Chapter 19

31 8 2
                                    

Nandito pa rin kaming lahat nakamasid sa kagandahan ng paglubog ng araw. Masasabi kong isa ito sa pinaka magandang lugar at tanawin na nakita at napuntahan ko na. Sa paglubog ng araw ay unti unti ding nabubuhay ng mas matingkad pa ang mga city light na natatanaw sa ibaba. Kung kanina ay maganda na iyon kahit na hindi pa masyadong nakikita ay mas lalo iyong nabuhay sa ganda nang magumpisa nang magliwanag ang iba't ibang establishments sa ibabang tanaw.

"Iba naman sadya pag masaya ang puso ano?" biglang sambit ni Jake. Nakatayo na pala silang dalawa ni Pawn habang kaming tatlo na lang nila Lj at Shiane ang naiwang nakaupo at nakamasid sa araw na tuluyan nang lumubog. "Di nakakaramdam ng gutom pala pag ganon, Sana All!" bulyaw niya pa.

"Actually kanina pa ako nagugutom nadala lang ako sa mesmerising view HAHAHAHA" atsaka tumayo si Shiane at nagpagpag ng pambaba. "Let's go." at inalok niya ang kamay niya kay Lj habang ako naman ay nakamasid lang sakanila.

I should be happy for the both of them kase noong una ay ako naman ang nag suggest na i-date niya si Lj ngunit ano ako itong nakatulala lang sakanila habang nakakaramdam ng maliit na kirot sa puso ko at mas nadagdagan pa nang tanggapin ni Lj ang kamay ni Shiane at halos mapayakap na kay Shiane sa pwersahang pagtayo.

"Get up dude. Muka kang tuleg jan." Biro naman sa akin ni Pawn at inalok din ang kamay niya sa akin ngunit tinanggihan ko iyon at tumayo ng magisa.

"I can manage myself." atsaka ko sila tinalikuran ni Jake.

"But you need her!" sigaw pa ni Pawn kaya naman napasipat ako kung nasaan sila Shiane. Buti na lang at nauna sila sa amin kaya baka hindi na niya narinig ang kalokohan ni Pawn na iyon.

"Anong gusto niyong kainin Dude?" salubong sa akin ni Lj nang makalapit ako sa kotse kong nakaparada katabe nang kaniya.

"Anything basta Edible" pabirong sagot ko sakaniya at napangisi naman siya.

"Anything basta hindi bitter." biglang singit ni Pawn na lumapit at umakbay pa sa akin. "Right dude?" tanong niya pa sa akin kaya naman siniringan ko lang siya.

"How about you Jake, do you have any suggestions?" pagbaling ni Lj kay Jake na nasa kotse niya. Hindi naman ito sumagot kaya nagkatingingan kaming tatlong lalaki habang si Shiane ay nagsusuklay ng buhok niya sa kabilang bahagi ng kotse ni Lj.

"Ano bang problema jan sa kotse mo at kanina mo pa kinakalikot?" tanong ko kay Jake nang makalapit ako.

"Wala naman dude ngayon lang kase nakabiyahe nang ganito kalayo itong Mustang ko sinisigurado ko lang na ok siya HAHAHAHA" sagot naman nito nang may halong kayabangan, talent niya na yon e.

"San ba tayo kakain?" tanong niya at lumalampas ang tingin sa akin patungo kay Lj.

"May alam ako!" biglang sigaw ni Shiane at nakita kong nakatingin din siya sa akin kaya nagiwas ako ng tingin.

"Saan?" tanong naman nitong si Pawn kay Shiane nang walang sumagot dito.

"Follow us na lang ulit kase ang hirap ituro e pero sure naman akong hindi kayo magsisisi kase nakakain na kame ng mommy ko doon." dagdag niya pa kaya nauuna na akong pumasok sa kotse ko ng wala nang pasabe pa.

Hindi ko na sila naririnig sa loob ng kotse pero nakita ko silang nagusap pa saglit bago naghiwa-hiwalay papunta sa sariling mga kotse. Binubuksan ko ang mp player ng car ko ng may kumatok sa bintana ko.

"What?" sabi ko ng maibaba ng bintana ko.

"Mood swing?" tanong naman ni Pawn nang maibaba ko na ang bintana ng kotse ko.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon