Chapter 3

69 16 32
                                    

Nagising ako sa katok mula sa pinto ng aking kwarto. Di ko na namalayang nakatulog na pala ako, marahil ay dahil sa sakit ng aking ulo o sa hangover ko. Bago tumayo para bukasan ang pinto ay nilingon ko muna ang orasan sa side table ko. 3pm na pala, di man lang ako nakapag lunch.


Pag kabukas ko ng pinto ay tumambad sakin si manang kaya binuksan ko iyon ng mas malawak pa."Nasa baba si Shiane, hijo." sambit niya at nagpati una nang bumaba. Sumunod rin naman ako sakanya ng wala nang pakialam pa sa itsura ko. Nang makababa ako ay nakita ko si Shiane na nakatalikod at nakatingin sa bintanang ang tanaw ay diretso sa pool side.


"What are you doing here?" tanong ko sa pinaka malamig na paraang kaya ko. Narito parin sa akin ang galit o inis pero ramdam kong hindi na ganon kagaya ng kanina at kagabe.Kumalma na ang sistema ko kahit papaano sinabi ko na lang sa sarili ko na masyadong mababaw na rason iyon. Upon hearing me ay napalingon naman siya sa akin.


"I am sorry. I know you're mad." sinserong sambit niya at unti unting lumakad papalapit sa akin.


"Oh glad you know that i am mad but do you even know why?" sarkastikong sagot ko sakanya kaya napayuko naman siya at natigil sa paglapit sakin nang may limang hakbang pa siguro ang layo mula sa akin na kakatapak lang sa huling baitang ng hagdan namin.


"Why the hell are you with my friends? Bakit kasama mo sila? Bakit kailangang malapit ka pa sakanila?" Sunod sunod na tanong ko sakanya. Naramdaman ko na naman na naguumpisang umusbong ang galit sa akin. Di ko alam kung bakit ganito na lang ako kagalit ngunit alam kong galit talaga ako.


"Sorry Dwaine." yun lang ang sinabi niya at ni hindi man lang nasagot 'non ang isa sa mga tanong ko! huh! Naiiling na kong tatalikod na sana sakanya ngunit napahinto ako sa sinabi niya.


"I know that they are your friends because i was stalking you the last time na nag coffee kayong magkakaibigan. I first met and talked with Lj that same day in the parking lot" mas lalong naginit ang ulo ko dahil sa sinabi niyang iyon.


"Then what the f*ck do you think you are doing?! " nang gagalaiting lingon ko sakanya at napayuko naman siya. " Do you think you are a detective para sundan ako or even a stalker or what?! Answer me!" nakatikom ang kamaong pagpipigil ko. Isa iyon sa pinaka ayaw ko sa lahat, ang sinusundan ako dahil pakiramdam ko ay wala akong laya at wala silang tiwala sa akin.


"I just wanted to know who you're with and what are you going to do." nangingilid na luhang sagot niya.


"Your excuses are so f*cking lame Elyssa Shiane!" sigaw ko sakanya kasama ang buong pangalan niya. Alam kong di tama ito dahil babae siya pero di ko mapigilan ang galit na umusbong sa aking na di ko malaman ang pinang galingan.


"And your reasons were valid?" matapang na sagot niya saken habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. At talagang nakuha niya pang sumagot ha!


"Why are you doing those?!" tanong ko sakanya "Do you think you have the rights to do those things so?!" dagdag ko pa


" San ka ba talaga nagagalit Dwaine ha?! Sa kadahilanang sinundan kita sa coffee shop na yon o dahil sa malapit ako sa mga kaibigan mo?" pangunguwestiyon niya sa akin.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon