muna tumira pansamantala dahil sa pamilya ko naman ikaw mag ta-trabaho...At...Ikaw pa ang model ng company namin...Soon" masayang sabi niya at mas excited pa sa'kin.


Ang komplikado kase ng schedule na ibinigay sa'kin ng auntie ni Gwy, hindi naman gano'n ka komplikado pero bukod sa pang gabi 'yung sched na binigay sa'kin, sayang pa ang pamasahe kung magpapa balik-balik ako rito.Isa pa hindi ako sigurado kung papayag si Mama at Uncle sa suhestiyon ni Gwy.


Ang pasok ko sa school ay seven o'clock ng umaga, ang uwi ko naman ay two thirty tapos umpisa pa ng trabaho ko sa cafe six o'clock pm. Ilang oras pa ang hihintayin ko bago pumunta sa trabaho, kung uuwi pa'ko, sobrang sayang sa pamasahe.


"Sigurado ka ba? Thank you sa suggestion mo ah, but.I don't know if my mom would agree with this" i sighed.

"That's the problem, but....One thing for sure is you are free to live in our house, whenever you want" she smiled bitterly.

"Thank you talaga Gwy, sobrang laki na ng utang na loob ko sa'yo kapag pumayag si Mama sa desisyon ko" hinawakan ko ang kaniyang kamay 'tsaka niyakap.




SIX o'clock na ako naka-uwi sa bahay dahil almost one hour kaming nag hintay sa cafe ni Gwy dahil busy ang kaniyang Auntie sa kadahilanang maraming customer kanina.

Ate Ali cooked fried blue mackerel scad. Hindi ko nga alam kung bakit 'yun lang ang alam niyang lutuin, ang mga ulam na pini-prito lang ang alam niya, like hotdog,sunny side up egg,fried chicken and fried fish. Buti hindi nag sasawa duon sila uncle laurent.


Nag umpisa na kaming kumain ng dinner at hindi ko alam kung paano ko uumpisahang sabihin kanila Mama ang pag ta-trabaho ko at 'yung sinasabi sa'kin ni Gwy na duon muna tumira sakanila habang komplikado pa ang aking schedule.


Tahimik kaming kumakain at alam kong galaw ko ang pinaka weirdo, hindi kase ako mapakali. Natatakot ako na hindi sila pumayag at baka dumating sa point na susuwayin ko sila. Sana hindi na dumating pa duon hayst.


I broke our silence, i took a deep breath before i speak. "U-uhm,m-may sasabihin po ako" Natigilan silang lahat sa pagkain at sunod-sunod na lumingon sa'kin. Tinaasan lamang ako ng kilay ni Uncle Laurent at Mama, sign na simulan ko ng sabihin.


"M-may nahanap na po akong trabaho, malapit lang po siya sa school ko and-"

"Anong trabaho 'yan?" tanong ni Mama ng hindi na nakatingin sa'kin at bumalik na sakaniyang kinakain.

"Food server po sa isang Cafe, p'wede na po akong mag start bukas after ng class ko...And gabi po 'yung schedule ng work ko"

"Delikado na 'yon pag-uwi mo" si Uncle Laurent na kumakain na rin at hindi na rin nakatingin sa'kin.

"Ahm.....I-iyun nga po e. Nag offer po 'yung kaibigan ko na duon daw muna ako sakanila, pansamantala, habang komplikado pa po 'yung schedule ko, 'tsaka siya rin po nag pasok sa'kin duon sa cafe na 'yon dahil Auntie niya po 'yung may ari nung Cafe. Dapat po kase kukuhain nila ako bilang model ng company nila ng parents ng kaibigan ko, kaso habang hindi pa raw po kailangan, sa cafe na lang daw po muna ako, kung kukuha naman po kase ako ng dorm or sarili kong titirhan duon mas magastos po"


"If that the case. Mapagkakatiwalaan ba 'yang gwy?" si Uncle Laurent.

"Sigurado ka ba d'yan sa papasukin mo?" si Mama naman na agad sinundan ang tanong ni Uncle.

"Yes Mama and Uncle, alam ko naman na po kung anong ginagawa ko at alam ko rin po kung mapagkakatiwalaan o hindi ang isang tao. Pag naagrabyado naman po ako, uuwi ako agad dito" i smiled broadly because i felt relieved by the questions that came from them. Alam ko kapag ganon ang tanong ay pumapayag na sila.

My Mom sighed. "Basta palagi mo kaming ko-contact-in"




PAGTAPOS namin kumain, inayos ko na agad ang mga gamit ko para sa paglipat ko kanila Gwy bukas. Di-diretso muna ako sakanila bukas bago pumasok, dahil marami-raming damit din ang dadalhin ko. In-update ko na siya kanina na napapayag ko sila Mama sa gusto ko at sa offer niya.


Hindi ako makatulog sa sobrang excite at sa sobrang saya dahil pinayagan na ako nila Mama. Na e-excite ako dahil makaka-hawak na ako ng sarili kong pera, 'yung galing sa pinag hirapan at pinag pawisan ko. At ang importante sa lahat matutulungan ko pa sila Mama.

'U-umpisahan ko rito lahat ng binubuo kong PANGARAP'



Ni chat ko si Ken at sinabi sakaniya lahat ng goodnews na nangyayari sa'kin, kaso lang hindi siya online.Kaya naisipan kong mag instagram na lang muna, habang nag i-scroll ako naalala kong ni follow ko nga pala si Easton pero wala namang nag notif na ni follow back niya ako. I'm so disappointed, so i just searched for him again and i unfollowed him.


Kung ano-ano na ang ginawa ko sa cellphone, scroll lang ako ng scroll hindi pa rin nag re-reply si Ken, mukha yatang busy 'yon ah. Dati, minu-minuto kinakamusta ako nu'n pero ngayon kung hindi ko pa icha-chat,hindi ako papansinin.

Tiningnan ko ang oras sa'king cellphone at eleven pm na pero hindi pa rin ako tulog, i need to rest because i will leave early tomorrow, so i won't be late for our class dahil dadaan pa'ko kanila Gwy bago pumasok sa school. Pinatay ko na ang phone ko at sinimulan ng matulog.





ILANG araw ang lumipas at naging  maayos naman ang pakikitungo sa'kin ng pamilya ni Gwy, hindi man nila ako masiyadong na i-entertain dahil sa busy sila sa bussiness, nararamdaman ko namang welcome talaga ako sa bahay nila.


Maayos din namang ang naging trabaho ko sa cafe, hindi naman mahirap, nakakatakot lang na magkamali ka dahil pag nakikita ko ang mga ka trabaho ko na nagkakamali sa pag si-serve sa mga customer at binabastos sila nito at sinisigaw-sigawan. Kahit minsan customer naman talaga ang may mali, nagpapakumbaba nalang kami para hindi mapagalitan ng tita ni Gwy at masigawan ng customer.



"Mauna na 'kong umuwi Max huh?Ingat ka papuntang Cafe" paalam ni Gwy pagkatapos namin kumain sa foodcourt sa tapat ng school. Med'yo natagalan kami at ilang minuto nalang ay oras na ng trabaho ko sa Cafe kaya di-diretso nalang ako duon. I just smiled and nodded at her, 'tsaka lumiko ng daan papuntang cafe.


Marami akong studyanteng nakaka-salubong at napahinto ako ng makita ang school ni Easton, magkatapat nga pala kami school.Hays hindi na dapat iniisip ang mga gano'ng tao diba?tsk.


Habang nag lalakad ako malalim ang iniisip ko at kaunting studyante nalang ang nakikita ko, pero kahit malalim ang iniisip ko alam kong may sumusunod sa'kin. Nilingon ko ito at biglang bumagal ang kaniyang lakad na nag papanggap na nag si-cellphone.


He was wearing a black hat and it was branded NIKE. Matangkad ito at hindi gaanong payat. Gagawan kita ng palatandaan para malaman ko kung hanggang kailan mo ako su-sundan. Habang naka-yuko pa ito at dahan-dahan ang paglalakad. Binilisan ko naman ang aking lakad at mabilis na lumiko, hindi ko sigurado kung nakita niya pa ako.

Nakakita ako ng matataguan at siguradong hindi niya ako makikita, pumasok ako sa gate ng abandonadong bahay at yero ang gate na ito, kung saan may butas ay sumilip ako para makita ang paglapit ng lalaking sumusunod sa'kin.

Habang nagtatago ako at hinihintay ang pagsunod ng lalaking iyon ay hinahabol ko na rin ang aking paghinga sa sobrang kaba. Ayaw ko pang mamatay sana naman walang gawing masama sa'kin 'yon.


Huminto ito lagpas sa abandonadong bahay na tinaguan ko, pa linga-linga siya at sigurado akong ako ang hinahanap niya. Tinanggal niya ang suot-suot niyang sumbrero at nagulat ako sa'king nakita.



"J-Jax...Jaxon?" halos walang maka-rinig ng binanggit ko iyon.





**************************
This story is unedited, so please be patient with the typographical errors and wrong grammars/spellings.

THANKYOUSOMUCH 500 READERS NA HUHU!!! SANA NAGUSTUHAN NIYO YUNG STORY KO MWIIII :>

Keepsafe and Godbless!!!!!

MY SECRET LOVEWhere stories live. Discover now