Epilogue 1.0

39 9 0
                                    

"Sis ayun na yung crush mo oh!" pagturo ni Jirah sa lalaking kalalabas lang ng classroom. Agad namang naginit ang pisngi ko.

"Dwaine! Tawag ka nito oh crush ka daw" sigaw naman ni Heidee habang tinuturo turo pa ako. Nagulat naman ako ng bigla kaming lingonin ni Dwaine. Lumingon lang siya at umalis na.

"So buo na ang araw mo ganon?" pagbibiro ni Danica.

"Kind of HAHAHAHA" sagot ko naman sakaniya.

Naalala ko pa kung paano niya buoin ang araw ko noong college pa lang kami. Siya iyong stress reliever ko na kahit gaano kahirap ang sangkatuk na number ay nagagawa ko dahil sakaniya. Unang kita ko pa lang kasi sakaniya may kakaibang lukso na agad ng emosyon akong naramdaman. Sino bang hindi mabibihag sa napakagandang mata niya. Dahil sakaniya hindi ko pinagsisihan ang pagkuha ng Business Administration.

"Dwaine I have to tell you something." abot abot ang kaba ko. He is just looking at me with a blank expression which makes my nervousness doubled. I look at him straight in the eye. How could he be so handsome with just standing there wearing formal attire and hanging his toga dress on the right arm? "I like you and I will do everything just to be your girlfriend." buong loob kong sinabi but he just smirks at me.

"I am getting married." at pinakita niya sa akin iyong singsing na nasa kamay niya. Natigilan naman ako. He is my first love. Parang unti unting dinudurog ang puso ko. Sana pala 'di na lang ako umamin.

"Sissss!" malakas ang boses ni Tonyang ang bumungad sa akin pagkasagot ko ng tawag niya.

"Tss so loud! Nakalunok ka ba ng megaphone?" reklamo ko sakaniya.

"Iba ang nalunok niyan sis Shiane!" sigaw naman ni Mark sa kabilang linya. Hayss this gays friend of mine talaga never fail to make me smile.

"So what makes you call ba?"

"So ayun na nga--" naputol ang sasabihin niya ng may sumingit na boses.

"Sis this is Mikmik!" sambit ni Mikko, another gay friend of mine.

"So magkakasama kayo?" how could they not invite me?!

"Yup! G.Bar don't be shy and come over here" binaba ko agad ang tawag pagkasabe ni Tonyang noon.

Pagkarating ko roon ay sinalubong ako ng malakas na tugtog at halo halong amoy ng alak. Nakita ko din naman agad sila dahil sinabi na nila sa akin ang table number. Pagkalapit ko naman ay nandoon na ang halos buong SF except for those babies of our family. We call our circle of friends SF which means Strong Family because we believe that we are strong enough and will be strong for each other hand in hand.

"So what's the tea?" pagkaupo ko ay ininom ko na agad ang alak na nasa shot glass.

"di na tuloy ang Kasal ni Dwaine. MIA daw ang bride." sambit ni Tonyang.

After receiving that news ay nag cool down lang ako. Pinalipas ko ang ilang buwan even if I am so excited. I stop myself to make a move para mapalapit muli kay Dwaine. Ayaw ko naman na isipin niyang nagtetake advantage ako sa sitwasyon like comforting him while he is at his low point. So after Many months ay lumapit na ako. I make everything para mapansin niya para mapalapit sa kaniya.

He is the coldest person I ever met. Sobrang lamig niya to the point na parang wala siyang pagmamahal na handang ialay para sa iba. I was actually losing hopes but then nakita ko sa mga mata niya na he still knows how to love, he just wanted to be strong or act strong because he is in pain. And so I stay. I stay not because he needs someone to stay, I stay because I want to be there. I want to meet him at his mess. 'di ko naman pinagsisihan lahat ng ginawa ko hanggang sa maging magclose kami. Hinahayaan niya na akong makarating sa bahay nila and then i got a talk with manang.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon