Chapter 5

58 13 17
                                    

Its been a week at hanggang ngayon ay nangungulit parin saken si Shiane para humingi ng tawad. I don't want any connection from her as of now. Naiisip ko din ang sinabi ni manang.


I don't want to have an another burden of grieve again...


"Sana ay pag nakita mo ang halaga ng batang iyon sa iyon ay hindi pa huli ang lahat. Kilala mo kung gaano kagaling mangbaling ng atensyon ang kaibigan mo. Baka ang pambabaliwala mo ay mauwi sa pinaka masakit na pagkakataong iluluha mo."


Narinig kong muli sa aking isip ang sinabi ni manang na iyon. Ayaw kong dumating sa puntong si Shiane ang maging dahilan nang muling pagluha ko at mas lalong ayaw kong lumuha, Never again.


Kung may pagkakataon mang magkahulugan ng loob si Shiane at Lj posible sigurong maging masaya ako para sakanila dahil Although nasasanay ako sa presensya ni Shiane at ramdam ko ang pinagkaiba pag wala siya, alam ko rin sa sarili kong di ko siya gusto. Mahirap pilitin ang sarili sa isang bagay at isa roon ang pilitin ko ang sarili kong gustuhin siya.


Kanina ay umakyat dito si manang para sabihin sa akin na nasa baba si Shiane. Ilang araw na siyang nagdadala ng Raspberry cheesecake dito sa bahay at hindi ko naman kinakain yon. Pinakain ko ang mga iyon kanila manang at sa iba pang mga kasambahay. Pag naman ninanais kong kumain non ay nagpapadeliver ako sa halip na kainin iyon.


Sa nakalipas na isang linggo ay wala akong napagkaabalahan kundi ang sumulat ng mga literatures sa laptop ko. Wala na rin kaming naging Hangout ng mga kaibigan ko nitong nagdaang weekend at dahil iyon sa may kanya kanyang lakad ang iba.


Nagugutom na ako kaya napagdesisyunan ko ng bumaba kahit na nagaalangan pa ako dahil baka nandoon si Shiane.


"Manang?" tawag ko ng makababa ako ngunit walang sumagot kaya nagdiretso na ako sa dinning room at nakitang nakahain ang pagkain. Baka may ginagawa si manang sa ibang bahagi ng bahay.


Gusto ko sanang kausapin si manang at tanongin kung nakakausap niya si Dad dahil hindi paulit nakakatawag sa akin si dad ilang linggo na.


Maybe my life wouldn't be this boring kung nagkasundo lang kame ni Shiane


Wait. What?! No! i can always live my life kahit wala si Shiane. I can't believe myself just say that in my mind.


Tinapos ko na agad ang pagkain ko at nagpunta sa garden nagbabakasaling doon si manang. Si manang lang ang nagaalaga sa garden namen dahil hindi iyon pinagkakatiwala ni dad sa iba pang mga kasambahay. Isa itong garden sa pinaka mahalagang bahagi ng bahay namin dahil naririto ang mga paboritong bulaklak ng Grandmom ko.


When i reached our garden ay nakita ko si manang na nakatalikod at may kausap. Nang tuluyan ko na silang malapitan ay nakita kong si Shiane iyon. Di na ko nagdalawang isip at sinambit ko na ang pakay ko ng paghahanap kay manang.


"Manang? Tinawagan ka ba ni dad? kase di pa ulit siya nakakatawag sakin this past few weeks e." diretsong sambit ko habang papalapit sakanila kaya naagaw ko naman ang atensyon nilang dalawa.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon