Chapter 8

60 11 11
                                    

*Knock Knock Knock*


Dahan dahan kong minulat ang mata ko nang magising dahil sa sunod sunod at malalakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Kusot kusot ko ang mga mata ay binaling ko ang tingin sa wall clock na nasa may harapan ng kama ko. 9am pa lang and as far as i remember, di ko naman sinabihan si manang na gising ako at parang wala rin naman akong importanteng gagawin ngayong araw?


*Knock Knock Knock Knock*


Napabangon ako ng mabilis ng muling katukin ng malalakas ang pinto ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko habang lumalapit sa pinto. Di naman ganito kumatok o mang gising si manang e. Inaantok pa man at wala  sa sarili ay inihakbang ko na din ang paa ko papalapit sa kinaroroonan ng pinto.


"What is your probl--" napatigil ako sa sinasabi ko ng biglang may humila sa akin palabas ng kwarto ng mabuksan ko ang pinto. Hila hila niya ako hanggang pababa ng bahay kaya naman bahagya kong hinila ang braso kong hawak niya para mabawi iyon. Huminto kaming dalawa sa paglalakad habang nasa kalagitnaan pa lang ng Grand Staircase namin pababa.


"What's hap-" naputol na naman ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Shiane. 


" GOOD MORNING SUNSHINE!" sobrang lakas na bati niya sa akin habang nakangiti ng pagkakalawak. "pogi ka pa rin pala kahit bagong gising ka" nakangisi niya iyong sinabi. 


Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto ko na hindi pa ako nakakapag tooth brush man lang at naka pantulog pa ako. Mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko nang muling sumigaw si Shiane.


"Don't worry dude wala ka namang panis na laway sa muka HAHAHAHAHAH" kaya mas lalo akong naconcious sa sarili ko. 


Hindi ako sanay na nakikita ng kahit na sino sa umaga ng hindi pa man lang nakakapagbihis o nakakapaglinis. Sinarado ko agad ang pinto ng kwarto ko pagkaabot na pagkaabot ko noon. Nilock ko muna ang pinto para makasiguradong hindi papasok si Shiane para lang asarin ako dahil sa pagka alaskadora non ay pihadong aasarin ako non dahil sa inakto ko. 


Nang matapos na ako sa aking mga morning routine at nasiguradong maayos na ang aking itsura ay bumaba na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang walang sumalubong sa aking malakas na boses ng pang aasar. Ngunit nagkamali pala ako ng inakala ko ay wala na si Shiane dahil muka niya agad ang sumalubong sa akin pagkalagpas ko pa lang sa receiving area namin papunta sanang dinning room. Sa ngiti niya pa lang ay alam ko na agad na aasarin niya ako.


"Ang cute mo kanina Dwaine para kang babae na nakita ng crush niya na bagong gising habang may muta at panis na laway pa" atsaka siya tumawa ng malakas at nakakaasar.


"Hoy wala akong muta at panis na laway kanina ha!" depensa ko sa sarili ko at mas lalo lang lumakas ang pagtawa niya. 


Seryoso lang ang titig ko habang pinapanuod siyang humagalpak  ng tawa habang makahawak pa sa tiyan niya. Maya maya lang ay unti unti ng nawala ang tawa niya at hinihingal pang ani mo ay nagpupunas ng luha.


"You made my day dude. Pffft" sambit niyang muli atsaka nagpigil ng tawa. Siniringan ko na lang siya at dumiretso na sa Dinning room. 

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon