Chapter 16

33 8 5
                                    

Shiane, She is a very good friend, a thoughtful and lovely one. Madalas kaming lumabas at kumakain para lang makapag bonding. Nagbago ang trato namin sa isa't isa. Hindi ko na nakikita ang kulit ni Shiane na kinakainisan ko noon dahil ang kakulitan niya ngayon ay ang bagay na nakakapagpasaya na sa akin. Everytime na kasama ko siya ay di ko namamalayan ang oras dahil sa kakatawa at kalilibang namin sa isa't isa.


Ngayon ay araw ng sunday at napagdesisyunan naming magsimba na ng magkasama. Nakagayak na ako at aalis na lang. Susunduin ko si Shiane sa bahay nila ngayon para hindi na siya magdala ng kotse niya. Sigurado akong magaaya na naman yon mag gala kung saan kaya ayaw niyang dalhin ang kotse niya.


"Manang!" tawag ko habang pababa ako ng hagdan. Lumabas siya sa kitchen kasunod si Shiane.


"Akala ko ba susunduin kita?" naibungad ko agad sakanya ng malingunan ko siya.


"Good morning too Dwaine." sarkastikong sagot niya sa akin.


"Yeah Good morning." at tumingin na ko kay manang.


"Magiingat kayong pagsimba hijo." at ngumiti si manang sa akin na para bang tinutukso niya ako.


"So you already knew manang ha." at tinawanan nila akong dalawa kaya naman nanguna na akong maglakad sa garahe at alam ko namang susunod sa akin si Shiane.


When she was about to enter my car "Where is your car?" i asked.


"At home?" inosenteng sagot niya sa akin.


"So paano ka nakarating dito?" nagtataka kong tanong.


"i am afraid to say that we also have a personal driver Mr. La Cuesta." at ngisian niya ako tsaka sumakay ng kotse ko.


Habang nasa loob kami ay nagpatugtog siya at sinabayan pa iyon ng kanta. Napapakanta naman ako dahil paboritong band ko din ang nakanta. We have the same music and band choice, one of the reason why we perfectly vibin'.


" where did we go wrong i know we started out alright? Where did we go wrong i swear i knew it last this time? Where did we go wrong oh did you did you change your mind? How could you change your mind? Who got inside your mind?" sabay naming kanta.


Nagpaikot ikot lang sa kanta ng Lany ang mga pinapatugtog at kinakanta naming dalawa hanggang sa makarating kame sa simbahan. She comb her long straight hair first bago bumaba ng kotse at maunang pumasok sa Simbahan. Medyo maaga pa siguro kami dahil hindi pa naguumpisa ang mass kung kaya't habang naglalakad kami at naghahanap ng mapupwestuhan ay maraming lumilingon sa amin.


"Pre chix oh." rinig kong sabi ng isang lalaki habang sinusuri ang kabuoan ni Shiane. Kaya naman hinapit ko ang bewang ni Shiane papalapit sa akin at napalingon siya sa akin ng may pagtataka atsaka nilingon iyong kamay kong nakapulupot na sa bewang niya. Ngumiti lang ako sa kaniya para di na siya magtaka pa.


Habang ang iba namang mga kababaihan ay may impit na kilig habang nakatingin sakin. Nakita ko iyon ng malingunan ko ang iba.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon